Angelo's POV
Binalik ko na si Lalaine sa Anglocian. Itong babaeng to ang kulit-kulit.
"Kung ayaw sayo ng tao, wag mo na ipilit.
Masasaktan ka lang kung patuloy pa ring lalapit.
Baka kasi sa huli magsisi dahil sa sobrang sakit "sabi ko kay Lalaine.Wala akong intensyon na saktan siya. Pero minsan sumusobra na siya eh. Hindi na lang nakaimik si Lalaine pagkatapos niyang narinig yung mga salitang nasambit ko sa kanya.
Kailangan ko na agad bumalik sa mundo ng mga mortal baka kung ano ang mangyari sa tatlo na yun.
Habang naglalakad sa kalye, may narinig akong malakas na sigaw ng isang babae.
"Ahhhhhh tulong guys, mas mapanget pa pala sa akin to" rinig ko dun sa sigaw.
Agad kong sinundan kung saan yung sigaw na yun. At nadatnan ko ang isang babae na papalapit kina Ha? Kina Sapphire,Sab at Iah?
"Tumabi kayo jan" sigaw ko sa kanila.
Kinuha ko yung sword na binigay sa akin ni Kuya kaya ito na yung ginamit ko.
"Bilisan mo Julietttttttttt!!!! Maaabutan ka na niya" sigaw ni Aster.
Sinugod ko yung shapeshifter na yun, sinaksak ko siya sa puso at pagkatapos nun. Nawala na lang siya ng parang bula.
Sapphire's POV
Buti biglang dumating si Kuya Angelo kundi lagot kami kay Dionysus at pati na rin sa mga magulang namin.
"Juliet okay ka lang? " tanong ko kay Phoenix habang nakayakap siya kay Ate Sab.
"Okay na ako! Ano bang nilalang yun? " tanong niya sa amin.
"Wag mo na pansinin yun, ang mahalaga ligtas kana" pagpapakalma ni Kuya Angelo kay Juliet
*Phone rings *
"Juliet tumutunog yung cellphone mo" sabi ni Iah
"Wait lang guys sasagutin ko lang ah " sabi ni Juliet sabay sagot ng cellphone niya.
Pinakinggan ko kung sino ang kinakausap niya sa cellphone. Pagkarinig ko si Jherome daw,baka kapatid niya yun or manliligaw.
"Sino yung kausap mo ha? " tanong ko kay Juliet.
" He's my bestfriend" sabi niya na may halong ngiti.
YOU ARE READING
Missing Treasures ( Greek Mythology 101)
FantasyGreek Mythology? Gods and Goddesses?Is it real or not? Just follow what your heart said if they are exist in the world or not. If you are not interested in any mythology or something about nostalgic past histories of our world. You can also have a b...