CHAPTER SEVEN The Revelation

17 0 0
                                    

A/N: Grabe na ito!!! Parang ako mismo nalilito na rin sa takbo ng kuwento. Kung san ba ako dadalhin ng aking utak at mga daliri para matapos ang kuwentong ito. Kainis, kailangan ko pang basahin uli lahat ng chapter bago uli ako makapag update. Huhuhu

Renz's POV

Pinilit kong makalayo mula sa limang bangkay na humahabol sa akin. Hindi ko napansin kung san ako sumuot kaya di ko makita ang labasan. Napaka dilim ng paligid ng mga oras na iyon at tila ba pati ang buwan ay natakot at nag tago.

Pero hindi ako nagpa daig sa takot. Pero maingat ako sa aking pag hakbang at iniiwasan kong maka likha ng anumang ingay. Nang may mapansin ako sa di kalayuan. Tila isang bagay o bulto ng tao ang nag liliwanag duon.

Nakaramdam ako ng bahagyang kaba at takot dahil sa aking nakikita. Pero tila may isang malakas na puwersa ang nag uudyok sa akin na lumapit duon at alamin kung anong bagay ang nandun. Hindi na ako nag dalawang isip pa at lumapit na ako. Ngunit dahan-dahan lamang ang aking ginawang pag hakbang.

Nang bahagyang makalapit na ako, napapikit ang aking mga mata dahil sa nasilaw ako sa napakalakas na liwanag nayun. At ng makabawi ako tinangka ko uli itong tignan.

At namangha ako sa aking nakita. Isang bulto ng tao. Oops! Mali hindi ito isang ordinaryong tao. Mayroon itong tila isang bagay nan aka sabit sa kanyang likod at bahagya akong nagulat ng bumuka ito.

"Pakpak!" ang naibulalas ko ng makita iyon.

Aatras na sana ako para tumakbo palayo ng may marinig kong may binangit syang pangalan.

"Angel Lonar!" sa napaka lambing nitong tinig.

Luminga linga pa ako sa aking paligid upang kumpirmahin kung may iba pa ba akong kasama.

"Huwag kang matakot Renz. Lumapit ka sa akin at may mahalaga akong sasabihin sa iyo." Ang nag uutos nitong tinig.

"kilala mo ako? Sino ka, bat mo ako kilala?" sunod-sunod na tanong ko sa kaharap ko ngayon.

"Hindi mo na kailangan pang malaman Renz. Lumapit ka sa akin at may sasabihin ako sayo."

Para akong na hypnotismo at kusang humakbang ang aking mga paa palapit sa Anghel na kausap ko. Bahagya ng nawawala ang nakaka silaw na liwanag mula ditto at napag masdan kong maigi ang kanyang kabuuan.

A/N: Naisip ko hangang dito nalang ang update na ito. Para mapa isip kayo kung ano ang kinalaman ni Angel Lonar kay Renz at kung sino yung Anghel na kausap nya. Ang kaso dahil sa mahal ko kayo. I re-veveal ko na kung sino si Renz at Angel Lonar.

Ang pagpapatuloy......

Maputi ito at may kahabaan ang kanyang alon-alon na buhok na kulay itim. Naka suot ito ng kulay puting damit na may mahabang mga mangas.

"A-anong kailangan mo sa a-akin?" ang kinakabahan kong tanong.

Ngumiti ito ng bahagya at saka muling nag wika.

"Hindi ikaw ang kailangan ko Rez-" napa kunot ako ng nuo sa kanyang tinuran.

Hindi ako ang kailangan nya? Eh sino? At tla nabasa nya ang aking iniisip.

"Hindi ikaw ang kailangan ko. Kundi ang nasa katawan mo na natutulog ng napaka habang panahon."

Lalo akong naguluhan sa kanyang sinasabi. Anong nasa loob ko na natutulog ng napaka habang panahon? Andami nyang sinasabi sa akin at mga kuwento. Parang hindi ako maka paniwala sa aking na ririnig. Totoo ba ito o panaginip lang ang lahat?

"Hawakan mo ang aking mga kamay Renz. Maniwala ka sa akin hindi ka masasaktan. At ipina pangako ko sa iyo. Iingatan namin ang iyong katawan.

Tila may sariling isip ang aking mga kamay at kusa itong gumalaw at umangat sabay hawak sa kamay ng anghel na aking kausap. At naramdaman ko ang isang malakas na pwersang bumalot sa buo kong katawan at isip. Unti-unti na akong na bla-blanko.

At sa muling pag buka ng aking mga mata iba na ako. Hindi na ako si Renz kundi ako na ang Anghel na si...

"Sa wakas Angel Lonar nag kita na uli tayo."

"Anong ginagawa ko dito sa lugar na ito- " tanong ko sa kausap kong ngayo'y kilala ko na kung sino.

"angel Gabriel?"

"Sa napaka habang panahon ngayo'y gising kana." Ang tila nagagalak nitong tinuran sa akin.

"Anong nangyari? Hindi pa panahon para ako ay magising." Ang tila nalilito kong tanong.

"Hindi pa nga panahon angel lonar. Ngunit dahil sa ginawa ni angel cobel ay nasira ang plano."

Dahil sa ginawa ni angel cobel? Ano bang ginawa nya at nasira ang plano ng Diyos para sa mga tao.

"Nakipag alyansa sya kay Lucifer upang mabuksan ang pintuan ng impyerno at maghasik ng lagim. Para puksain ang mga makasalanang gustong magbagong buhay at iwan ang mga mabubuti para gawing masama." Ang mahaba nitong paliwanag sa akin.

"kailangan mong ingatan si angel aeriel dahil sya ang higit na kailangan ni Lucifer para sila at mag tagumpay!"

"Si Angel Aeriel? Bakit sya?"

"Malalaman mo din sa takdang panahon. Bumalik ka na sa kanila at pigilan si angel cobel na makumbinsi ang iba na bumalik sa San Gabriel."

"May alam na ba sila tungkol dito?" pahabol kong tanong.

"Ikaw, si Angel Cobel at si Angel Noven palang ang nagising. Kaya dapat kayong mag ingat ni Angel Noven sa inyong mga bibitawang salita para hindi sya maghinala na gising na kayo."

At hindi nagtagal ay nakita ko na uling nag liwanag ito at tila isang kidlat na lumipad pabalik ng langit.

"Teka!" sigaw ko pero wala na sya.

Paano ko malalaman kung kaninong katawan napunta si Angel Noven, at si Cobel. Lalo na si Angel Aeriel.

END OF CHAPTER SEVEN

A/N: Hahaha nakaka stress ang kuwentong ito. Kailangan talagang matapos koi to hanagang October 30 bago ang undas. Huhuhu Patapos na ang kuwento wala paring votes and comments. Sa chap na ito ko sana I rereveal kung paano napunta sa katawan ni Renz si Angel Lonar. Kaso naisip ko masyadong maaga pa. Kaya waiting is virtue. Till we meet again. Chapter 8 to 10 sa October 30 na po ang final updates. Any suggestions po.

19,\"a�\e��

The Fallen Angel #Wattys2016Where stories live. Discover now