Travis Pov
Umaga na naman. Bakit ganun? Ang saya ko ngayon? Iba yung saya na nararamdaman ko eh. Siya kasi talaga yung babaeng nasa panaginip ko. Hindi. Baka kamukha niya lang yun."Travis nasan si Audrey?" tanong ni mom.
"Hindi kopo alam" sagot ko.
Maka-kain na nga ng breakfast. Isang sandwich at milk lang kakainin ko ngayon.
"Good morning po!" bati nentong si Audrey.
Ang ganda niya talaga kahit bagong gising siya. Anyway nakaligo na pala siya. Umupo siya sa tapat ko,pero hindi ko siya tinitignan. Alam kong nakatingin siya sakin habang nakain. Nakakailang. Tumingin ako sa kanya at watapak! Bigla siyang nabulunan.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni mom sa kanya.
"Opo. Ayos lang ako" sagot nentong si Audrey.
"Sabay na nga pala kayo ni Audrey pumasok,tutal same school lang naman kayo" sabi ni mom sakin.
Tumayo naman agad ako at kinuha ang bag ko. Pero hindi pa din natayo si Audrey at mukhang gulat na gulat siya sa sinabi ni mom.
"Sabay na ako sa kanila mom" sabi ni Alex. Patayo na sana siya kaso bigla siyang pinigilan ni mom.
"Sige na Audrey sumabay kana kay Travis" bulong ni mom pero rinig na rinig naman.
Habang naglalakad kami nentong si Audrey hindi ko siya pinapansin. Bakit? Kasi wala naman kaming pag-uusapan. Binilisan kong maglakad,ang bagal niya eh. Mala-late pa ako ng dahil sa kanya.
Habang naglalakad kami,parang may nagmamasid samin. Tumingin ako sa paligid at gawing kaliwa ko may mga puno dun at may nakita akong lalaki na may balbas na mahaba at naka-damit na mahaba. Nagkunwari ako na hindi ko siya nakita.
Naglakad na lang ulit ako na kunwari walang nangyari. At nang dahil dun nauna na sakin nag konti si Audrey. Binilisan ko yung paglalakad ko para maabutan siya. Bigla ko namang ginulo yung buhok niya at yun ang ikinagulat niya.
Ang cute niya talaga! Napangisi na lang ako sa ginawa ko sa kanya. Dahil para siyang istatwa dun.
ANG CUTE NIYA TALAGA KAINIS! :)
YOU ARE READING
Play Full Kiss
Teen Fiction"Isa ako sa mga lalaking mag-isa lang sa school. Mag-isa lang na pumapasok at lagi lang nagbabasa ng libro. Hindi ako nerd. Ayoko lang talaga ng may kasama,mas ayos na sakin yung ganitong buhay. Halos lahat ng babae sa school pinagpapantasyahan ako...