A/n: Short update for today, babies! Unedited.
***
I remembered my first day here in Hirama. Kung paano ko nakilala ang mga class officers at ang mga kaibigan ko ngayon. Naalala ko kung paano ako mabwisit sa presidente nilang yelo. Panahon na napagkamalan kong multo si Jashlei... Noong naghinagpis ang lahat sa pagkamatay ni Grey. Naalala ko rin ang panahon kung paano pakisamahan nila akong lahat.
Isang buwan na ang nakakalipas kung kailan ako nakarating at nag-aral sa Llheram Academy. Pero, anong nangyari sa kanila? Bakit nag-iba ata ang ihip ng hangin?
"Bea!" tawag pansin ko rito.
Nakangiting kumaway ako sa kanya. Inaasahan kong huminto siya at iangkla ang kanyang mga braso sa akin pero hindi. She just ignored me like I'm invisible. Hindi siya huminto bagkus, nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.
"Hoy, Bea!" tawag ko muli, hinihiling na pansinin niya ako pero hindi.
Nagtaka ako kung ano ang nangyari at nag-iba ang lahat ng pakikitungo sa akin. Nagtaka at nangamba ako...
Sumunod ako kay Bea. Naglakad ako papasok sa classroom. Inikot ko ang aking paningin sa apat na sulok ng kwarto. Magulo at nag-uusap ng malakas ang lahat. Hindi na ako nag-abala na batiin sila. Ganoon pa rin ang mangyayari. Hindi nila ako papansinin. Tahimik na lamang ako umupo sa pwesto ko.
Isang linggo na nila akong trinatato na parang ganito. Hindi ko alam kung bakit. I looked at Brent. He's laughing together with his friends. Pati siya. Hindi niya ako pinapansin. I tried to talk with him but it's useless.
Napaiwas ako ng tingin at napapikit nang mariin nang naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. Bakit?
"Good morning, class!" bati Ma'am Sheena, ang Math teacher namin.
Deretso ang tingin niya sa buong klase. Nginitian ko siya ngunit tila hindi niya iyon nakikita. Nakakapagtaka. Simula na pumasok ako rito, maituturing kong malapit na ang loob ko sa kanya."Please turn your book in page 65," aniya nito.
Tinignan ko ang paligid. Lahat sila umaakto ng normal pwera na lang sa 'di pagpapansin sa akin.
Pabagsak kong ibinaba ang makapal na libro namin sa Math na dahilan kaya naglikha ito ng malakas na tunog ngunit wala... Tila wala silang naririnig.
Napapikit ako ng mga mata at napahinga ng malalim. Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Jashlei.
▪▪▪▪▪▪▪
"
Ano? Anong insidente? At anong nagbago?" Sunod-sunod kong tanong.
Narinig ko siyang tumawa ng mapakla. Binuklat niya ang class records ng Class 3C na nakuha namin sa library.
"Nagbago na ang lahat. Nagsimula na nila akong hindi pansinin at trinato na tila ba'y isang multo. Maski ang mga guro ay tinatrato ako ng ganoon. Doon na ako nagsimula na gumawa ng sariling investigation. Alam kong nasa ikalawang buwan pa lang ng pasukan ka pumasok dito kaya wala ka ganoong ideya. Kagaya mo, madami rin akong mga katanungan." Mahabang lintanya niya.
▪▪▪▪▪▪▪
D-Don't tell me.... HINDI MAARI!
Gumawa ng malakas na tunog ng pag-urong ko ng upuan para makatayo. K-Kailangan kong makausap si Jashlei!
Naglakad ako patungo sa pintuan. Alam ko namang wala silang pakialan aa akin.
❄❄❄
Narito ako ngayon sa loob ng clinic. Walang ibang tao rito kundi si Jashlei lang na nakahiga. Dito ko siya nahanap. Huminga ako ng malalim. Napagod ako kakahanap sa kanya, ha?
Lumapit ako sa pwesto ni Jashlei. Tinitigan ko ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala siya. Napalunok ako habang inoobserbahan siya. Napahawak ako sa aking ilong at napaasik.
"Bakit parang mas matangos ilong niya sa akin?" bulong ko sa aking sarili.
Napatigil naman ang tingin ko sa kanyang labi. Ang pula at parang malambot... Teka nga! Kailan ka pa naging manyak, Mira?
Gumuhit ang isang ngisi sa aking labi nang may naisip akong kalokohan.
Inilabas ko sa bulsa ng aking palda ang pentel pen. Tumawa ako ng malakas sa aking isipan. Shemay! Natatawa ako kahit hindi ko pa nagagawa! Mwahahahaha!
Tinanggal ko ang takip ng pentel pen at dahan-dahang inilapit sa kanyang mukha. Ngunit bago pa malapit sa ilong niya ang pentel pen, nagulat ako na may kamay na pumigil doon. Nahigit ang hininga ko nang umiba ang pwesto namin. Nasa ibabaw ko siya habang ang kalahati ng aking katawan ay nasa kama. Hinawakan niya ang magkabilang mga kamay ko.
Lumapit ang makinis niyang mukha sa akin. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tenga.
"What are you doing, crazy cat?" bulong ni Jashlei.
Naramdaman ko na umakyat ang dugo sa 'king mukha. Shutang ina!
"H-Hoy, i-impakto! Bitiwan mo nga ako!" pikit-matang sigaw ko.
"But, answer my question first." aniya nito. Mababakas sa kanyang tono ang pangangasar.
"Layo nga sabi!" sigaw ko. Hindi ko na mapigilang gawin ang aking iniisip kanina pa. Pasensyahan na lang.
Malakas na naituhod ko ang pinakainiingatan niyang kayamanan sa gitna ng kanyang mga hita.
"SHIT! A-AWW! TA—TANGINA!" sigaw nito ng malakas sa sobrang sakit.
Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin. Idinilat ko ang aking mga mata at saka umayos ng tayo. Ngumiwi ako habang tinitignan siya na namimilipit sa sakit. Not my fault, dude.
"F-Future ko! A-Aww!" iyak niya.
"S-Sorry! Sabi ko layo nga, eh! Ayaw mo makinig!" depensa ko sa aking sarili. Nakatanggap naman ako ng nakakamatay na tingin. Okay, sabi ko nga tatahimik na ako.
-After a few minutes-
"Ayos ka na?" tanong ko.
"Ano sa tingin mo?!" bulyaw niya. Medyo nakikita kong nangingiwi pa siya.
"Sabi ko nga hindi pa." bulong ko.
"Kapag hindi na ako nakaparami ng lahi, ikaw sisihin ko..." Narinig ko na bulong niya sa sarili. Sorry nga eh!
Tumikhim ako. Binura ko ang ekspresyon sa aking mukha.
"Hindi nila ako pinapansin kagaya mo," deretsong saad ko. "They treated me like I'm invisible. Isang linggo na rin ang lumilipas na nangyayari iyon. Akala ko noong una, busy lang sila pero hindi. Tama ka nga."
Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa aking labi. Tumingin ako sa kanya. Hindi nababakasan ng gulat ang kanyang mukha.
"Alam kong mangyayari sa iyo ito." aniya nito.
Binalot kami ng katahimikan saglit. Medyo nangingilid na ang aking nga luha.
"Mira." tawag ni Jashlei sa akin.
"B-Bakit, Lei?" tanong ko.
Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang aking mga luha.
"Don't worry. Habang nandito ako, dadamayan kita. I will never let you feel alone."
Miss Red <3
BINABASA MO ANG
Death Class (ON-HOLD)
Mystery / ThrillerMYSTERY/THRILLER |Highest Rank: #18| "Akala ko, ang school year ko bilang Grade 9 sa paaralang ito ay magiging masaya ngunit hindi pala. Isa itong bangungot! Binalot kami ng takot para sa buhay namin at sa aming pamilya. Class 3C is not a room for a...