Chap 3 - The Prince Pt. 4

14 0 0
                                    

MARCO POV

"Grabe... patay gutom lang, insan?" Reklamo ko, habang asiwa akong pinapanood sya habang kumakain sa dining. "Bakit seaweeds lang kinukuha mo sa salad? Maggulay ka nga!" Bulyaw ko sa kanya... dala rin siguro sa irita ko.

"Kuya ang lakas ng boses mo. 3 lang tayo dito." Sagot ni Margaux habang may sinusulat sa desk niya na halos tumira na sya doon.

Ako eto nakaupo sa sofa habang pinapanood ang matakaw kong pinsan na mahilig mamili ng kakainin. Tss

Paalala ko. Kita ko si Lucas tumingala sakin ng ilang segundo habang ngumunguya. Nak ng...

"Umayos ka!" Bulyaw ko. Bigla sya napangisi sabay punas sa bibig.

"Insan last na to... penge nalang supot magbabaon ako sa klase... hehe..." suggest nya. Tss napaface palm nalang ako.

"Halos maubos mo na nga e magbabaon ka pa??" Hiyaw ko.

"Kuya pagbigyan mo na... kelangan din kasi nya ng energy sa klase ni lola..." she trailed off, na para bang kausap nya yung libro nya sa pwesto nya.

"Alam mo tuloy mo nalang yang ginagawa mo, Margaux." Sagot ko nalang. At hindi na sya nagsalita pa. Tss napailing nalang ako.

"San ba kayo nagtatago ng container dito..." naririnig ko si Lucas habang naghahalungkat sa may kitchen counter. Napahilamos ako.

"Magbukas ka ng kabinet jan sa ulunan mo ng sana ay mabagsakan ka ng lalagyang hinahanap mo." I mocked. At nagbukas nga ng cabinet.

Tila sumangayon ang panahon sakin at may bumagsak nga sa ulo nyang tupperware. Maliit na "Aray!" Ang narinig ko mula sa taong to sabay himas neto.

"Yessss may baon na ko! Nyahaha!" Pakanta kanta pa sya habang naglalagay ng salad, dressing, at kung ano ano sa iisang lalagyan... what...

Napakunot nalang ilong ko sa ginawa niya, "Ano yan?? Concuction?? Ano kaya magiging lasa nyan!" Reklamo ko,

"It is called, 'Halo Halo 'El Nino Mucho!" Announced nya, sabay halik sa mga daliri nyang parang chef. Ano daw??

"Halo halo... Goodluck nalang sa sikmura mo insan ha!" Pagwarn ko sa kanya, sabay tayo ko sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. Hinila ko na braso nya habang sinasara pa yung lid ng container, medyo nagulat sya sa ginawa ko,

"Teka saglit! Yung tinapay!" Bulyaw niya sabay abot sa french toast na nakalapag sa mesa sabay nagpaalon sa paghihila ko sa kanya.

"Alis na kami Margaux, hatid ko lang tong tukmol na to at diretso na ko sa kabilang building!" Tawag ko kay Margaux na nakita kong kumaway lang sya habang busy sa ginagawa.. tss...

"Bye insan!! I love you!" Sigaw ni Lucas out of nowhere, at sabay batok ko sa kanya sanhi ng pagkabigla ko... "Aray naman!" Sabay lingon sakin. pansin nya mga mata kong malilisik kaya nagpeace sign sya sabay takbo na papalabas para unahan na ako. Tsk, bata lang amp...

Napalingon ulit ako sa lugar ni Margaux. Bat ba parang walang narinig to? Naisipan kong lapitan ko ulit, sabay halik sa batok nya. Pinanood ko sya kung pano sya nagulat sa ginawa ko. Napatayo sya,

"Kuya anong ginagawa mo?" She stuttered. Eyes widened na para bang nakakita ng multo. I smirked,

"Goodbye kiss ko... Sa napakaganda kong behalf." Tugon ko na hindi pa umaalis sa harapan niya, inch away from her. Napayuko sya ng bahagya,

"S.. sige na.. pumasok ka na.." sabi na lang nya in undertone, habang nakapatong na kamay nya sa dibdib ko sabay tulak sakin ng dahan dahan. Napangisi nalang ako sa ginawa nya. Inantay ko syang tumingin ulit sakin, sabay kindat ko sa kanya. Napablink pa sya as if naweirduhan sa 1st time nyang nakindatan, sabay alis ko sa harapan nya, leaving her standing still, with her same expression on her face. Terrified.

My Fallen Angel (M) on-goingWhere stories live. Discover now