Chapter 2: Class 3C

1.2K 32 16
                                    

Hi, Guys! 

Short update lang po ito...

-=-=-=-=-=-

***

"Llehram Academy..." Mahinang basa ko.

I'm here infront of the gate of Llehram Academy. It was so fascinating. And yeah, today is Monday and it's my first day in this school... Man, I'm so excited right now but I feel nervous at the same time.

Teka nga lang, ba't ba ako English ng English dito kahit baliko? Nadala ata ako sa pinanood kong movie na English. Kung andoon lang kayo, naku! Manonosebleed din kayo! Ah! About sa nangyari noong past two days, huwag niyo nang itanong. Lalo lang ako naiinis kay Tita Ams. Ikaw kaya buhusan ng malamig na tubig na may halo pang yelo tuwing umaga. Pero ito.... Kahapon lang ito nangyari. I just meet a mysterious guy... I don't know but parang kilala ko na siya.

=-=-=-=-=-=

"Hmmm..."

Dinama ako ang sariwang hangin habang nagba-bike ako... Ang ganda sa lugar na ito. Paraiso... Para itong hindi probinsya, para sa akin isa itong paraiso. Nagpapadyak lang ako ng pedal hanggang sa may nakita akong maliit na convenience store. Buti naman dito mayroon. Itinigil ko ang bike sa tapat ng convenience store. Bumaba ako roon at iniwan ang bike. Alam ko namang walang magnanakaw noon eh. Iba ang Hirama sa Manila.

Pumasok ako sa convenient store. Nakita kong wala gaanong tao roon. Mabuti na 'yon. Kakatamad kayang pumila sa mahabang linya. Pumunta ako doon sa snacks section at nakita ko ang sari-saring junk foods... Wow!

Kinuha ko 'yung basket sa tabi, wala naman nagmamay-ari eh! Inilagay ko roon ang sari-saring chichiriya na nakikita ko. Pagkatapos ko kunin ang lahat na bibilhin ko, pumunta naman ako sa drinks section nila. Kinuha ko 'yung malaking C2 saka isang bote ng tubig. Pumunta ako sa counter at pagkatapos kong nabayaran lahat ng iyon, kinuha ko ang paper bag. Leche flan lang at hindi iyon plastic! Buti na lang may basket 'yong bike ko... Naku!

Habang palabas ako, hindi ko sinasadyang may nabangga ako. Nahulog ang binibitbit kong paper bag. Inangat ko 'yung tingin ko at nakita ko 'yung isang lalake. Nakatayo ito at nakatingin sa akin.

"Sorry..." Ani ko.

Dinampot ko ang binili ko at inilagay ulit sa paper bag. Kinuha ko ang bote ng tubig nang may kumuha roon... Halos maduling ako dahil isang dipa lang layo namin. Inilipat ko ang tingin ko. Inilagay niya iyon sa paper bag. Tumayo siya kaya tumayo na rin ako. Ibinigay niya sa akin 'yong paper bag kaya kinuha ko naman.

"Salamat." Sabi ko.

Tumingin lang siya sa akin 'tsaka tumalikod na siya. Sungit naman...

"Teka lang! Anong ba pangalan mo?" Sabi ko.

Wala lang. Parang may nag-uudyok sa akin na kausapin siya.

Hindi siya nagsalita kaya tumalikod na lang ako dahil sa pagkakadismaya. Hahakbang na sana ako nang narinig ko siya magsalita. Napaligon ako.

"I'm Jashlei... Jashlei Lee."

=-=-=-=-=-=

"Ouch." Mahinang daing ko.

Napatingin ako sa likod at nakita ko ang isang babae na nakasuot ng uniporme gaya sa 'kin. Nakabike siya.

"Ooops... Sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi niya.

Tumango lang ako pero mukhang 'di pa siya nakuntento dahil kinulit na naman ako.

Death Class (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon