Greek Mythology? Gods and Goddesses?Is it real or not? Just follow what your heart said if they are exist in the world or not. If you are not interested in any mythology or something about nostalgic past histories of our world. You can also have a b...
*Don't forget to click vote button :):)Thanks!!! *
Sab's POV *** Yung frame! para siyang mapa. Para may itinuturo siyang direction. Unti-unti akong lumapit para malaman ko kung ano nga ba ito, napansin kong may nakasulat sa bandang baba nito SIRENS location.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Pagkatapos nun, di ko na alam ang pinag-gagawa ko. Natandaan ko lang yung pagbuhat sa akin ni Gelo. At ngayon, nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa kama.Naririnig ko ang pag-aaway nila, mas nakakadagdag yan ng stress sa akin eh.
"Magsitigil nga kayo"mahinang sabi ko kahit galit na galit na ako sa kanila. Napatigil ko rin naman sila kahit papaano.
Bumalik agad ako mula sa pagkakatulog ko, gusto ko muna magpahinga.
*** "Tulungan niyo ako please!!! Gelo, hawakan mo kamay ko. Wag kang bibitaw, dito ka lang sa tabi ko please" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
"Ate Sab?Anong nangyayari? Kuya? "panic na pagsabi ni Sapphire.
"Traydor siya!!"sabi ko habang pilit na ginigising si Gelo ****
"Ha.. Ha.. Ha.. Ha.. "hingal ko matapos ng panaginip ko.
"Anong nangyari? Okay ka lang?"sabi ni Gelo na agad lumapit sa tabi ko.
"Okay lang ako, panaginip lang naman eh"marahang sagot ko ."Nasaan na sila? Infairness ah, huminto kayo kahit pabulong lang yung pagsaway ko sa inyo"sabi ko na nakapag-patahimik sa kanya ng kaunti.
"Sab? Bulong lang yun? Eh napasarado mo nga ang pinto at nabasag mo pa ang bintana. Sab? Anong nangyayari sayo"nagtatakang tanong ni Gelo.
Nakita ko na basag talaga ang bintana, nakita ko rin ang doorknob na nasa sahig. Ano nga bang nangyayari sa akin. "Ano bang nangyari sa restaurant Gelo"tanong ko sa kanya na may halong kaba.
Tumigil ang lahat ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Na halos dumagundong ang puso ko,hindi ako nakapagsalita.Halos 5 minutes yata kaming magkayakap.
"Sorry"sabi ni Gelo na namumula.
"Okay lang! Ano ngang nangyari sa akin? "tanong ko ulit sa kanya.
Kinuwento niya ang lahat, nagulat ako sa mga sinabi niya. Ano yun lumalabas na tunay na powers ko? Sana nga para magamit ko ito laban sa mga sirens. Magagamit ko ito para mailigtas si Papa.
"Kamusta kana Sabrinah? "tanong sa akin ni Psyche.
"Okay na po ako"tugon ko. "Sorry nga po pala sa inyo kanina ah, nabigla lang po talaga ako sa mga pangyayari ngayong araw"paghingi ko ng tawad sa kanila.
Lahat naman sila ay nagsabi na "Okay lang".Kaya gumaan na rin ang loob ko. Andito sila lahat sa harapan ko kabilang lang sa dalawang mag-bestfriend.