Prologue

243 10 9
                                    

Bakit kapag nasaktan ka gusto mong makalimot? Gagawin mo lahat ng paraan para mawala siya sa isip mo, maging busy at tumingin sa iba pero bakit ganun? Nakakasawang masaktan pero di nakakasawang magmahal.

I've handed my heart to someone before, and loved him more than anything else, more than my dreams and fame. More than my life. Now I got nothing left but the fear of falling in love again.

It's a lie to say you've let go of the past. Nobody lets go of memories. Each tear is an unforgettable memory. Each smile is an undeniable mark. Each heart beat is an unreasonable forgetting. Only acceptance.

Simula nang araw na yon sa oras na natapos ito ay pinilit kong makalimot. Totoo nga na kahit limutin mo ang isang bagay may matitira pa ring bakas na kahit kailan di matatanggal. "Its so hard to forget someone who gave you so much to remember." Ang tanging solusyon lang ay kalimutan at tanggapin. Dalawang bagay na pag pinagsama asahan nalang nating masakit talaga ang epekto nito sa sino man. Isa na ako sa mga iyon.

Isn't it nice to find someone who will turn your heart aches into smile? Someone who will rebuild your world better than before? Someone who is worth loving? Someone who can be yours? And lastly, someone whom you can say..."If having you is waiting and waiting is pain, then pain is worth having."

Everyone is looking for a perfect partner. Yung tipong dapat sa lahat ng bagay magkasundo sila...Lahat ng gusto magkatulad. Pagdating sa attitude and principles in life, dapat hindi magkaiba. Hindi magkasalungat..."Compatible" ika nga. Pero sometimes, hindi maiiwasan na kung sino at ano pa ang ayaw mo, 'yun pa ang matatapat sa'yo. You know why? Because as the law of nature engraved upon us, positive charge is bound to attach itself to a negative one.

We may love the wrong person and cry for the wrong reason. But no matter how things go wrong, one thing is for sure...mistakes help is find the person destined for us.

Ayoko ng maghintay sa oras na yon dahil nasisiguro kong mahihirapan akong mamili ng desisyon ko. Magmamahal ba ako ulit?

Ayoko ng masaktan ulit kaya hanggat maaari pipigilan ko ang sarili kong mahulog muli sa panahong dadating ang bagay na yon sa buhay ko.

We always wish for someone perfect, but love isn't about finding the perfect person. It's about realizing that an Imperfect person can make our life.

Hindi nga siya perpekto at minahal ko siya dahil para sa akin siya na ang peperpekto sa buhay ko. Simpleng tao lang siya. Matalino at masipag sa pag-aaral. Nakakainggit na lagi siyang top sa klase, pero eto ako at proud na proud ako sa kanya though kahit hindi niya alam na masaya ako para sa kanya. Paunti-unti niyang naaabot ang mga pangarap niya sa kanyang buhay. Kahit pa lagi niya akong inaasar, simpleng ngiti lang niya at nakakalimutan ko ng galit ako sa kanya.

There's a love that only you can give, a smile that only our lips can show, a twinkle that I can only be seen in your eyes, in this life of mine that alone can complete.

Andami ngang nagpapapansin sa facebook mo pero balewala ang lahat basta lagi kitang kasama. Ang daming mga babaeng laging sumulpot at pinagpapantasyahan ka pero kampante ako na hindi mo sila pinapansin kahit kung minsan pa nga halos lumuhod na sila at magmakaawang maging sa kanila ka na. Pero alam kong alam mo ang dapat mong gawin kaya hindi na ako nag-aalala sa tuwing may ganoong eksena. Pag labas mo ng klase mistulang isang artitsta ka na pinagpipilahan ng mga milyon-milyong fans at stalkers mo, yung mga iba nga tumutulo na ang laway nila kakatingin lang sayo. Yung iba gusto ka ng angkinin kulang nalang ata iuwi ka nila sa bahay nila mismo. Pati pag nag-ccr ka nakabuntot halos lahat ng babae sayo, kulang na lang samahan kanila. Joke (hindi naman pwedeng mangyari yon). Isa kang magaling na athletic at nga pala team captain pa ng basketball team sa school natin. Kaya laging puno ang gym kahit practice game pa lang, paano pa kaya sa totoong laban, diba.

Pero kahit ilang beses ko pang alalahanin ang mga nangyari noon alam kong hanggang memorya ko nalang ang mga iyon. Di ko alam kung kaaway, kaibigan, o mahal kita, dahil panay lang tayo sa pag-aaway at pag-aasaran buong araw. Buti nalang hindi ako pinapatay ng mga fans mo, baka minumurder lang nila ako sa isipan nila, haha. Akala kasi ng lahat magka away tayo at hindi magkakasundo kahit kailan, dahil bukod sa lagi tayong nagpipikunan wala silang mabubungad na sabihin na merong something sa ating dalawa. Sa totoo lang ilang beses na akong napahamak sa mga fan girls mo, ilang beses lang naman akong na-bully at sinaktan ng hindi mo alam. Pero wala akong pakialam, ayoko rin naman sabihin sayo dahil for sure di ka naman mag-aalala. Baka ikaw pa nga atang magsasabi sakin na bagay lang yon sa tulad ko. Isa lang rin siguro ako sa mga babae doon na pinagpapantasyahan ka, pero ako lang ang babaeng hindi ipapakita na gusto kita, ayokong sabihing gusto kita dahil sa takot na ring baka may iba ka na palang gusto.

Sometimes in life, we ask for someone we can have and keep but there's nothing much you can really do but to wait for the person whose quest in life is nothing else but to find.

Pero kung minsan wag tayong umasa na sila na nga yung taong pinakahihintay natin dahil kadalasan kala mo kayo sa huli pero dumaan lang talaga sila sa buhay natin.

It's not always right to stay in pain when you know you've already had too much, and its about time to be.

Kalimutan at tanggapin nalang ang lahat ng nangyari...

LOVE is a GAME
PEOPLE live to PLAY
WE WIN to find HAPPINESS
WE LOSE to find someone better who make us HAPPIER
And just like any other game, it is not all about winning It is about how you PLAY the GAME.

Hindi sa lahat ng oras nagwawagi tayo laban sa pagmamahal, tandaan natin na maging sa ibang fairy tales hindi nagtatapos sa masasayang ending. Dahil kadalasan nauuwi sa trahedya.

End Regret Chances TakeWhere stories live. Discover now