Chapter 3: Mysteries

1K 37 8
                                    

A/n

This chapter is dedicated to you @jhasminethebully

Maraming-marami salamat po sa mga nagbabasa sa story na ito! <3  In every chapter, may clue po... This is just a short update, again.

=-=-=-=-=-=

***

"Mira, nakapunta ka na ba dito sa Hirama dati?"

It's my second day rito sa Llehram Academy. Masaya naman kahit papaano. Hindi sila mga bully kaysa sa mga public school doon sa Manila. You know... 'Yung mga puro may bitches tapos mga mukhang adik na mga lalake pero 'di naman lahat sa Manila ganoon. Iyon kasi ang nakikita ko eh. One time nga muntik pa ko madamay sa mga grupo ng lalake na nag-aaway. Mga frat ata ang mga iyon. Nakita ko 'yung logo ng isang public school. Hayy... Mga kabataan talaga.

"Hey, Mira!"

Miss ko na ang dati kong tirahan at mga kapitbahay kong friendly atsaka si Azi na cute na aso. Homesick ata ta---...

"MIRA!"

"Ay butiki!"

Jusmiyo Marimar! Uso na ba talaga ngayon ang manggulat?! Huh?! Tell me.

Tumingin ako kay Jay, one of my classmates. Babae po siya. Siya ang nanggulat sa akin.

"Bakit ka nanggugulat? Magkatabi lang tayo, uy!" Sermon ko.

"Kanina pa kita tinatawag pero wala kang response. Lutang ka." Sabi niya habang nakanguso.

Nandito pala ako ngayon sa classroom, nakaupo sa upuan ko. Pinapalibutan ako ngayon ng ilan sa mga classmates ko. Simula kahapon, nag-iinterview na sila sa akin.

"Oo nga, Mira." Gatong naman noong isa kong classmate, lalake siya. Nakalimutan ko 'yung pangalan niya.

"Sorry... May iniisip lang." Sabi ko. "Bakit ba?"

"Nakapunta ka na ba dito sa Hirama?"

"Nope. Pero noong wala pa daw akong isang taon kwento ng Tita ko na dito raw kami nakatira rati kaso lumipat din sa Manila."

"Maganda ba sa Manila?" Tanong ni Grey.

"Pwede na..." Maikling sagot ko.

"Bakit 'pwede'?" Sabi naman ni Bea.

"Polluted doon at isa pa madaming krimen unlike rito." Sagot ko

"Ah..." Chorus na sabi nila.

Nalihis ang tingin ko papunta roon sa lumang upuan. Mula kahapon, nakatuon din ang isip ko sa lumang upuan na iyon. Extra chair lang ba iyon or absent lang ang may-ari? Pero nakakapagtaka lang...

"Uhm, Guys. Tanong ko lang, ha. Sino ba ang nakaupo roon?" Sabi ko atsaka tinuro ang direksyon ng lumang upuan.

"A-ano?" Sabi ni Bea.

"Sabi ko, sino ba ang nakaupo roon? Atsaka bakit luma na 'yung upuan unlike sa atin?" Sabi ko ngunit kumunot ang aking noo nang parang naetstatwa sila.

Weird classmates.... Kahapon ko pa tinanong 'yan but iniiba nila ang topic. Ano bang mayroon sa kanila? Bakit parang pakiramdam ko may tinatago sila?

"Guys..." Tawag ko pero...

"Paparating na si Sir! Bumalik na kayo sa upuan niyo!" Narinig kong utos ni Sasha.

Bumalik na sila sa kanya-kanya nilang upuan. Lumipas ng ilang segundo, dumating na si Sir.

=-=-=-=-=-=-=

"Thank you po, Ate."

Naglakad ulit ako nang nakapagsalamat na ako sa isang babaeng estudyante na pumulot sa mga papel na nahulog ko. Papunta ako ngayon sa faculty para ipasa itong mga quiz papers. Ako kasi ang naasign na magbigay noon. Nasa isang building daw iyon eh, sa second floor daw malapit konti sa Music room. Malapit na rin naman ako...

Death Class (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon