CHAPTER SIX The Question Mark

22 0 0
                                    

Eumee's POV

Thank God medyo nabawasan na ang aking kaba dahil kasama na namin si Erick. Nanatili kaming nagtatago sa isang malaking puno na pinagtaguan ni Erick kanina.

"Patay na sila Sir at Ma'am, Erick!" si Mich na di na napigilang umiyak dahil sa labis na takot.

"A-ano?" ang tila di maka paniwala sa narinig.

Bakas sa mga mata nito ang panlulumo at nakuyom nya ang sariling palad dahil sa labis nag alit at frustration.

"ano ba tong misteryong nangyayari sa atin? Ang litong lito nitong tanong.

"anong kinalaman ng San Gabriel dito?

"at san sila nangaling? Paano sila nakapasok ng resort" dugtong ko sa mga tanong ni Erick?

Ngunit tila walang gustong mag salita para mag bigay ng kahit anong opinion o kahit kuro-kuro man lang sa nagaganap. Isa pang malaking tanong bakit tila kami ang puntirya ng mga bangkay na iyon. Ano bang gusto nila sa amin o anong gusto nilang iparating?

Bakit ngayon pa, na kung kailan ang dapat masayang field trip ay mauuwi lang pala sa isang nakaka kilabot na trahedya. Totoo ba ito o panaginip lang. Kung panaginip man ito sana magising na ako. Dahil baka hindi ko na kayanin ang labis na takot.

"Hindi ko din maintidihan ang nangyayari eumee-" si Erick.

"pero pakiramdam ko gusto nila tayong bumalik ng San Gabriel or they only warn us not get there again.

"At ano naman ang magyayari kung babalik tayo ng san Gabriel? Ang tila nalilitong tanong ni Michelle.

Nangibabaw ang katahimikan sa aming tatlo ng mga sandaling iyon. Tahimik lang kaming naka upo at tila wala ng gustong mag salita at kanya kanya nalang ng iniisip. Nang biglang makarinig kami ng yabag ng mga paa na tila tumatakbo pa punta sa direksyon namin. Walang gustong kumilos dahil sa pangamba na baka isa sa mga bangkay ito na pumatay sa mga guro namin at mga ka klase.

Pahina ng pahina ang mga yabag na iyon senyales na naglalakad nalang ang nilalang na iyon. At tila maingat itong naglalakad malapit sa pinag tataguan namin. At sa ilang sandal nakita namin kung sino ito. Nakatalikod syang nakatayo mula sa punong kinatatayuan namin.

Biglang tumayo si Erick at dahan-dahang nilapitan ang taong nakatayo sa tapat namin at saka pwersahang tinakpan ang bunganga nito para hindi maka sigaw.

.....

Jannang's POV

Tumatakbo ako pabalik ng resort ng mapansin kong may mga anino mula sa isang malaking puno. Kaya huminto ako sa pagtakbo at nag lakad nalang. Naging maingat ako sa paghakbang upang maiwasan ang makalikha ng ingay.

Dahan-dahan akong lumapit sa isang malaking puno at nag babaka sakaling mga kaibigan ko ang nandun. Pero bago paman ako maka silip ay napa-lingon ako mula sa resort ng may marinig akong sumigaw.

At sa isang iglap may bigla nalang mga kamay ang humawak sa akin at tinakpan ang aking bibig na tila ba ayaw nitong maka likha ako ng ingay. Hinila niya ako papuntang puno. Nagpupumiglas ako pero masyadong malakas ang gumagawa nito sa akin.

"Huwag kang maingay" tila halos hindi ko maintidihan ang aking narinig sa sobrang hina. Pero, kilala ko ang boses nay un. Kay Erick.

Tinangal na nya ang kanyang mga kamay na tumatakip sa aking bibig. At nakita ko kasama nya sina Eumee at Michelle.

"bat ikaw lang mag isa nasan na yung iba?" si Michelle

Huminga muna ako ng malalim bago ako nag kuwento sa kanila.

The Fallen Angel #Wattys2016Where stories live. Discover now