Chapter Two

114 8 11
                                    

TWIST AND TURNS
(Elysian)

'Love hurts, love heals, love abounds...the secret is to enjoy it and learn from it'.

"Uy guys after ilang libong taon nagreply na rin itong si Unice!" Naiiritang sabi naman ni Arleigh agad naman naming tinignan ni Farah ang cellphone niya para makita kung ano yung nasa inbox niya, kung bakit wala pa rin si Unice dito sa meet up place namin.

"Aba't loka talaga toh!" Sigaw ni Arleigh at halatang nangigigil na siya sa cellphone niya, kulang nalang mawasak na niya ito sa sobrang pangigigil niya. Tinignan naman namin ni Farah kung ano yung nakalagay doon.

"May isang pretty woman na tumatawid sa road...wait lang...tumatawid pa ako. I'll text you later". At yun nga ang nakalagay sa inbox ni Arleigh. Grabe loka-loka nga talaga 'tong si Unice.

"Di pa ata nakakamove on sa hang-over natin kahapon. Hanggang ngayon di pa rin nauuntog ang ulo sa mga kabaliwan niya." Napatawa naman ako ng bahagya sa nasabi ni Farah.

"Mabuti pa iwanan na natin para magtanda." Nababagot nang sabi ni Arleigh. Napailing nalang kami ni Farah.

Kanina pa kasi kami dito sa labas ng gate naghihintay kay Unice at buti nalang may mga bench dito na pwedeng maupuan ang kaso inuugat na kami rito kakahintay sa kanya. Kahit kailan talaga ang bagal niyang kumilos. Ang napagusapan kasi namin kahapon sabay-sabay na kaming papasok ngayon dahil umuwi pa sila sa kanya-kanyang bahay nila kahapon para daw makapag-ayos at prepare ng mga gagamitin nila ngayong unang araw ng pasukan.

Sa school kasi na ito bawal ipasok sa loob ng center gate ang mga sasakyan. Hanggang main gate lang ang pwede nitong pasukan. At bago pa man makarating sa mismong loob ng eskwelahan ay malayo-layo pa ang lalakarin. Pero ang pinakamaganda doon ay parang papasok ka sa isang forest sa dami ng mga puno at halaman na tinatakpan ang araw na makakapaglakad ka ng hindi pagpapawisan ng sobra. Ang pangit lang dito ay sasakit na ang paa mo sa haba ng lalakarin at kung di ka pa makapagmadali kapag tumunog na ang bell hudyat na nagsisimula na ang klase ay mamarkahan ka kaagad na absent kung sakaling late ka na talaga. May isang oras pa naman kami kaya kaya pang makapaghintay ng ilang minuto pa para kay Unice.

"Uy guys andito na ako!" Agad naman kaming napatingin doon sa sumigaw na kumakaway-kaway pa at hindi ko masabi kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko maexplain na parang pinasabugan yung buhok niya sa sobrang gulo.

"Oh napano na ang pretty woman na sinasabi mo?" Tanong agad ni Arleigh kay Unice ng makarating sa harapan namin.

"Ah sa blow dry." Wala sa isip na sabi naman niya.

"Blow dry!? Ano yun tinodo mo kaya sumabog buhok mo!" Napatawa kaming lahat sa nasabi ni Farah pero napasimangot lang si Unice.

"What's wrong with your phone? I try to call you but the operator says 'Welcome to the JUNGLE! The MONKEY that you are calling is on the TREE'. Please try again later!" Pagbibirong sabi ni Arleigh kay Unice.

"According to science, man came from monkey. I beg to disagree. Bakit ikaw, mukhang kabayo?" Bawing sabi naman ni Unice kay Arleigh.

"Teka nga tanong lang ah, Any reason why you are late again?" Tanong naman bigla ni Arleigh kay Unice.

End Regret Chances TakeWhere stories live. Discover now