CHPTR 6 ❤ World of Mortals!

19 1 5
                                    


" Alisin mo yang takip sa mukha mo!Bilisan mo" sigaw ni Gelo doon sa sumusunod sa amin kanina pa.

Her hair looks familiar at saka yung tindig niya. Lahat kami kinakabahan, baka kasi isang mythical creature na naman yan.

"Lalaine? Anong ginagawa mo dito" gulat ni Sapphire matapos niyang makita kung sino ang nasa likod ng maskara.

"What are you doing here Lalaine. Pati naman dito diba, wala kanang patawad." sigaw ni Gelo kay Lalaine.

Napansin kong may paparating. Isang babae na nakaeye glasses at medyo parang weird.

"Anong ginagawa niyo dito? Sino kayo? Paano kayo nakapasok dito sa library? " sigaw ng babaeng nakakita sa amin.

" Calm down okay, we are students like you. Tignan mo nga uniform mo sa amin, diba the same lang naman" paglalaban ni Sapphire sa babae.

Binitbit ni Gelo ang damit ni Lalaine sa bandang likod niya.

"Uy dahan-dahan lang Gelo, babae pa rin yan kaya igalang mo pa rin" bulong ko sa kanya.

"Okay commander,ito na nga oh! Unti-unti ko na siya bibitawan" sabay niya sabay bitaw kay Lalaine.

"Bumalik na kaya kayo sa classroom niyo" sigaw ng babae.

"Let's go guys! " sigaw ni Sapphire.

Imbis na dumiretso kami sa classroom. Dumiretso kami sa labas, hindi ko matukoy kung nasaan kami kasi parang nasa ibang lugar kami.

"Nasaan tayo guys? " tanong ko kay Gelo.

" Andito tayo sa San Andres Manila. Dito muna tayo pansamantala,mas safe dito" paliwanag niya sa amin.

"Bukas na tayo Ate Sab pumunta sa Sta. Maria Bulacan" sabi ni Sapphire na may halong lambing.

"Okay lang Sapphire, kahit sa isang linggo pa eh. Hmm first time ko din dito sa Maynila. Kaya i-tour muna nyo ako" aya ko sa kanila.

"Ibabalik ko muna to si Lalaine sa ASU at baka manggulo pa dito. So kayong dalawa! Iah and Aster, bantayan niyo muna si Sab hanggat wala ako ah. Magkikita naman tayo bukas. Magpalit na kayo ng mga damit ah. Tapos pede na muna kayo maglibot, pero wag niyo gagamitin ang mga powers niyo. Sabay-sabay tayo pupunta sa Bulacan bukas. Ikaw Sab! maghahanap na rin ako ng tutulong para mahanap yung Papa mo okay" bilin ni Gelo sa amin na may halong pag-aalala dahil puro babae kami.

Umalis na si Gelo para ibalik si Lalaine sa Anglocian tapos kaming tatlo naman, nagbihis kami at inaya silang mag-mall. Bumili kami ng ibang mga damit dahil tig tatatlong partners lang yung mga dala namin.

"Ay sorry Ate! " paghingi ng tawad ni Iah dahil may nasanggi siya.

"Okay lang, tulungan na kita jann-----? " hinto ng babae.

"Ikaw na naman" sigaw ni Sapphire sa babae

"Sorry sa inyo guys, akala ko kasi kung sino eh. Naninirado lang ako kanina. Baka kasi outsider kayo eh. BTW I'm Phoenix Juliet Serefina" paghingi niya ng tawad sabay pagpapakilala niya.

"Hmmmm Sorry din girl! May kasama ka ba? kung wala,sama ka na lang sa amin" aya ni Iah kay Juliet

"Girls! Di ako nababagay sa inyo. Tignan niyo ako I'm a nerd and weird girl. Iniilagan ng mga tao dahil palagi daw akong seryoso sa aking studies" sabi niya na may halong kalungkutan.

Kung tititigan natin tong si Juliet, maganda siya. Baduy nga lang siya pumili ng damit. Hindi naman kami tumitingin sa labas na kaanyuan.

"May alam ka ba dito Phoenix na masarap kainan? Bago pa lang kasi dito eh "  tanong ni Iah kay Juliet.

Missing Treasures ( Greek Mythology 101)Where stories live. Discover now