***
Nakaupo ako rito sa Guidance Office. Letseng baklang si Kean. Kung hindi niya ako ginalit eh 'di sana world peace lang at hindi nagkaroon ng world war III. Letse siya. Umiinit ang ulo ko sa pinagsasabi niya. Isa siyang malaking asungot sa buhay ng mga tao. Letse.
Tinignan ko siya na nakaupo sa harap kong na nakatingin ng masama sa akin. Mahahalata mong may dalawang pasa siya sa panget niyang pagmumukha dahil sa kaputian niya. Katabi rin niya si Brent sa gilid na nakayukom ang kamay. Inaalala ko kung ano ang nangyari. Ako pa ang lumalabas na malandi't masama.
=-=-=-=-=-=
"What the hell two of you doing?"
Napalayo ako kay Brent. Tumingin ako sa lalakeng nakatayo sa harap namin. Ang lalakeng masungit pa sa babaeng may PMS, si Kean Marcos.
"That's not what you think, President." Saad ni Brent.
"Stop kidding me, Mr. Oh. Look. Your position said it all." Malamig na saad naman ni Kean.
"I'm not kidding. Stop being judgemental, 'Pres." Maangas na saad naman ni Brent.
Teka nga lang, ano ba pinagsasabi nila? Alam niyo ba iyong sa mga anime? Iyong parang may kidlat habang nakatingin sila sa isa't isa. Iyon 'yung nakikita ko eh.
"I'm just stating a fact, Mr. Oh. This is not proper place for the two of you. Get a room." Ani ni Kean.
Mukhang nagegets ko na iyong pinaguusapan nila. Ang kapal ng Kean na iyan. Ang advance naman mag-isip. Sarap niyang itapon sa Mars.
"What the fuck?!" Sigaw ni Brent.
Nakayukom na ang kamao nito. Shemay... Shemay... Ano ang gagawin ko?! Nakita kong ngumisi si Kean, tumingin siya sa akin.
"And you, Ms. Santoval. You're making a scene with your boyfriend. If you want to make out, then get a room. You are just new here and you're making a scandal in this goddamn school? Ilugar mo iyang kalandian mo, wil---."
Hindi niya natapos ang sasabihan niya nang sinuntok ko 'yung panget niyang pagmumukha. Pakiramdam ko tumaas ang dugo ko sa ulo. Ano daw? Boyfriend? Ako malandi? What the?! Iyong pag-alala ko napalitan ng inis.
"Alam mo, masama na nga gising ko sinisira mo pa lalo. Masyadong advance rin 'yang utak mo, 'no? Ako gumagawa ng eksena? Alamin mo muna kaya kung ano nangyari bago ka dadak nang dadak d'yan. Para kang bakla... Mali, bakla ka nga pala. Wala ka rin kasi respeto sa babae." Inis kong saad pero imbis na humingi siya ng tawad, ngumisi pa ito.
"Why are you guilty? Bakit totoo ba? Stop pretending... I know you're a bitch and whore." Nakangisi nitong sabi.
Magsasalita na sana ako nang nakita kong nakalagapak na sa sahig si Kean. Napatingin ako kay Brent. Ngayon ko lang siya nakitang nagagalit. Nakakatakot siya. Pero ako dapat ang gumawa ulit sa kanya 'yun eh.
"Fuck you, man! Stop saying those word on Mira! Hindi mo siya kilala! Gago ka! Wala kang kwenta na president!" Galit na galit na sabi ni Brent.
Tumayo si Kean at nagulat akong aambahan niya ng suntok din si Brent. Pero hindi natuloy dahil sumigaw ang aming adviser. Mukhang gulat din siya sa nangyari.
"Pumunta ang lahat ng sangkot dito sa Guidance Office, now!"
=-=-=-=-=-=
"I'm so disappointed with the two of you." Sabi ni Mrs. Kastor. She was pertaining to Brent and gay Kean.
"That's not my fault." Sabi ni Kean.
"Siya ang nauna." Sabi ni Brent naman
"Stop talking. Hindi ko sinabing magsalita kayo." Bumaling ang tingin niya sa akin. "You, Ms. Santoval. Bago ka lang dito at nasangkot ka na naman sa gulo."
BINABASA MO ANG
Death Class (ON-HOLD)
Mystery / ThrillerMYSTERY/THRILLER |Highest Rank: #18| "Akala ko, ang school year ko bilang Grade 9 sa paaralang ito ay magiging masaya ngunit hindi pala. Isa itong bangungot! Binalot kami ng takot para sa buhay namin at sa aming pamilya. Class 3C is not a room for a...