Chapter 3: Repay me

8.2K 267 5
                                    


——————————————————
———————————

CHAPTER 3

Alexie's Point of View

"Kriiiing!"




Papikit pikit ng bumangon at ng hindi tinitignan ang alarm clock. Inis na hinampas ko 'yon para ma-off. Muli akong napahiga at napadaing, dahil sa sobrang sakit ng ulo ko na parang pinukpok ng matigas na bagay.






"Aray!"







Kinapa ko ang side table ko para kuhain ang salamin ko. I strugged to get it from the table because of my headache. Hindi ako makagalaw nang maayos.






"Ma'am, ito na po ang breakfast ninyo." nang masuot ko na ang salamin ay laking gulat ko dahil ibang tao ang nasa harapan ko, hindi iyon ang maid namin.






"Sino ka?!" nagulat ito sa biglaang reaksyon ko. Napansin ko na hindi ito ang bedroom ko. Inilinga ko ang mga mata ko sa paligid, confirmed! This wasn't my bedroom.





This wasn't even our guestroom. Where the hell am I?





"Nasaan po ako?" medyo kalmado ko nang tanong.





Nag inom lang naman ako nang isang araw pero kung saan saan na ako napapadpad. Nakakainis naman.





"Ma'am, ipinautos po ni sir Dale na dalhan ka nang pagkain." nanlalaki ang mga mata ko sa binanggit na pangalan nang kasamabahay.





"Mamaya ay darating s'ya dito. Pakihintay na lang po." hindi pa s'ya nakakaalis ay mabilis akong tumayo, hindi ko na pinansin ang tray na may mga foods.





"Aalis na po ako." tumingin ako sa wall clock. Masyado pa palang maaga, alasais pa lang.






"Ma'am, hindi daw po muna ka'yo pwedeng umalis." nangunot ang noo ko. Pero hindi ko na pinansin ang sinasabi n'ya. Hinanap ko lang ang mga gamit ko at tiningnan ang damit. I'm still wearing my outfit from the last night.





Kaagad akong umalis nang makuha ang pouch ko. Dinaanan ko ang kasamabahay na sumusunod pa saakin. Nakagat ko ang labi ko habang nagmamadaling umalis.





Inabandona ako nang mga kaibigan ko kagabi, o baka sa sobrang kalasingan din nila ay hindi na rin kinaya ang umuwi pa.





Nag vibrate ang phone ko kaya mabilis ko iyong kinuha sa pouch ko. Maraming missed calls at unread messages mula sa dalawa kong kaibigan. May missed calls from mom and dad, every other night before I sleep they're calling me.





Bumaba ako sa mahabang hagdanan sinusundan pa rin ako ng kasambahay.





"Ma'am, bumalik ka po sa guestroom!" habol nito saakin, pero hindi ko pinapansin dahil hinahanap ko ang daanan palabas. Pero hindi ko namalayan nakarating ako sa dinning room.





Nagb-breakfast ang sa tingin ko'y pamilya ni Dale.





Sa tingin ko'y ang parents n'ya ay ang nasa dulo. Isang maputi at tingin ko'y nasa mid 20s na babae, may isang bata at si Dale, katabi nang sa tingin ko ay mother n'ya.




Lahat sila nakatingin saakin. Nakatayo lang ako at hindi alam ang gagawin.




Bakit ba kasi ako napunta dito? I don't have any idea from the last night.




Pretend to be His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon