Chapter 3: Welcome Home

121 1 0
                                    

Annika Audrey's Pov
"Welcome Home!!!" sigaw ko.

Kakalipat lang kasi namin ng bahay ni papa. Katulong namin sa paglilipat ng gamit ay ang mga kaibigan ko na sina Savannah Avery Choi at si Arianna Chloe Choi. Magkapatid pala sila at dalawa sila ay kaibigan ko.

Si Savannah Avery Choi ang kaibigan kong mahilig magbasa ng libro,nakasalamin siya,NBSB yan,nasa honor palagi,siya ang ate nentong si Arianna at siya ang pasimpleng kulit sa amin tahimik siya sa ibang tao pero madaldal siya samin.

Si Arianna Chloe Choi naman ang kaibigan kong super cute. Ang taba kasi siya. Hindi matabang-mataba chubby lang :) Mahilig siya sa foods,NBSB din yan,wala siya sa honor pero matalino naman,makulit,sobrang daldal at walang inuurungan.

Actually lahat naman kami NBSB. No Boyfriend Since Birth!!! Pagkatapos naming mag-ayos ng gamit ay nagluto naman agad si papa ng makakain.

*ding dong*

Binuksan ko naman agad yung pinto at sa lahat ba naman ng pupunta dito bakit eto pa.

"Ano ginagawa mo dito Karl?" tanong ko.

Siya si Karl Andrew Chi,ang kaibigan naming sobrang angas. Mabait siya,sweet,gwapo,pasaway,bad boy.

"Hi" bati niya sakin. At daredaretso siyang pumasok sa bahay namin. Feel at home ha.

"Wow ang ganda ng bagong bahay niyo!" sabi niya.

"Thank you" sagot ko.

"Kumain ka muna Karl. Naghanda si papa ng masasarap na pagkain" sabi ko sa kanya.

Hindi pa kami nakakapunta sa kusina,pumunta siya sa dun sa kamay kona gold na ginawa namin noon nina mama at papa. Sobrang halaga nento sakin. Nagulat ako ng bigla niya 'tong hawakan.

"WAG MONG HAHAWAKAN YAN!" sigaw ko.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Baka mabasag" sagot ko.

Kukuhain kona sana. Nang bigla niyang kunin ito at inilayo sa akin. Baka mabasag jusko. Pinipilit kong abutin yun pero diko magawa kasi matangkad siya.

Bigla siyang napasandal sa pader at bigla kaming napatahimik dahil mukhang nalindol.

Oo nga nalindol!! Waaaah! Tumakbo agad ako palabas at ganun din sina papa at ang mga kaibigan ko. Nang makalabas na kami narealize kona hindi pala nalindol,sadyang hindi matibay pala yung bahay na binili namin.

"Teka may nakalimutan ako" sabi ni papa.

"PAPA WAG KANA BUMALIK SA LOOB!" sigaw ko.

"Sobrang importante non sayo kaya kailangan makuha ko yun. Babalik ako wag kang mag-alala!" pumasok na agad siya loob at wala akong nagawa dahil pinipigilan ako ng mga kaibigan ko.

Iyak lang ako ng iyak dito.

Play Full KissWhere stories live. Discover now