I Hate My Husband

161 1 2
                                    

A/N- Hindi ako maka sulat dahil wala na akong inspiration huhu kaya hindi ako makapag-isip ng maayos. Sinong gustong magpa dedicated? comment lang po kayo mga sweetheart.Masaya na ako kahit maunti pa ang mga readers ko hehe newbies pa kasi ako sa pagsusulat . At sorry po kung matagal tagal akong makapag-UD busy po kasi ako sa work ang hirap maging kitchen staff dahil lahat ay gawa ko hehe pagod na ang katawan pagod pa ang utak sa pag iinventory everyday at sa mga pasaway na Chef. Meron po akong sinulat na bagong kwento "Ang Babaeng Alipin ng Sariling Ganda". kaso capitulo Uno palang yuon eh kaya nyo naman pong maghintay diba po hehe.


Alex Drake

Pasado ala Una ng madaling araw ng mag paalam ako sa aking kaibigan na aalis na ako, biglaan kasing tumawag sa akin si Lolo hindi ko nga alam kung bakit ito gising pa ito ng ganitong oras eh dapat tulog na ito.

"Apo kailangan mong umuwi sa Cavite may mahalaga tayong meeting tungkol sa Company natin kaya magmadali ka ha nga pala mga 8:00AM in the morning ang start ng meeting kaya agahan mo ang magpunta mo dito para iwas traffic."anya ng Lolo niya.

"Oh sige sige po pupunta po ako dyan sa Cavite, matulog na po kayo masama sa inyong kalusugan ang nagpupuyat sige po bye po Lolo."pinutol na niya ang tawag ng kanyang Lolo.

Mabilis akong naligo at nagbihis dali-dali akong pumunta sa kabinet at kinuha ang ilang damit inilagay ko ito sa bag. Agad akong pumunta kwarto ni Jun at niyogyog ko pa ito para magising ng mga sandaling pakurap-kurap pa ang mga mata nito dahil halatang antok pa ito.

"Bro aaaahhh!!, napabangongon ito sa pakakahiga.

Ngumiti lang siya dito dahil sa riaksyon ng mukha ni Jun na tila na may pagkayamot.

"Ano ba naman yan dis oras na ng gabi Bro bakit mo ako ginigising kakagawa ko lang ng tulog oh !! ka inis katalaga Drake ang sarap sarap ng panaginip ko tapos ikaw yung sisira sa magandang panaginip ko." anya ni Jun.

Napataas ang kanyang dalawang kamay bilang paghingi ng pasyensya." °×° Oh sorry Bro kailangan ko kasing magpaalam dahil tumawag sa akin si Lolo na kailangan kong pumunta sa Cavite dahil sa aming Company. Kailangan daw akong maka attend sa meeting dahil hindi basta basta ang mga bisita ni Lolo."

"Hay naku Drake yan lang pala ang sasabihin mo bat di mo nalang ako itxt mababasa ko naman yuon eh...,hala sige sige umalis kana at ingat ka sa byahe mo ha."

"Salamat talaga sa ilang araw kong pagtira dito Jun, ang bait bait mo talaga. Nga pala paki-sabi nalang kay Ezra na umalis na ako Bro." sabi ni Drake.

"Oh hala hala umalis kana, sabay wisik nito ng kamay bilang papa-alis sa kanya, rinig pa nyang nagsalita ito habang siya ay naglalakad patungo sa pinto. "You ruined my beautiful dream haist." napangiti siya dito.





******-*****-******-******-******-******-*****-******-*****-*****

Dumaan lang ako sa bahay ko sa may Tanza at nagpalit ng damit pang Opisina hindi na ako nagpaluto sa katulong dahil mahuhuli na ako sa meeting.

Mabilis kong pinaandar ang aking kotse.

"Ano ba naman yan male-late na ako sa meeting, lagot na naman ako nito kay Lolo siguradong katakot takot ang aabutin kong ito."sabay pukpok sa manibela.

"Pati ba naman dito sobrang traffic akla ko sa Edsa lang ang usad pagong eh pati rin pala sa Bacao."

Tumingin lang ako sa Traffic sign ngunit Red light pa ang sign ilang minuto pa kaya ang hihintayin ko,umayos ako sa pagkaka-upo ng makita ko ang sign na green dahil agad ko naman hinawakan ang kambiyo at mabilis na pina-andar ang sasakyan.

Nasa CEPZA na sya sa gate 3 at ipinakita nya ang kanyan I.D at Zone pass sa guard upang makapasok sya,agad naman syang pinapasok ng guard na nagbabantay sa may gate. At mabilis na umibis ang kanyang sasakyan at tinungo ang deriksyon pa punta sa kanilang Company.




Flashback...

Natatandaan ko noong first time kong pumunta sa CEPZA para i-surprise ko ang aking Lolo.. kaka-uwi ko lang kasi sa Pilipinas at may jet log pa ako hindi alinta sa akin yuon.

Nang mga sandaling iyon na malapit na ako sa gate ay sinita ako ng dalawang guard na nagba-bantay sa gate at mabilis itong lumapit sa akin at hirang ako upang hindi ako pumasok.

"Sir anong kailangan nyo?,bakit ka papasaok dito?" sabi ni Manong Guard na ngangalan ng Taborda dahil tiningnan nya ito sa uniporme, mahinahon naman ang pakakasabi nito kaya hindi siya nababanasan sa pagsasalita nito.

“Kasi po mga manong guard gusto ko lang pong makita ang aking Lolo." he said

“Sorry po talaga Sir. wala po kayo kasing I.d at zone pass  na kailangan nyong ipakita sa amin para makapasok kayo dito kasi hindi basta basta kami nagpapasok dito kung wala kang I.D at zone pass at tungkulin po naming pangalagaan ang seguridad ng ng mga company.” sabi noong isang Guard na may katandaan na  siguro nasa 50's na ito.

“Sorry po talaga Sir. tungkulin lang po namin ito at ayaw naman po namin na matanggal sa aming trabaho kung papasukin ka namin.” Taborda said.

“ Kung nakikita nyo po yung CCTV camera  sa gawing kanan ng entrance hindi lang po kami ang nagbabantay sa inyo at may naka in-charge rin sa amin kung nagtatrabaho kami ng maayos at ganyan dito kahigpit ang sekyuridad dito." sabi naman ng matanda

Agad naman akong tumingin sa gawing likuran nila at nakita ko yung CCTV camera oo nga naman tama sila at kahit  naman akong magpumilit eh sa kanila hindi pa rin ako papasukin ng mga ito .

“ Sige po mga manong guard pasyenya na po kasi hindi ko alam na kaylangan pa ng I.D at zone pass para makapasok dito hehe." Sabi ko sa dalawa at kamot ko sa ulo sabay ngiti sa kanila.

Kaya naman umuwi nalang ako sa rest house namin dito sa Tanza at hihintayin ko lang si Lolo na maka uwi dito sa bahay.






















Itutuloy............

I Hate My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon