CHPTR 8 ❤ Another Case

17 2 8
                                    

Angelo's POV
Ang ingay-ingay talaga ng mga babae kapag nagsasama-sama. At ito kami ngayon papasok sa tutulugan namin.

" Ito yung susi" sigaw ni Sapphire kay Iah sabay hagis ng susi.

Binuksan na ni Iah ang pinto pero nakakapagtaka kung bakit bigla siyang napahinto.

"Anong ginagawcvhkjchcfjcfhcf" sigaw ni Iah tapos biglang may humigit sa kanya mula sa loob ng kwarto namin.

"Sapphire bilisan moooooo! Buksan mo yung pinto. " bulalas ko.

Ako'y kabang-kaba na sa lahat nangyayari. Pinipilit kong buksan yung pinto pero ayaw pa rin eh. Nagtulungan na kami ni Sapphire pero ayaw pa din. Sobrang lakas ng kapangyarihang nababalot sa pinto.

"Bakit parang hindi ka umiimik jan" tanong ni Aster kay Sab.

"Bakit may mga kulay sa pinto, nakikita ko yung gaano kakapal ang mahika na ginamit dito. At ano yung nasa doorknob,parang may kung anong nakakapit dito" sabi ni Sab habang unti-unting lumalapit sa pinto.

Kami'y takang-taka ni Aster sa sinasabi ni Sab

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kami'y takang-taka ni Aster sa sinasabi ni Sab. Wala kaming nakikitang kahit ano sa pinto. Napansin ko na unti-unti na siyang lumapit sa pinto at hinawakan niya ang doorknob.

"Nabuksan ko " sigaw ni Sab sa amin na may galak.

Walang pag-aatubili pumasok na agad kami, sa gulat ko sa aking nakita kung sino ang kasama ni Iah. Napahinto ako at napakamot sa noo. Si Aster din at si Sab ay nagulat din.

"Angelo! Sorry kung biglaan akong pumunta dito ah. May kailangan akong asikasuhin dito sa mundo ng mga mortal. Hinahanap ko kasi si Kupido eh" paghingi ng tawad ni Angel at pageexplain na rin kung bakit andito siya.

"At ikaw Hecate,anong ginagawa mo. Bakit kasama mo si Ate Angel? " tanong ni Sapphire kay Hecate.

Pinag-alala naman ako ng dalawang ito. May mga aksyong naganap pa.

"I have some few details na about sa pagkawala ng tatay ni Sabrinah. Andito ako para tumulong, isang lugar dito sa Pilipinas ang kinaroroonan ng mga Sirens" pagdedetalye ni Hecate kung bakit andito siya.

"Ha? Saan?Kailangan kong sumama sayo. Tutulong ako" bulalas ni Sab

"Saan sa Pilipinas Hecate?" tanong ko.

"We have to go in Puerto Princesa" sabi niya.

"Palawan? Talaga? Another adventure na naman " sabi ni Iah sabay talon sa kama.

"At ikaw naman Angel?Sasama ka ba sa amin ha? " tanong ko sa kanya.

Feeling ko may tinatago 'to akin si Angel eh. Pero di ko muna tatanungin baka kutob ko lang ito.

"Paano mo nga ba nabuksan ang pinto Sab? Bakit kami nung kanina hirap na hirap kami pero ikaw parang easy lang sayo" tanong ni Aster kay Sab.

Missing Treasures ( Greek Mythology 101)Where stories live. Discover now