Chapter 8: Don't break the rules☝️

89 1 0
                                    

Habang naglalakad kami nentong si Audrey,salita lang siya ng salita mag-isa. Kumabaga parang sinasabihan niya ako pero bulong lang niya sa sarili niya.

"Wait" sabi ko.

"Bakit?"

"Papasok ngayon tayo sa school,dapat hindi tayo magkasabay" sabi ko at mukhang nagulat naman siya dun.

"Hindi tayo pwede magkasabay,dahil baka maghinala sila. Baka kung ano pa ang isipin nila,kaya mas mabuti pang lumayo ka sakin kapag nasa school" dagdag kopo.

"P-pero.." hindi kona siya pinatapos.

"Wag ka ng umangal. Ayoko magulo yung tahimik kong buhay sa school. Ok?" at tumango tango naman siya.

Aangal pa sana siya,pero nagsalita ako bigla.

"Don't break the rules"

"Rules yun? Bakit? Ha? Tss" at sabay nagpout pa siya.

Tinignan ko lang siya at sabay naglakad na.

"Yaaaaaaaaaaaa.....!" sigaw niya at para siyang batang hindi nabigyan candy.

Lumapit siya sakin at tinignan ako ng masama pero ang cute pa din niya.

"Bakit ka nauuna? Dapat ako ang mauna. Dahil baka akalain nila stalker moko" natawa na lang ako sa sinabi niyang yan.

"Sige mauna kana. Andito lang ako sa likod at babantayan ka habang naglalakad" sabi ko at naglakad naman siya ng padabog.

Annika Audrey's Pov
Tss. Don't break the rules daw eh -.- Aishh~
Nandito na ako ngayon sa school,kasama na naman especially yung mga kaibigan ko.

Naalala kona naman yung sinabi niya sakin. Pero hindi ko talaga akalain na yung taong pinapantasya ko,kasama ko sa iisang bahay. Oo tama. Matagal ko ng gusto si Travis. Sinubukan ko nga noon ibigay sa kanya yung love letter.

Flashback...

Nandito kami ngayon sa canteen,as always naman. Hindi ko alam yung gagawin ko dahil kinakabahan ako sa love letter na ibinigay ko kay Travis. Hinulog ko lang naman kasi yun sa locker niya.

"Hindi kona talaga alam gagawin ko" sabi ko sa mga kaibigan habang nag-pout.

"Sinulat moba dun yung pangalan mo?" tanong sakin nentong si Arianna. At tumango naman ako na ang ibig sabihin ay 'OO'

"Eh yung contact number mo?" dagdag nentong si Savannah. At ganun ulit ang sinagot ko.

Parehas naman silang napasandal sa upuan. Ako naman nakatungo lang.

"Diba si Travis yun?" sabi ni Savannah na nakatingin pa sa gawing kanan namin at tinuro pa. Tumingin naman ako at omygosh nakatingin siya samin habang naglalakad at paakyat sa taas.

"AUDREEEEEEEEY! AUDREEEEEEY!" sigaw nentong si Arianna. Nahiya naman ako bigla dahil biglang tumingin sakin si Travis. Tumalikod agad ako para hindi na nakakahiya.

Hindi pa din natigil sa pagsigaw 'tong si Arianna. Tumigil lang siya nung hindi siya pinansin ni Travis.

"Annika Audrey?" nagulat naman agad ako sa nagsalita kaya napatingin ako sa taas "Are you Annika Audrey?" at tumango naman ako na ang ibig sabihin ay 'OO'

Bumaba siya at lumapit sakin. May binigay siyang letter. Seryoso? Nireplayan niya yung love letter ko sa kanya.

Napangisi naman agad ako "Nireplayan mo yung letter ko sayo hehe" masiglang sabi ko. Binuksan ko naman agad yun at ang buong akala ko ayun na talaga. Pero eto yung letter na binigay ko sa kanya at may mga ibang words pa siyang cinorrect.

Nakatulala lang ako sa papel na hawak ko. Para siyang teacher na nilagyan pa ng score yung papel na hawak ko. Naiiyak na ako sa sobrang kahihiyan. Ang daming taong nakapaligid samin.

"Anong kaguluhan 'to?!" sigaw nung babaeng malaki ang boobs.

Inagaw niya sakin yung papael at pinagtawanan ito. Inilantad niya pa 'to sa mga taong nakapaligid samin ngayon. Ako? Eto parang statwa lang dito,pinipigilan kong umiyak ng malakas.

"YA!!!!!" andito na naman si Karl.

Inagaw niya yung papael dun sa babaeng malaki ang boobs. At ibinigay ito kay Savannah. Inusog naman ako nina Savannah at Arianna mula sa kanilang dalawa.

"Hey Travis! Do you want to died?" mayabang na sabi nentong si Karl.

Bigla niyang sinuntok si Travis pero nakailag ito. Laking gulat ko kasi easy lang siya eh. Nakalagay pa din yung dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa niya.

-skip-

End Flashback...

Play Full KissWhere stories live. Discover now