Chapter 1
The start
"KARA! Matagal ka pa ba diyan? Dalian mo at baka malate kayo ng ate mo ng dahil sa’yo.” Narinig kong sabi ni Mama sa labas ng kwarto. Napairap na lang ako. Alam ko naman na baka malate kami. Pero bakit si Ate lang? Sabagay, lagi naman ganun.
“Pababa na po.” Sabi ko. Kinuha ko iyong shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.
Ngayon ang first day namin sa bago naming school. Yes, bago. Lumipat kasi kami ng bahay kaya kailangan rin namin lumipat ng school.
Kung tutuusin nga ay mas gusto ko doon sa dati naming school. Kung pupwede lang ay wag na akong lumipat. Kaso ano bang magagawa ko? Sino ba ako para tumutol sa mga desisyon ng mga magulang ko?
Nang makababa na ako, nakita ko sila na masayang kumakain. I smiled bitterly. Hindi man lang nila ako hinintay? Ganoon naman sila lagi, Kara. Hindi ka pa nasanay.
"Good morning, princess!" Bati sakin ni Kuya Karlo. Tatlo kaming magkakapatid. Panganay si Kuya Karlo, tapos si Ate Karina at ako ang bunso. Ngumiti ako kay kuya at hinalikan siya sa pisngi. Umupo ako sa tabi niya.
"Good morning sis." Bati naman sa akin ni Ate Ina. Tumayo siya para puntahan ako sa kinauupuan ko. Hinug niya ako at hinalikan sa pisngi. I smiled fakely. Ang totoo niyan, mabait naman talaga si Ate Ina. Ako lang talaga siguro yung may problema.
Kasi sino ba naman ako?
Si ate Ina, siya iyong sikat, matalino, maputi, talented. O kaya sabihin na nating, ‘nasa kanya na ang lahat’. Ganon siya kaya lahat ng tao ay mahal na mahal siya. That’s why I envy her. Envy, mabigat na kasalanan iyon. Pero ano ba ang magagawa ko? Iyon talaga ang nararamdaman ko. Ako lang naman kasi si Kara Evans, ang kabaliktaran ng ate ko.
"Oo nga pala, Kara.” Sabi ni Mama kaya napatingin ako sa kanya.
“May party next Saturday at hindi makakasama ang ate mo sakin dahil may pupuntahan siya sa araw na yun. Kaya ikaw ang sasama sakin." Dagdag niya pa.
Tumango na lang ako. Wala naman kasi akong magagawa eh. Hindi makakasama si ate Ina kaya ako ang isasama,
Nakikita lang naman nila ako pag may kailangan sila.
Nang matapos akong kumain, tumayo na ako at inayos ang salamin ko. Hindi naman talaga malabo yung mata ko eh. Eto rin ang ayaw sakin ni mama, ang nerd ko daw kasi masyado. Hindi daw ako gumaya sa ate ko na fashionista.
Napapailing na lang ako pag naaalala ko ang mga sinasabi niya. Bakit ba hindi nila makita kung ano ako?
--
Napatingin ako sa bintana. Ang ganda ganda ng bago naming school. Mas malaki ito kumpara dun sa dati naming school.
"Sis, sorry ha?" Napalingon ako kay Ate Ina.
Tinignan ko lang siya at hindi ako umimik. Nakita ko namang sumulyap sa amin si kuya Karlo na nasa unahan ng sasakyan. Napabuntong hininga ako at bumaba na agad ako ng kotse. Hindi na ako nagpaalam kela kuya.
Narinig ko pa ang tawag sa akin ni Ate Ina. Si kuya Karlo naman ay agad akong nasundan.
“Kara..” Mahinang sabi ni kuya. Hindi ko siya pinansin at lumakad ulit.
Sa totoo lang, ayokong makinig sa mga sasabihin nila. Alam ko nanaman yun eh. Na pagpasenyahan ko na lang daw si Mama. Na intindihin ko na lang daw. Heck, iniintindi ko naman eh. Pero hindi ko maiwasan na itanong sa sarili ko kung bakit isa lang akong..... isa lang akong..... back-up plan.
_________________________________
Twitter: @hdibwattpad
BINABASA MO ANG
The Back-up Plan
Teen FictionLahat ng tao, may kanya kanyang kwento. Yung iba, mga patapon na ang buhay. Yung iba naman, happy-go-lucky lang. May mga emo at broken hearted. Pero ibahin niyo ang akin. Isa akong back-up plan. Isang second choice. Never magiging una, laging pangal...