MARCO POV
"Pwede na ba ako pumasok? Nabibigatan na ako dito e." Nakatitig lang kasi samin si Margaux pagbukas niya ng pinto. Alam ko na ang itatanong niya dahil sa reaksyon ng mga mata niya.. Tumabi siya ng bahagya para makapasok tsaka niya sinara pinto sa likod.
Bakit nga pala gising pa ito? 1am na ah? Taka ko pa kung anung oras ba talaga natutulog to, samantalang siya rin ang gumigising sakin sa umaga para pumasok... At san ba to pumupwesto?
"Anu ba nangyari? Nilasing mo siya noh?? Palibhasa alam mong hindi siya malakas uminom tulad mo e!" Sabi ni Margaux, habang papalapit sa couch at nag-ayos doon na mahihigaan na parang automatic na sa kanya na doon lang naman siya pupwesto pagmatutulog. Tss.. Kabisado ko galaw mo Margarita!
"Anung ako? Hindi ako noh! Si Tom ang nag-aya! Lam mo namang problematic lagi yun sa lovelife!" Palusot ko na lang.. Sinamaan pa niya ako ng tingin ng mahinto siya saglit sabay tuloy sa ginagawa niya.. Tss...
Ibinagsak ko na muna sa kama si Lucas na tuluyan ng naknock-out. Pinanood ko pa si Margaux.
"Hindi ikaw ang matutulog jan Margaux, ha!" Utos ko. Napahinto siya, sabay harap sakin. Pansin ko pang nagbuntong hininga pa sya.
"Hindi sanay si Lucas sa maliit na space." Sagot niya. Poker face pa siya. Aba.. Talaga lang ha, mas may concern pa ata sya sa tukmol na to??
"E ikaw? Diba ganun ka rin?" I sneered, Na nakatitig, nakangisi pa. Aba, dahil sa sakit na yun, damay na pati hika at claustrophobic niya.
"Hindi rin naman kasi ako sanay na may katabi. At alam mo yan, db? OO, pumupwesto din ako jan sa kama, pero pinapauna kitang makatulog bago ako. Alam mo namang marami pa akong inaasikaso bago ako matulog diba?" Paliwanag pa niya. Napakunot na lang ang noo ko bigla.. Kaya pala..
Ewan ko pero bigla na lang dumilim paningin ko.. ni hindi ko man lang din namalayan ang sarili ko kung pano ko yun nagawa.. Kaharap ko na at nakagrab na pala ako sa braso niya ulit.. Mga mata niya maluha-luha na pala.. Sh*t...
Nakainom nga pala ako...
"T.. tama na.." Bulong niya ng mapayuko siya. Halos madaing na niya ang pagkakahigpit ng hawak ko sa kanya na parang gusto na niya ito matanggal.. pero di niya magawa... Tinitigan ko lang siya ng masama..
"Sa kama ka matutulog. Huwag mo nang pairalin ang pagkatigas ng ulo mo. Sinasabi ko sayong mula ngayon panay ang sunod mo sakin, diba?" Pilit ko pang maging maamo ang boses ko dahil mahirap na at may natutulog pang nilalang sa kama... Napahikbi siya at dahan-dahan siyang tumango,
"P... Pasensya na..." Bulong niya.. Pero bakit parang hindi ako satisfied?
"Ano? Paki laksan?"
"Pasensya na.." Pero bulong pa rin e..
"Paki ulit? Pati na rin yung tawag mo sakin. Laksan mo." Utos ko pa. Eyes piercing through hers... Napalunok pa siya...
"Pasensya na, M.. Marco." Sabi niya... Medyo may nginig pa sa boses niya, sabay iwas na siya ng tingin.. Napangisi na lang ako..
Demet... Naiinitan na pala ako... Dahan-dahan kong niluwag ang pagkakahawak ko sa kanya... pero napansin ko pang nagmarka pa ang kamay ko sa braso... Namumula pa.. Napaiwas ako ng tingin..
"Tulungan mo akong ilipat siya dito sa couch." Utos ko na lang ng mabaling ang tingin ko sa natutulog. Hindi na rin siya umiimik.
Nang malipat na namin siya, napahinto ako... umupo pa siya sa tabi ng natutulog na Lucas at.. Pinunasan pa ng bimpo ang mukha niya, braso, at leeg? Napansin ko pang ngumisi ng bahagya ang lasing... Nananaginip?
YOU ARE READING
My Fallen Angel (M) on-going
FanfictionThis story contains not suitable for children. This is for open-minded people. Read at your own risk.. ^_^ Heavy drama and has a part based on true events. ------------------- Margaux (Margo) Lagasca. Unica Hija, Independent, ambitious b*tch (othe...