Chapter One

177 8 8
                                    

TWIST AND TURNS
(Elysian)

'If You Ever Find Yourself In The Wrong Story, Leave.'

Sometimes we dream on the ideal love that we want. When it comes along, we give the best to hold on to it. But though we give more than enough, they still hurts us for the reason we don't understand.

"Being single is cool...No worrying about anyone, no obligations and best of all, no heart aches." Sabi ni Farah sabay inom nang lemonade juice niya at pinaikot-ikot ang straw nito para haluin. Sumip-sip ulit siya at itinabi ang juice niya upang sumulong ulit sa pool.

Nandito kasi kami ngayon sa mansion ko at naisipan ng mga kaibigan ko na dito gawin ang last summer namin. Tutal mas malaki at malawak daw itong swimming pool namin. Bukas na ang first day sa school kaya't sinulit na namin ang huling bakasyon dito samin. Nasa gitna lang sila ng pool habang pinapanood ko sila sa di kalayuan. Malakas lang talaga ang echo mula dito kaya't naririnig ko ng maliwanag ang mga boses nila kahit medyo malayo sila dito sa pwesto ko.

Sila lang naman yung nakalubog talaga sa pool. Ang role ko lang talaga ay mag sight seer sa kanila. Nagsuot sila ng swim suit na fitted sa katawan nila. Nakasuot rin naman ako ng swim suit pero tinakpan ko ito ng t-shirt at naka-short ako. Props ko lang talaga toh kung sakaling tanungin nila ako kung bakit ganito suot ko. Hindi kasi talaga ako mahilig sa mga party tulad nito, kumbaga nag-ready lang ako kasi baka tanggalin nila damit ko tapos di pa ako ready sa panloob na suot ko, diba. Mabuti ng ang handa, ayoko lang maulit yung minsang nag-pool party kami-

"But you know what? If you never get your heart broken, you will never learn to love." Naputol ang pagsasalita ko sa isipan ko ng biglang nagsalita si Arleigh na tinutukoy ang kaninang nasabi ni Farah. May punto naman siya sa sinabi niya. Kung di mo naranasang masaktan hindi mo malalaman kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal.

"Tama may punto ka pero sa ngayon masaya ang maging single, dahil wala kang pag-gagastusin." Saad niya kay Arleigh na pangiti-ngiti pa at sabay pasa ng beach ball kay Arleigh na kaagad naman nitong nasalo. Marami ng naging boy friend si Farah.

Farah is beautiful and pleaseant to describe sa unang tingin palang. Sa aming magkakaibigan siya ang pinaka-fashionista pagdating sa pag-aayos at pananamit. Payat at balingkinitan. Has fair and tonal skin. May mahaba at curly light brown hair. Habulin ng mga lalaki, pero masyado siyang mapili dahil tulad ng isang tapat at tunay na babae ayaw siyang naloloko kaya't nakakapagtagal rin siya sa isang relasyon. Siya rin ata ang expert pag-dating sa pagkakaroon ng bf ng ilan sa amin magkakaibigan dahil lagi siyang nakapagbibigay ng mga advice sa amin tungkol sa mga lalaking hindi dapat at dapat mahalin.

Para-pareho lang kaming walang bf sa ngayon pero pustahan sa aming lima, tatlo sa kanila manghuhunting kaagad bukas dahil sigurado maraming mga nag-gagwapuhang lalaki doon na nagsisikalat lang sa University na pinapasukan namin.

Narinig ko namang napatawa ng mahina si Yves. Siya kasi tong katabi ko rito at nakasandal lang yung likod niya habang ako nakababad lang sa tubig ang mga paa ko. Wala talaga ako sa mood. Maski si Yves nakikiride lang sa mga kalokohang naisip ng mga kaibigan namin. Sa amin namang lima kami ni Yves lang ang naiiba. Si Yves ang book lover at matalino sa grupo pero hanggang ngayon ako pa rin naman yung una sa klase bago magtapos ang pasukan ngayong bakasyon. Maganda siya maputi at matangkad pero dahil sa salamin niya natatakpan ang tunay na kagandahan niya, mukha lang siyang cute pag may eye glasses pero mataray ang itsura pag naka-alis ito. Tinignan ko naman yung kanina niya pa pinagtatawan at nakita kong nagtandem yung dalawa doon, si Farah at Arleigh sabay na sinusub-sob si Unice sa pool at tawa sila ng tawa. Ano nanaman kayang kalokohang ginawa nitong si Unice, haha. May pagka-abnormal kasi itong si Unice at mas malala pa kung minsan. Hindi ka talaga maiinip kung sila kasama niyo dahil kung ano-anong kalokohan yung naiisip nila. Take note ang tunay na kaibigan nanakawan ka ng pag-kain. Haha! Lalo na ng di nagpapa-alam.

End Regret Chances TakeWhere stories live. Discover now