Daluyong sa Dalampasigan

23 1 0
                                    



Isang taon ang lumipas

nang mag-umpisa ang paglagaslas

ang paglalakbay ay namalas


malayang agos ang nagbigkas

Sisimulan ang bagong kabanata

sa tulong ng sagwan at balsa

makikipagsapalaran gamit ang tinta

maglalayag sa kabila ng mga banta

malalaking alon ang alaala ng nakaraan

sumuong sa hamon ang panahong nagdaan

Sa papel nagpamalas ng kagalingan

kasabay ng pagyugyog ng balsang sinasakyan

Hanggang sa Katapusan di titigil sa pag-uulat

mananatiling mga mata'y bukas mga tainga'y mulat

susuriin ang bawat paggalaw ng dagat

taimtim na maghihintay sa araw na sisikat

Patuloy akong magbabantay mag aabang

sa tabing dagat pagmamasdan ang karagatan

ang kapwa manlalakbay aming gagabayan

magiging ilaw hanggang sa marating nila ang dalampasigan



A Little PoetryWhere stories live. Discover now