Chapter Six

32 1 0
                                    

TWIST AND TURN
(Elysian)

Ginabi na ako sa pagtapos ng school paper works namin for tomorrow at katatapos ko lang umalis ng library kaya kanina bago ang uwian tinext ko sa mga kaibigan ko na hindi na ako makakasabay sa kanila dahil may marami pa akong tatapusin para bukas.  Naintindihan naman nila kaya't sinabihan na lamang nila akong mag-ingat ako pauwi at nasabi ko na rin sa body guard kong si Jin na pagkatapos na pagkatapos kong gawin lahat ng mga school paper works ko ay tatawagin ko siya para sunduin niya ako.  Kaso sarili kong mga paa ang naghatak sa akin papunta sa kaibuturan ng eskwelahan namin.

Ngayon ko lamang napagtanto na kasalukuyan na akong papunta sa Reine Gymnasium ng school namin and my lips suddenly curved upwards.

"Kung sinuswerte ka nga naman, mukhang wala na ngang mga tao dito sa mga oras na 'to."

Pagbukas ko ng pintuan ng Reine Gymnasium namin laking gulat ko na may naka-sindi pang ilaw malapit sa post ng ring at parang sinadyang yun lang ang buksang ilaw sa loob ng Gynasium.  Pinagmasdan ko muna ang buong paligid at napagtantong baka nakalimutan lang itong patayin ng mga naglalarong gumamit nito kanina.

Tahimik...

Madilim...

Malamig...

Habang palapit ako sa gitna ng ring parang bumabalik lahat ng excitement,  thrill,  at kaba na nararamdaman ko tulad noong mga nag-daang nakaraan. Parang nag-hahalucinate ako at naririnig ang mga sigawan at masigabong pag-cheecheer ng mga taong nanonood sa paligid ko.

Subalit naputol ang pag-hahalucinate ko ng makalapit na ako sa mismong ibaba ng ring at kumuha ako ng isang bola doon sa basket na puno ng mga bola. Una kong ginawa ang free throw pero sa kasamaang palad hindi 'man ito umabot sa ring.  Hanggang sa ginawa ko ang jumpshot, hook shot,  bank shot na gamit ang buong lakas at pwersa ko subalit dismaya kong nakita ang resulta ng mga ginawa kong posisyon dahil ni isa 'man sa mga iyon ay wala akong naishoot. Kaya't sunod-sunod na free throws ang pinakawalan ko.

"SHIT! "

napatigil ako sa pag-shooshoot ng bola ng may marinig akong kung ano.  Itutuloy ko nalang sana ang ginagawa ko subalit muli ay may narinig akong tinig pero 'di ko talaga maintindihan kung ano ito.

"Hey You!" Ano daw 'AWOOOO'? Pagtingin ko kung saan nang-galing ang tunog ay may nakita akong pigura na awtomatikong napaupo ako at tinakpan ang aking magkabilang tenga gamit ang mga palad ko at—

"AHHHHHHH!!! you're the reason why I have sleepless nights. You're the reason why I hold my pillow tight.  You're the reason why I pray at night.Lord help me may MUMU!" habang sunod-sunod na ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa takot. Hanggang sa may marinig akong pagyabag ng sapatos papunta sa pwesto ko kaya't mas lalo akong kinabahan.  Pero ano ba naman yan pati multo kailangan naka sapatos pa!  Sosyal naman ng MUMU na 'to. Pero bago pa 'man siyang tuluyang makalapit dito ay lakas loob akong tumayo at kinapa kung nasaan ang mga basket ng bola at sabay-sabay na pinagbabato ito sa kanya.

"Ouch! Hey you stop that!" Bakit ganun expect ko tatagusan lang siya ng mga bolang pinagtatapon ko pero bakit tumatama lang ito sa kanya. Dahil blurred pa ang paningin ko dahil sa kakaiyak ko kanina hindi ko masyadong makita ang kabuuan niya at tanging boses lamang niya ang nagpapahiwatig sa akin na isa siyang lalaki.

"Hey you kind of a little shoat I said stop!" Parang nag-pintig yata ang mga tenga ko ng marinig ko ang sinabi niya at parang unti-unting may nag f-flashback sa isipan ko. Unti-unti ko ng pinahid ang mga luha ko para makita kung siya nga yung antipatikong lobong yun nung isang araw sa may arcade. Pero imbes na matalim na titig ang pakawalan ko—napa-nganga ako dahil FUDGE YUMMY! Este bakit ba kasi siya nakahubad—half naked pala I mean, tapos bakit ba ine-endorsed niya yang mga six pack abs niya hah?! Sabayin mo pa na bagong ligo siya—pero parang naligo lang ata siya sa pawis niya pero bakit ganito ang epekto niya sakin nakapanlalambot ng mga tuhod ang presensiya niya. Kung noong nakita ko siya sa arcade at pinag-papantasyahan pang sana makita ko 'man lang ang kabuuan ng katawan niya sa ilalim ng manipis at fitted niyang black shirt—ngayon...ngayong nakita ko na parang ayoko nang alisin pa ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya.  Wahhh! Stop it Ice bakit ba ako masyadong namemesmirized sa taong toh!

End Regret Chances TakeWhere stories live. Discover now