Step 10: Guilt

6.3K 144 17
                                    

Step 10: Guilt

Ang sarap nga pala ng feeling kapag naka-tulog ka sa gabi ano? Kahit pa 6 hours lang ang tulog ko, it’s better than my usual 1hour-sleep.


I thanked God for the day, cooked my breakfast, ate, bathed, got dressed and got ready for school.

Mabuti na lang nakapag-grocery na ako kahapon. Hayy.


Pagka-lock ko ng pintuan ng condo, sumalubong sa’kin si Trish, mukhang kagagaling lang niya sa pagj-jogging.


“H-hey Sephiee!”

“Oh? Hinihingal ka!”

“Y-Yeah. Don’t mind me. Andun nga pala si Kai! Hinihintay ka sa labas!”

”HAA?!”

”Sinusundo ka yata!!”

Bigla akong nag-panic. Bakit nga ba? Sinusundo lang naman. Ano naman ngayon?


”Dali na!! Paghi-hintayin mo pa yung hot mong lover! Haha!”

Trish pushed me to the elevator. Not gentle. T__T


Pag-baba ko, binati ako nung staffs then lumabas na ako.


”Ganda!!” Someone shouts. At siya lang naman ang ’someone’ na tumatawag sa’kin ng ganun.

”Sabi ko wag mo na akong tawagin ng ganun.” I say as I went nearer.

”Naaah. You deserve it. Sakay ka na.” Then he showed me his bike.


It’s not lame, it’s cool actually.

Dalawa yung upuan niya, tapos may lalagyan ng bag sa likod. I want one!

”This yours?” He looked puzzled.


”Umm. Yeah? Binili natin ’to dati.” Oh God.

“Ah? A-ah! Yeah. Haha. Sorry.”

“I understand.. Medyo pina-iba ko rin yung kulay eh, kaya siguro hindi mo namukhaan. Sakay ka na.” He said.


His tone got a little colder.


Nakaka-halata na kaya siya? Gosh. Wag naman sana. Hindi ko yata nabasa na bumili sila ni Sephie ng bike?

Masarap dun sa bike, comfy siya. Malambot yung upuan. Buti may space yung road para sa mga bike.


Itinabi niya sa may gate ng campus yung bike niya, he carried my bag then we went inside.


Hindi siya nagsa-salita habang papasok kami sa campus. Diretso lang ang tingin  niya.

Nung nasa room na kami, pumasok lang siya, nilapag ang bag ko tapos lumabas ulit.


”LQ kayo?” Jen asks.

”Ha? Hindi ah.”

”Eh bakit ganun? Dati mangungulit yun hanggang mag-simula ang klase? Hala anong ginawa mo..”

”Stop that! Hindi ko alam. Mood swings?”

”Tss. Naku ha, baka mamaya magalit na sayo yan. Pinapahirapan mo yata eh! Hoy, 1 month nang nanliligaw sayo at talagang full-effort yang si Kai. Bigyan mo naman ng konting token of appreciation.”

Sad to say, that’s not what I’m planning to give him.

Pumasok na ulit si Kai ng classroom. I looked down at my notebook. Baka galit nga.. Di ako maka-tingin sa kanya.


I saw his feet in front of me.


Tumingala ako.


“Uy. Sabay ulit tayo mag-lunch ah?” He says, with the same sweet smile.


“O-okay.” Ngumiti rin ako.

Tapos bumalik na si Kai sa upuan niya, kumaway sakin at nag-low pa ng kiss.


Okay, baka nga mood swings lang yun. Hay.


Habang tumatagal, pahirap na nang pahirap ang mga ginagawa ko. Habang napapalapit ako sa mga taong ’to.. Mas lalo akong nagi-guilty.

Akala nila, ako si Sephie. Siguro kapag nalaman nilang niloloko ko sila, they would curse me to death.


Sephie, help me..


Lipad na naman ang isip ko habang nagk-klase kami. I’m thinking of what would happen later.


Paano kapag nakahalata na pala si Kai? Then sasabihin niya mamayang lunch? I’m sure the bike has some sentimental value for Sephie and Kai.. Then sasabihin kong naka-limutan ko?

And lunch time came.

“Tara ganda. Pinag-luto ulit kita.” Kai takes my hand and we walked. Yes, hinahayaan ko siya. Naisip ko na, it’ll help him feel more comfortable with me. Para hindi siya mag-duda.


“Alam mo, nagsisisi talaga ako sa ginawa ko..” he speaks. “Kanina, nagtampo ako. Kasi naka-limutan mo na yung bike, eh yun kaya ang una kong gift sayo nung unang anniversarry natin. Pero siguro nga, nasaktan kita ng sobra, kaya nakalimutan mo pati yun.”

”Sorry..” Was all I could say.


”It’s okay. I’m just thankful you didn’t forget about me.”

I bit my lower lip. Lies. Lies. Lies.


Naglatag ulit siya ng mat, tapos nag-simula na kaming kumain.


Tahimik lang kami. Nung naligpit na namin yung food, umupo lang kami nang tahimik.

”I love you.” He says. ‘Di na ‘ko nagugulat. Sanay na ako na bigla-bigla na lang siyang magsa-sabi nun.


”I know.” He chuckled.

”Haha. Buti hindi ka naririndi sa’kin.”

”Sanay na rin ako.” Sumandal ako sa puno, humiga siya sa lap ko.


It’s weird, right? I’m up for revenge, but what am I doing? Letting my most hated guy use my lap as a pillow.


“Kailan mo kaya ako masasagot ng I love you too? Nami-miss ko na kapag sinasabi mo yun eh.” Sabi niya, tinanggal niya yung glasses niya tapos pumikit siya.

Di ko masabi kung saan siya mas gwapo, may glasses o wala.


“’Di ko alam eh. Di ka pa ba nagsa-sawa sa kakaligaw?”

I just wish he could disappear.. O kaya, lumipat sila ng pamilya niya sa malayong-malayong lugar na walang nakaka-alam.. Para hindi ko na siya mahanap.


I’m starting to see him as a friend. And I shouldn’t feel that way.


God knows how much Sephie and I wanted a big brother. At sa ngayon, Yun na yata ang naïf-feel ko kay Kai.

“Alam mo kasi, kapag nagma-mahal ka.. Para kang nasa bangin, naka-kapit sa lubid tapos malapit ka nang mahulog.”

”Huh? Just get over with it!” He giggled.

”Haha. Patience ganda.”

“Sabihin mo na kasi!”


“Kasi, kahit nasasaktan ka na, ayaw mo pa ring bitawan..” He stares at me, then tucks my hair behind my ears. “Parang sa’yo, kahit na medyo sumasakit, tinitiis ko. Ayaw na kitang pakawalan eh.”


He kissed my forehead.


Unconsciously, I found myself smiling.


Kai. Don’t be like that.

You’ll make it too hard for me..

Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon