Step 16: Just let this End

5.6K 125 12
                                    

Kharu's corner:

Hey guuuys and gaaals.
Sorry walang UD kahapooon. Nag-drama pa ako eh. Bwaha!!

Maraming salamat po sa mga nagbibigay ng feedbacks, nagvo-vote at nagbabasa!! Mapa-noisy o silent reader ka man. Mahal kita. ^___^

Godbless!! :3

----> Kai's pic. *Q*

************************************************************************************************************************

Step 16: Just let this end.

Masyadong masakit.


Alam kong sobra ko siyang nasaktan at naapakan ko ang ego niya nung tumakbo ako pagkatapos niya akong tanungin kung pwede niya akong maging girlfriend. I left him hanging in the open air.

Kung tutuusin, dapat akong maging masaya, di ba?


I did it. Mission accomplished. Nasaktan ko siya.. Naparanas ko yung sakit na pumatay sa kapatid ko..



Pero kailangan ba na sobrang masaktan din ako?


Alam kong wala naman ako sa lugar eh.

I’m a piece of my own game. Wala ako dapat maramdaman..


Mahal ko siya.. Pero hindi niya naman talaga ako mahal eh. Mahal niya lang ako dahil nakikita niya sa’kin si Sephie.


Hinding-hindi ko mapapalitan si Sephie.


Somehow, nakaramdam ako ng inggit kay Sephie.. For the first time. First love ko yung last love niya. GREAT.


Yung first love ko pa yung isang tao na imposibleng maka-tuluyan ko.


Pagka-graduate na pagka-graduate ko, I’ll go home immediately. Go back to my normal life.. Live happily and peacefully.. And maybe find someone to love..


Kahit na parang imposible nang maibalik lahat sa dati.


Malalaman pa kaya nila ang totoo? Sasabihin ko pa ba na hindi naman ako yung Sephie na kilala nila? Baka magalit sila.. Baka nga isumpa pa nila ako eh..


Lalo na si Kai.


Hindi ko na alam ang gagawin ko.. Napaka-simple lang naman ng plano ko nung una ah? Bakit naging ganito?


Habang nagi-isip ako, may nag-text sa’kin.


                   From: Kai Canzares

                             Usap tayo bukas.

 

Para saan pa, Kai? Hindi pa ba sapat sayo yung ginawa ko? Ayaw na kitang saktan...


Ayaw na kitang mahalin.. Please lang..


I can’t avoid him at school.. Classmate ko siya! Hindi rin ako pwedeng umabsent kasi maraming inaayos ang SSC.

Ano kayang pagu-usapan namin?


Aminin ko na kaya sa kanya?



What am I thinking? UGH! Gulong-gulo na ko. Help me Sephie..

Ayoko na talaga.. Feeling ko masisiraan na ako ng ulo..


Kung pwede lang sanang takasan lahat ng problema..

Tumunpog yung laptop ko..

Naka-online kasi ako mail. Makikipag-webcam sina Mommy!! Geez, Badly needed!

Inaccept ko kaagad.

”HI BABY!! Kumusta ka dyan??” Bungad ni Mommy. Gosh, miss na miss ko na siya!

”Mom, I’m getting tired..”

“Of what Sweetie? Di ba gustong-gusto mo yan?”


YEAH. Kagustuhan ko naman ‘to eh. Kung alam lang nila ang pinagda-daanan ko..

“Do you want to go home now?” Dad asks.


Uuwi na ba ako? As in ngayon?


“If you’re really not feeling comfortable there, just call us. We’ll send you your tickets.. Think about it. We miss you. Take care, okay? I and your Mom still have a meeting to catch. We love you!!” Kumaway sila tapos nawala na.



Isang tawag lang at matatapos na ang lahat..


Alam ko na. Papasok ako bukas, tapos makikipag-usap ako kay Kai.


Tutal, ilang months na lang naman at matatapos na ang school year.. Pwede pa akong tumuloy ng paga-aral sa States..


Aaminin ko na lahat. For sure sasabihin niya na nasaktan ko siya masyado. Sasaktan ko pa siya, tapos tatakas na naman ako..

Mas okay na yung walang umaasa sa’ming dalawa.

Wala naman kasi kaming patutunguhan.

Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon