Chapter 1: Dream

280 2 2
                                    

Travis Pov
Naka-upo lang ako ngayon dito sa may garden sa school namin. Para din siyang park ganon! Oo nga pala ngayon na yung first day of school namin at wala naman kaming gagawin ngayon,kaya dito ako pumunta.

"Nakaka-antok" sabi ko habang nahikab pa. May dini-drawing kasi ako,puno lang siya pero sobrang ganda. Ang hirap explain basta ganon yun. May mga upuan dito na pahaba kaya pwede akong matulog dito.

Humiga ako para matulog.

Nagising ako bigla dahil parang may tao dito na hindi ko kilala. Minulat ko naman agad ang aking mga mata at dahan-dahang tumayo. Naglibot ako para hanapin kung sino yun at nakita ko ang isang babae na natutulog sa may ilalim ng puno. Nakaupo siya pero natutulog at may hawak pa siyang scratch book,sakin 'to ha!

Ang ganda niya para siyang anghel. Ang ganda ng mga labi niya. Ewan ko pero hinalikan ko siya bigla. Umalis naman agad ako dahil baka magising siya at hindi ako nagkamali. Saktong pag-alis ko ay nagising siya,yung mata niya ang cute.

Ang lugar na ito ay sobrang romantic para sa akin. Dahil ito ang lugar kung saan natagpuan ko yung taong hinalikan ko. May kabayo na dumaan sa harap niya at parang gulat na gulat naman siya. Tinignan lang niya yung kabayo,pero umalis yung kabayo. Sinundan niya ito.

May hindi talaga ako alam eh. Para bang may tumutulak sa akin na pumunta dun sa romantic na lugar na pinuntahan nung kabayo. At eto nakatayo lang ako dito. Ang gaganda ng mga bulaklak.

Nagulat ako dahil nandito yung babaeng hinalikan ko kanina. Nandito ba siya para sapakin ako. Bigla siyang lumapit sa akin. Ngumiti na lang ako at gustong gusto ko talaga siya halikan. At mukhang ganun din siya kaya unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya...

*blag*

Ouch sakit non ha! Panaginip lang pala yun akala ko totoo na. May posibilidad bang siya yung babaeng nakatadhana sakin? Aishh. Tumingin ako sa orasan ko at watapak late na ako.

Kakamadali ko naiwan ko yung scratch book ko,binalikan ko naman agad yun at easy lang na pumasok sa room namin. Ganun pa din naman walang pinagbago. Ang haba pala ng tulog ko kanina.

Nagbasa na lang ulit ako ng libro at naisip ko bigla yung babae kanina sa panaginip ko. Hindi ko talaga siya makalimutan. Half day lang kami ngayon kaya maaga uwian namin.

Nandito na ako ngayon sa may bahay namin. Wala dito si mom at si dad lang ang nandito.

"Travis" tawag sakin ni dad habang nakaupo sa sofa at nagbabasa ng dyaryo.

"Mmmmm?" sabi ko.

"Kanina kapa hinahanap ni Alex"

"Nasan po siya?" tanong ko.

"Nasa kwarto niyo. Magpapatulong ata sa assignments niya" sabay smile ni dad.

"Loko talaga yun si Alex! Haha sige po dad akyat na po ako sa kwarto ko" pagpapaalam ko. Tumango naman siya agad.

A/N
Medyo magulo yung panaginip ni travis para sakin. Hahaha natutuwa ako dun sa daddy nila,sana may ganyan ding daddy si author :(

Wag niyo akong intindihin. Always good naman ako eh :) Sabi nga ni Ryza Mae Dizon "Bawal ang sad,dapat laging happy" :)

Bago ang lahat,maraming salamat sa inyo dahil binabasa niyo itong story na 'to. Sobrang sinisipag lang talaga ako ngayon dahil walang pasok. Hope na sana magustuhan niyo. Thank you and godbless!! :)

Play Full KissWhere stories live. Discover now