...
Daniel's POV
Kumawala na rin kami gaya ng ginawa ni Kath.
Sinuntok ko 'tong dalawang taong nakakakapit sa akin, sinipa ko yung isa sa mukha at sinapak na man yung isa. Nakakarinig na ako ng putukan kaya tiningnan ko si Kath. Tumango siya sa akin at yun ang hudyat na ilabas ang baril ko sabay paputok doon sa mga kalaban naming namamaril.
Nakatama na ako ng limang tao, hindi ko naman sila binaril sa parte ng katawan nila na mamamatay sila. Binabaril ko sila sa safe parts tulad ng braso at binti. Yung injured lang ang mapapala nila.
"Kath! Yuko!" sigaw ko at napayuko naman siya, binaril ko yung lalaking dapat magpapaputok sa kanya.
Sa kamay ko siya binaril upang mabitawan niya ang baril niya.
Nagpatuloy lang ang labanan hanggang sa mapatumba nanamin ang ibang kasamahan nina Diego.
Sila naman ang napapaligiran namin.
"Ano TheBaduy? Mandadaya pa kayo?" pag-aangas ni Kats habang nakatutok ang kanyang baril sa TheBaduy.
"Ewan ko sa iyo, duling." inis na saad ni Diego habang may baril ding hawak.
"Bitawan niyo na yang baril niyo." saad ni Patrick.
"At bakit naman?!" sabay baling ni Diego kay Patrick at dito itinutok ang kanyang baril.
"Alam niyo naman kasing hindi kayo mananalo sa amin kahit na mandaya pa kayo. May mapapahamak lang kung hindi niyo ibababa yang baril niyo." saad pa ni Patrick habang nakikipagtitigan ng matalas kay Diego.
"Bullshit!" sigaw ni Diego, "Bitawan lahat ng baril!" utos niya sa mga kasamahan niya.
"Diego?! Natatakot ka sa lalaking yan?! Sa mga yan?!" inis na saad naman ni Kenzo. Feeling maangas din.
"Ibaba niyo na sabi!" sigaw pa ni Diego kaya napilitan ang iba na ibaba ang kanilang mga baril.
"DS! Hindi porket sumuko kami sa gabing ito ay titigilan nanaman kayo. HINDI. Patuloy pa rin namin kayong lalabanan. Tara na!" saad niya bago sila magsitakbuhan paalis.
"Mga duwag naman pala yun. Hindi nila tayo kaya. Haha!" saad ni Arisse habang nagpapagpag pa.
"Sus. Wala ka namang tinulong." Pang-aasar sa kanya ng boyfriend niya.
"Aba! Walanghiya ka ah!" sigaw ni Arisse sabay sabunot kay Danny.
"Aray! Putek! Awww!" sigaw ni Danny dahil sa sabunot ni Arisse.
Hinayaan lang namin sila doon maglandian.
"Hey Kathryn, ayos ka lang?" tanong ko kay Kathryn na nasa tabi ko lang.
Lumingon siya sa akin at ngumiti,
"Chokey na chokey." sabi niya sabay thumbs up pa.
Napangiti na rin ako, umiwas ako ng tingin nung umiwas rin siya ng tingin.
"Tara na guys! Lets go home!" sigaw ni Paul at nagpatiuna na.
"Woy Paul! May aswang diyan!" pananakot ni Nash.
"ULOL!" rinig naming sigaw ni Paul,
Natawa lang kami saka siya sinundan,
"Pansin ko lang, parang affected pa rin si Patrick kina Arisse at Danny." nagulat naman ako sa nagsalita bigla sa tabi ko. Si Kathryn lang pala.
"Huh?" Takang tanong ko sa kanya,
"Tingnan mo." Sabi niya sabay turo kay Patrick,
Nakita ko si Patrick na said todo iwas kina Danny at Arisse.
YOU ARE READING
The Gangsters' Lovelife
TienerfictieAno kaya ang magiging love story ng dalawang gangster na na-fall sa isa't isa? Magiging maayos kaya o' may hahadlang sa kanilang dalawa? Alamin kung paano labanan ng dalawang gangster na nagmamahalan ang pagsubok sa kanilang pagmamahalan.