Chapter 5: Imagination

78 1 0
                                    

Ang lambot ng kama dito. Ang saya!!! Habang kinikilig ako dito may tao na pala sa pinto at laking gulat kona si Travis yun.

Tumayo ako sa kama ko at parang gulat na gulat siya dahil may hawak akong dalawang unan. At bigla kong hinampas sa kanya. Yung mga feather naglabasan sa unan :)

Sinipa ko siya palabas ng kwarto ko at inalis ko ang damit ko. Suot ko ang costume ko na pure black talaga and take note naka-hills ako. May hawak pa din akong unan.

Takot na takot na sakin si Travis. Nasa lapag na siya at may bangas na ang mukha niya,habang yung labi niya naman ay nag-dudugo at hawak hawak niya ito.

"Wag! Wag! Wag!" sigaw niya.

Pero ako nakangisi lang at papalapit ng papalapit sa kanya. Hinampas ko siya ng unan. At naglabasan na naman yung mga feather!

*tok tok tok*

Imagination lang pala yun. Pag dilat ko ng mata ko bumungad sakin si Travis na blanko ang itsura. Hawak hawak niya yung maleta ko. Napatayo naman agad ako bigla at kinuha ang maleta ko sa kanya.

"Thank you" sabi ko sa kanya at nag-bow. Pagkalabas na pagkalabas niya sinarado ko agad yung pinto.

Ano ba Annika Audrey Park? Nababaliw kana talaga. Nakakahiya kay Travis yung ginawa ko talaga. Akala ko totoo yung binugbog ko siya. Kinabahan tuloy ako dun.

Natulog na lang ako,dahil bukas ay may pasok pa ako.

Play Full KissWhere stories live. Discover now