This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way.
--
PROLOGUE
Naranasan niyo na bang maging second choice?
Yung ikaw ang sumama sa kaibigan mo sa mall dahil wala yung dapat niyang kasama sa araw na yun.
Yung kailangan mong tumulong kahit hindi naman dapat, dahil wala yung naatasan para gumawa nun.
Yung hindi mo naman gusto gawin pero kailangan dahil ikaw ang napiili na maging kapalit nung umabsent na kaklase mo.
Kasi ako, oo.
Sa pamilya ko, ako yung bunso, yung second choice. Lagi na lang sila, "Yung ate mo...." ganito/ganyan.
Sa loob ng classroom, ako yung Vice President. Pag wala yung president, dun lang ako nakikita. Second choice nanaman.
Lagi na lang. Lagi na lang ako yung back-up plan, yung second choice, yung invisible. Pero tignan mo nga naman. Mukang nananadya talaga ang tadhana.
Pati ba naman sa taong mahal ko, isa rin akong second choice? Damn.
Parang lahat ng tao, ang tingin sakin ay isang hamak na back-up plan lang.
Isang second choice. Never magiging pang-una, laging pangalawa.
"You choose. Me or her." Mariing tanong ko sa kanya.
"I can't do that!"
Ako si Kara.... at ito ang kwento ko.
BINABASA MO ANG
The Back-up Plan
Roman pour AdolescentsLahat ng tao, may kanya kanyang kwento. Yung iba, mga patapon na ang buhay. Yung iba naman, happy-go-lucky lang. May mga emo at broken hearted. Pero ibahin niyo ang akin. Isa akong back-up plan. Isang second choice. Never magiging una, laging pangal...