CHAPTER FIVE The Enemy

31 0 0
                                    

Someone's POV

"Nalintikan na." Mukang nagigising na ang mga natutulog na anghel. Tulad ko malalaman na nila ang dahilan kung bakit kami nandito sa lupa. Ang iligtas ang mga tao.

"Kailangan mong maging maingat. Hindi ka dapat mabigo sa ating plano."

"Masusunod panginoon!"

Kausap ko ngayon ang isang anghel na syang dahilan kung bakit ako nagising ngayon. Ako pala ay isang anghel na nasa katawan ng taong ito.

"kailangan mong bantayan si Angel Aeriel upang hangang sumapit ang itinakdang araw wala syang malalaman." Utos sa akin ng isang anghel na tinawag kong panginoon.

"Sisiguruhin kong mamatay sya panginoon. Upang tayo na ang maghari sa san libutan at wala ng magagawa ang Diyos dito."

"Tama, at salamat sayo. Dahil sayo nabuksan ang pintuan ng impyerno at naka laya ako."

"At sana tuparin mo ang iyong pangako panginoon."

.....

Isang araw nagising nalang ako ng may tumatawag sa pangalan ko. Tinawag ako sa pangalang familiar sa akin. Naglalakad ako nuon sa isang napaka dilim na malawak na building. At nakita ko sa di kalayuan ang isang lalaking anghel na nakatalikod sa akin.

Nilapitan ko ito at ng humarap sya namangha ako sa aking nakita. Napaka gwapo nito at napaka kisig na parang isang mandirigma nuong unang panahon. Maputi ang makinis na kutis at napaka amo ng kanyang mukha na binagayan ng matangos na ilong at mapang akit na mga mata.

Kulay ginto ang kanyang pakpak na kumikinang at bahagya itong nakalutang mula sa kanyang kina tatayuan.

"Kumusta. Sa wakas nag kita narin tayo." Ang nagagalak nitong bati sa akin.

"Sino ka? Bat mo ako kilala?" naguguluhan kong tanong sa aking kaharap. Ngunit bigla nalang akong nagising at nakita ko ang aking sarili na nasa katawan ng isang tao.

.....

Simula nuon kilala ko na ang aking sarili at kung sino ako. Ako ay isang anghel ang taga pangalaga ng pintuan ng impyerno. Ako ang inatasan ng Diyos na mag bantay sa sa mga anghel duon kung sumusunod ba ang mga ito sa utos.

Ngunit, dahil sa isang misyon dito sa lupa ay naatasan naman akong tumulong para sa kaligtasan ng sang katauhan. Isa sa naging malapit sa akin sa lahat ng anghel sa langit ay si Angel Aeriel. Ngunit kailangan ko syang patayin para narin sa aking sariling kaligtasan.

Magagawa ko bang saktan ang aking matalik na kaibigan? Baka hindi. Kung pwede ko lang sana syang kumbinsihin na umanib sa amin. Pero ayon sa aking panginoon hindi pwede dahil sya ang daan para mag tagumpay kami.

"Alalahanin mo ang mga sinabi ko sayo kung ayaw mong matulad sa akin-" Kausap kong muli ang aking panginoon.

"minsan na akong nilinlang ng Diyos at ayaw kong maulit ito sa iyo."

Ayon sa aking panginoon. Pinadala sya ditto sa lupa nuon para sa isang misyon. Pero ng mabigo sya, anong kaparusahan ang kanyang natamo. Itinapon sya sa dagat-dagatang apoy at ikinulong sa napakahabang panahon.

Tinalikuran sya ng diyos sa kabila ng kanyang pagiging matapat. At ayaw kong mangyari yun sa akin.kaya kailangan kong tulungan ang aking panginoon na magtagumpay at mabigo ang mga kasama kong anghel sa kanilang misyon.

Para kami nan i panginoong Lucifer ang maghari sa lupa. At ang mga taong mabubuti ang sya naming dadalhin sa impyerno kasama ng mga anghel na sumusunod sa Diyos at ang mga masasamang tao at anghel ang kasama naming mabubihay ng tahimik sa mundong ito.

At dumating na ang araw na iyon, ngayong gabi. Habang nagkakagulo sila at nagtatago sa mga bangkay na humahabol sa kanila wala silang kaalam alam sa mas matinding panganib na kanilang kahaharapin.

"kailangan mo silang makumbinsi na bumalik ng San Gabriel. Kung san nagsimula ang lahat ay dun din dapat magtatapos." Utos nito sa akin.

"Masusunod panginoon!" buong pagpupunyagi kong sagot.

"Hanapin mo din si Angel Ylonah upang makumpleto na kayo at mai alay ang inyong mga dugo!"

END OF CHPATER FIVE

A/N: Sorry po sa maikling update. Hirap pala gumawa ng horror slash mytery. Though nakakatakot na baliin ang laman ng Bible ginawa koi to just for fun at para sa inyo. God knows. Gaya nga ng sabi ko tatapsuin koi to hangang chapter 10 till October 30. Thanks sana may mag vote at comments kahit tig isa lang.

�\|V��

The Fallen Angel #Wattys2016Where stories live. Discover now