Step 19: Odds.

5.2K 110 8
                                    

Kharu's corner:

Nakakahiya naman. T__T


Sabiko kagabi, dalawa ang UDs ko ngayon. Pero seriously, totoo pala na kasasaid din ang isip. Huhu. Pinagi-isipan ko po yung next UD ko, kung paano ko ip-portray sa story. Ay grabe. Haha!! Sorry po kung ito lang ang nakayanan ko ngayon. Maikli lang tapos iisa. Sorry talaga.. Sorry huhu..

Hindi rin naman po kasi kahabaan ang FFM, baka nga umabot lang 'to ng 30 chaps. or less. Settled na kasi ang plot nito nung una pa lang.

Ulit, sorry po. Huhu.Depressed pa ako kasi nawawala yung tshirt na isusuot ko bukas. Patay ako nito. T__T Godbless!
************************************************************************************************************************

Step 19: Odds.

 

 

Nasasanay na ako sa buhay may boyfriend. Yung hindi masasabing malamig ang Valentine’s mo. HAHA!


Dati naman wala lang talaga sa’kin ang Valentine’s, pero ngayon napaka-special na.


1 week na lang, Feb. 14 na.

Tapos a week after Valentine’s eh yung birthday ni James. Pupunta kaya ako? Ang rude naman kung hindi, mabuti naman yung approach niya.


Isasama ko na lang si Kai para sigurado. Kung gusto niya lang, kasi baka marami namang taga-school na pupunta. Wala naman sigurong binabalak na hindi maganda si James.


Naglalakad ako sa corridor, bibili ako ng bond paper. Ngayon pa naubusan!


OH SHOOT. Naiwan ko wallet ko!


Sabi nga pala ni Kai susunod siya. Siguro nasa room pa siya.


I called Kai. Papadala ko na lang. Haaay. Makakalimutin na ’ko..


”Hello, Kai?” Ang bilis niya sumagot! Haha!

”Yes labs?” :”>

”Nasa room ka pa?”

”Paalis na. Bakit, miss mo na kaagad ako? OA ka ha..”

”HE! Naiwan ko wallet ko.. Pwede paki-dala?”

”Ah, sure. Antayin mo na ako, sabay na tayo.”

”Mmkay. See you!”

”Oks. I love you.” *dial tone*

Can you blame me kung palagi akong kinikilig? Haha!


Sumandal ako sa pader malapit sa girl’s CR.


”HAH. I pity Kai. Ina-alila mo lang siya.” Haaaay. Si Nadine!

”Hindi ko siya ina-alila!!”

”OH YEAH? Wallet lang hindi mo pa mabalikan?” Seriously, what’s her problem?

“Alam mo yung nakiki-suyo? Tsaka, bakit ba galit ka? I’m his girlfriend. Walang masama. On the way naman kaya pinadala ko na!”

“Tss. Ina-abuso mo siya! Alam mo lang na masyado ka niyang mahal kaya ginaganyan mo siya??”


“Wait Nadine, ayoko ng away. Please, tama na. Wala namang patutunguhan ‘to eh! Ni hindi ko alam kung bakit sobra ang galit mo sa’kin!”


”Sige lang, magpaka-inosente ka! Akala mo kung sino kang anghel at malinis? You dirty sl*t!!” Then lumabas na siya ng CR.


A-ano daw? Sumosobra na siya ah?


Natulala ako. Ano bang ginawa ko?



”Hey.. wag mo nang intindihin yun..” Niyakap niya ako.

”Kai.. Ganun ba talaga ako? Ina-alila ba kita?”

”Sssh! Ano ka ba, wag mo ngang intindihin yung si Nadine. Alam mo naman ang mga aso, tahol ng tahol kapag hindi nila kilala ang tao.” He grins.

”Haha! Bad ka..”

”Haha, date na lang tayo sa weekend.”


Yun lang ang weird kapag nagmamahal ka.


One moment you’re in pain, and when he hugs you, everything fades away.



Parang kayo na lang dalawa sa mundo.


Kaso, mukhang hindi lahat boto saming dalawa..


Nandito na ako eh..


I promise to fight for him, despite all the odds.

Fall For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon