CHAPTER ONE The Field Trip

60 1 0
                                    

Michelle's POV

Andito ako ngayon sa aming garden hinihintay ang aking kasintahang si Maroge (Pronouce

"Nasan na kaya yun?" bulong ko sa sarili ko.

d it Maroj). Usapan namin susunduin nya ako ng alas singko ng umaga pero five thirty na wala pa sya. Graduating na kami ngayong taong ito. Magkakaroon kasi kami ng field trip.

Naalala ko tuloy ang aking bestfriend. Nasan na kaya sya? Kumusta na kaya sya? Tanong ko sa isip ko ng

"Oh ija-" si mama na nuoy naka tingin pala sa akin at may hawak na isang tasa ng kape.

"akala ko ba alas singko ay susunduin ka na ni Maroge?" at sabay upo sa isang upuan sa aming garden.

"Wala pa nga sya Ma. Kanina ko pa sya tinatawagn sa phone nya pero di naman sumasagot!" di ko na na pigilang mainis. Na syang ikina ngiti naman ni Mama.

Ewan ko ba, kahit na madalas hindi natutupad ni Maroge ang kanyang mga pangako at sobrang nakaka inis pero boto sa kanya sila Mama at Papa. Hindi dahil sa mayaman ang mga ito kundi dahil sa magalang at may respeto. Mapagmahal na anak at kuya sa kanyang mga kapatid.

Dito kasi kami naka tira sa subdibisyon ng San Gabriel at dito din sila naka tira dati. Pero lumipat na sila sa kabilang barangay na may kalayuan dito.

"Parang di ka na nasanay sa kasintahan mo Michelle!" si papa gising narin pala at heto kami ngayon sa may garden inaasar nanaman nila ako.

My parents are both retiree now. Si Mama ay dating Head Doctor sa isang public hospital ng San Gabriel. Samantalang si Papa ay isang abogado. And take not only child ako. Kaya nga boto sila kay Maroge dahil kilala nila ito at ang kanyang pamilya.

Napasarap ang kuwentuhan namin ng biglang may humintong kulay itim na sasakyan sa labas ng aming gate.

"Si maroge nay an!" si mama na tila kinilig pa.

At iniluwa ng kotseng iyon ang lulan nito. Kahit kalian talaga na pa ka gwapo nya. Matangkad, maganda ang built ng katawan na alaga sa gym, katamtaman ang puti at maamong mga mata na tila nang aakit. Hay naku! Paano ko pa sya magawang awayin nyan kung sa ngiti palang lumalambot na ang puso ko.

Pinagbuksan ko sya ng gate at hinagkan nya ako sa aking pisngi.

"Sorry I'm late!" bulong nito sa aking tenga.

"hmmp! Di pa ba ako sanay nyan." Sabay ngiti sa kanya.

Lumapit sya kina mama at papa para mag bigay galang at humingi ng paumanhin kung bakit sya na late. Malamig ang simoy ng hangin nuon kaya naka suot ako ng maong na jacket at jeans na pantalon at rubber shoes.

........

Nakasaya na kami ngayon ng kotse papuntang San Vicente kung san dun kami nag aaral ang San Gabriel University. Medyo malayo layo din ito. Kaya siguradong inip na inip na ang mga ka klase namin. Tawag na nga ng tawag sakin si Eumee at at Loisa eh. Nagagalit na daw ang dalawang guro namin si Sir Henry at Ma'am Lisa.

Binabagtas namin ang daan patungong unibersidad at nakaka panibago. Napaka tahimik naman ata ng lalaking ito. Tila may malalim na iniisip.

"bat ka nga pala na late?" pambabasag ko sa katahimikan.

"h-ha?" na tila nagulat pa sya sa tanong ko.

"A-a-ano k-kasi, may ipinag utos si mama kaya inuna ko na munang dumaan dun." na parang hindi sya sigurado sa sinasabi nya.

Parang may mali. Pakiramdam ko hindi sya nag sasabi ng totoo at mayroon syang itinatago sakin. Pakiramdam ko parang estranghero ang kasama ko ngayon. Nang biglang nag ring ang aking celfone. Kinuha koi to mula sa aking hand bag at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Eumee pala.

The Fallen Angel #Wattys2016Where stories live. Discover now