Step 4: Slowly but SURELY

7.5K 191 7
                                    

Kharu's Note:

Hello dears! Salamt sa pag-babasa. Nyaha! Pasensya na kung ito lang ha? MAy mga ginagawa kasi ako.. T__T Tapos depressed ako. Chos. Haha! Ayun, Godbless po!!

*************************************************************************************************************************

Step 4: Slowly but SURELY

“Dalian mo, Sephie! Na-miss kita nang sobra! Marami ka ng utang sa’kin! Haha!” Hinila ako ni Trish palabas ng condo unit ko.

Nagulat nga ako nung nag-doorbell siya, tapos tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto, tinulak ako sa banyo at pinag-bihis ako. Malling daw kami. Grabe! Ang hyper pala niya! But I’m enjoying her company.


Nagulat nga raw siya sa mga damit na dala ko, dati kasi, simpleng shirt and pants lang ako. But I know, kahit anong suot ni Sephie maganda pa rin siya.


Maganda na rin ‘to, para makapag-libot ako, At least malalaman ko kung aano papunta sa mall. ^____^


Isa pa, mas makikilala ko si Trish. Sa araw na ‘to, masasabi kong nagging close na rin ako sa isang tao sa buhay ni Sephie. Ang sarap sa feeling.

Makakapag-tanong na rin ako sa kanya.. Mukhang close talaga sila ni Sephie, siguro marami akong makukuhang information sa kanya.


Kahit na 2 years ang tanda niya sa’in, ka-vibes na ka-vibes ko siya. Oha? May new word ako ngayon. Ka-vibes. ^___^

“Naku!! Graduating ka na nga pala!! Next year, college ka na!! Ano bang balak mong kunin?” She asks. Ano nga ba? Eh ang plano ko.. Babalik na ako sa States. Tutal ngayong school year ko lang naman gagawin ang mission ko.

“Hindi pa ako sure eh..”

“Aaaah.. “ Ano kayang course ni Trish? Naku! Kapag may nag-tanong sa’kin, wala akong isasagot! Kapag tinanong ko naman siya, baka mag-taka siya kasi hindi ko alam..

“Naku! Eh ako nga, ang lakas ng loob mag-Accountancy, bulok naman sa Math! Haha!” Oh great, I don’t even have to ask it. ^O^

“Nakayanan mo naman for two years eh, for sure kakayanin mo ‘yan!!”

“Sana nga. Haha!!” Nag-kwentuhan pa kami, may nalaman din ako sa iba pang kasama ko sa condominium. Nalaman ko na may nanligaw pala kay Sephie dati doon, at madalas daw pumunta si Kai sa condo unit niya.


“Sayang talaga kayo, malapit na kayo mag-anniv, tapos nag-break pa kayo!” Sabini trish habang papasok kami sa mall.

“Naaah.. I don’t deserve him anyway..”

“Ano ba talagang.. nangyari? Hindi ka naman kasi nagshare nun.. Nabalitaan ko na lang sinundo ka ng Dad mo papuntang States. Masyado ka sigurong nasaktan no?”

Sobra. Sobra-sobra.

“Siguro.. Masyado ngang naging masakit sa’kin.. Halos ikamatay ko na.. Kaya nung nag-bakasyon ako sa States, sabi ko sa sarili ko, magmo-move on ako. Kakalimutan ko lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Heto nga, ang laki raw ng pinagbago ko..”

”I agree.. Pero, pwede bang malaman kung bakit ba talaga kayo nag-break? Wala ka pang nababanggit sa’kin eh..”


Hindi man nasabi ni Sephie sa’kin, I’m almost certain about that.


“Third Party.. I guess..” Mukhang nagulat si Trish.

“As in? I mean.. Sobrang loyal, faithful at sweet ni Kai sa’yo.. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya yun..”


“People change. Okay lang, at least hindi na ako naka-tali sa kanya. Hindi na niya ako mapapaniwala sa mga pambobola niya.”

”Grabe.. Akala ko pa naman.. Forever na kayo..”


”Walang forever, Trish. Lahat pwedeng mawala..” She tapped my shoulder.

”Sorry sa nangyari.. I’m sure may dadating na maganda sayo.. Siguro hindi lang talaga kayo meant-to-be ni Kai.. Ipakita mo na lang kung gaano kamali yung ginawa niya.. Aba! Hindi ikaw yung tipong pinagpa-palit sa kung sinu-sino lang!”


”Thanks.. Alam ko.. Wala na sa’kin yun..”

”Yan!! Nasa likod mo lang ako! Eh paano yun, baka classmates pa rin kayo?”

”Then it’s better. I’ll see to it na pagsi-sisihan niya ang ginawa niya kay Se—I mean, sa akin.”

”Sigurado akong wagi ka dyan. Itsura mo pa lang ngayon? Naku! Iiwanan niya lahat ng babae niya! Haha!”


Hmm. Yeah, that’s the first step. Better be ready Kai. *smirks*

I’ll make him feel ashamed of himself. Kung magco-commit siya ng suicide sa huli, okay lang din. Para maranasan niya namana ng pinaranas niya sa kapatid ko.


Tinuloy namin ang pagli-libot sa mall. Hindi kasinglaki ng mga malls sa States pero gusto ko yung aura sa paligid.. Ang gaan sa feeling. I’m starting to love the Philippines.


Kumain lang kami tapos namasyal. Nag-punta rin kami sa mga madalas daw nilang puntahan ni Sephie noon. Marami talaag akong natututunan kay Trish.


Syempre, kahit papaano nagi-guilty rin ako sa ginagawa ko. Ang bait-bait niya, tapos ako niloloko ko siya.


But this is for Sephie. Nasimulan ko na, there’s no turning back.


Ngayon pang ilang araw na lang at masisimulan ko na ang plano ko? Hell NO.

Pagka-uwi naming, na-surprise ako kasi may party akong dinatnan sa unit ko. Welcome party daw para sa’kin. Sobrang touched ako, at sobrang nalu-lungkot din.


Kung sana nandito ka Sephie.. Ikaw sana ang ganito kasaya. Sobrang swerte mo sa mga tao dito. Mahal na mahal ka nila..

Ano pa bang kulang kay Sephie? Kailangan pa siyang ipag-palit..


Naaah. She’s perfect.


May mga tao lang talaga na hindi makuntento sa kung anong meron sila. They always look for better things, that’s why they don’t seem to notice that they already have the best.

Now I have no doubts anymore. Kahit ano pang kapalit, itutuloy ko ‘to. Masyadong mabait si Sephie para maranasan niya ‘to.

Kung hindi niloko ng lalaking yun si Sephie,


Sana, mag-kasama kami ngayon. Sana, kasama ko siyang magce-celebrate ng birthdays, Christmas at New Year.


Kinuha niya ang kalahati ng pagka-tao ko.


And I’m going to take something in return. Slowly, but SURELY.

Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon