Noong Ika'y hindi pa nakikita,
ang buhay ko'y walang kulay, walang sigla.
Hungkag ang ngiti kahit na masaya,
kasama ang aking buong barkada
Subalit nang ika'y makilala, buhay ko'y nag-iba.
Ang lungkot na nakabalot, nahalinhan ng saya.
paligid sa aki'y tila nag iba,
nagkulay luntian sa kisig mo, sinta.
Ngunit ako'y may malaking pangamba.
Rosas kang Matingkad, balana'y nahahalina
darating ang araw, maaaring mapitas ka
mula sa kamay kong aba.
Tinik mong maiiwan, susugat sa akin.
Pagmamahal na inukol mandin ay napa-param
walang magagawa, 'pagkat sadyang ganyan
ang iyong pang-akit, 'di pasusubalian
Kapag nagkaganoon isa lang ang hiling
'yong Kaligayahan turing
sa pagraan ng panahon huwag mong ipagwalang bahala
pinagsamahang napalala..
-MissssMinchin
![](https://img.wattpad.com/cover/86186568-288-k760257.jpg)
YOU ARE READING
A Little Poetry
Poetry"Every heart sings a song, incomplete, until another heart whispers back. Those who wish to sing always find a song. At the touch of a lover, everyone becomes a poet."