Isang grupo ng kabataang anghel ang ipinadala sa lupa at sumapi sa katawan ng mga kabataan upang tulungan ang mga tao sa Bayan ng San Gabriel upang magbago, bago pa man dumating ang paghuhukom.
Ngunit, isang mapangahas na anghel ang bumaligtad at nakipag pulong kay Satanas.
"HIndi ako makakapayag! Kung ang mga tao may chance na magbago upang silay makarating sa langit ngunit tayong mga anghel ay nahusgahan na." Wika ni satanas sa isang misteryosong nilalang.
"Paano ko malalaman kung sino sino ang mga anghel na pinadala dito sa lupa upang tulungan ang mga tao?" Tinig ng misteryosong tao.
"Tulad mo rin sila, mga ordinaryong kabataan kung iyong titignan at may mga pamilya. Ngunit sila ay mga anghel sa katawan ng mga piniling kabataan." Si Satanas.
......
Michelle's POVAnong nangyayari? Nasa loob lang kami ng aming mga kuwarto ng mag sitakbuhan sila Espher at Maroge(pronounce it Maroj) at anong sinasabi nilang may mga tikbalang at maligno sa resort na ito?
At nakita ko nalang ang aming mga sarili na tumatakbo kasama ng mga ka klase namin.
Ang isang masayang field trip ay mauuwi lang pala sa isang malagim at misteryosong pangyayari.
......
Eilbert's POV"Lintik! Anong nangyayari at hinahabol tayo ng mga halimaw na yun?" Hingal na hingal man ay nagawa ko paring itanong ito.
"Halimaw? Halimaw ba ang tawag mo sa mga yan? Mga patay na muling na buhay bro? Para silang zombies!" Pagtatama ni Erick sa sinabi ko.
"Pero paano nangyari yun, hindi bat mabubuhay lang ang mga patay sa araw ng pag huhukom?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam bro, ngunit parang may mali dito. Pero anong kasalanan natin at bat nila tayo gustong patayin?" Kitang kita ko sa mga mata ni Erick ang takot.
.......
Eumee's POV"Nasan na ba sila? Tanong ko sa sarili ko. Nag kahiwa hiwalay kaming mag babarkada dahil sa labis na takot.
Ako lang ngayon ang mag isang naglalakad sa isang madilim na eskinita.
Nakakatakot, mga patay na kumakain ng tao. At bat kami ang kanilang puntirya.
"Patayin ang mga kabataang yan!" Parang nag e-echo pa sa tenga ko ang sinabi ng isang Malaking lalaki na naaagnas na ang buong katawan.
"Bakit nila kami kailangang patayin?" Ang naguguluhang tanong ko.
.......
Renz's POVMula sa kadiliman natanaw ko sa di kalayuan ang isang liwanag. Tila isa itong tao na naka suot ng kulay puti.
Ngunit bakit para syang nagliliwanag na parang may mga naka kabit na ilaw sa kanyang katawan?
Kahit nakaramdam na ako ng takot at pagod ay hindi yun naging dahilan para hindi ako lumapit sa misteryosong nilalang.
"Renz! Sa wakas nag kita narin tayo!" Bungad nito ng maka lapit ako sa kanya.
Ha? Bat nya ako kilala. Bat ako kilala ng lalaking ito na may maamong mukha, matangos ang ilong, blue eyes ang kulay ng mga mata nitong tila nangungusap. Mga labing maninipis at pulang pula ang kulay.
Daig pa nya ang mga artistang lalaki. Para syang Anghel.
"Tama ka ng iniisip Renz" muling tinuran nito?
"Anong ibig mong sabihin at bat mo ako kilala? Sino ka ba?" Sunod sunod kong tanong.
"Naparito ako upang ipaalala sa yo ang iyong misyon." Sa boses nitong buong-buo ngunit napakasarap pakingan sa tenga.
Misyon? Anong misyon bat ako? Bat kami? Isa lamang kaming mga ordinaryong kabataan.
At ano yung sinasabi nyang panahon na upang malaman ko. Dahil sa isang traydor na anghel?
Anghel? Ako? Kami mga anghel? Bat wala akong maalala. Ang alam ko lumaki ako kasama ang aking pamilya.
Nagaral, nakikipag laro sa mga kapatid ko, naglalaro ng basketball. Tapos ngayon sasabihin nya mga anghel kami ng mga tropa ko?
At Sino ang traydor na sinasabi nya sa grupo? Lintik bat di pa nya sabihin?
.......
Maroge (maroj) POV'sNagawa naming makatakas mula sa mga humahabol sa amin. Kumpleto parin kaming mag babarkada.
Ngunit na ka panlulumong isipin na lahat ng mga ka klase nami at mga guro ay patay na at kinain ng mga patay na muling nabuhay.
Nakakatakot ang mga itsura nila. Mga naaagnas na at kumakain ng lamag loob ng tao.
Kailangan na naming makabalik ng San Gabriel. Upang balaan ang aming mga pamilya, kaibigan at ang mga taong bayan.
Ngunit nanlumo kami sa nakita. Ang dating maunlad na San Gabriel ay tila inabandona. Mga gusaling sira sira. Mga sasakyang nasusunog, ah basta magulo. Para na itong Ghost City.
At nakakatakot kung buhay pa ba ang mga pamilya namin.
Sinalubong kami ng isang babaing takot na takot at umiiyak.
"Diyos ko butit buhay kayo!" Ang ina ni Michelle ang aking kasintahan.
Kinuwento nito sa amin ang naganap habang wala kami. Sumugod daw ang maraming mga naaagnas na bangkay at hinahap kami.
Yung ibang lumaban pinatay nila at kinain ang mga lamang loob na tila gutom na gutom.
At ang nakaka pangilabot pa nito habang nag tatakbuhan sila may mga malalaking kamay galing sa lupa ang humihila sa mga tao pababa sa lupa.
Yung iba naka ligtas ng mag si takbuhan sila sa loob ng Cathedral ng San Gabriel.
Maraming nawala at maraming namatay ng dahil sa amin. Pero ano bang kasalanan namin at bat nila kami kailangang patayin?
....
A/N Ilan lamang po yan sa mga eksena na dapat nyong abangan. Sana magustuhan nyo. Kasi marami pong sikreto ang malalantad sa mga susunod na chapter.
YOU ARE READING
The Fallen Angel #Wattys2016
HorrorNang nilikha ng Diyos ang langit at lupa ay kasama nya ang mga anghel. Tuwang tuwa ang Panginoon ng Makita ang mundo ay perpekto. Dahil sa ingit ng isang anghel sa mga tao sya ay nag rebelde. Ang prinsipe ng liwanag, si Lucifer. Marami syang anhe...