Chapter 8

2.9K 114 6
                                    

Chapter 8
Get lost

Kitang kita sa mga mata niya ang sakit dahil sa sinabi ko. Ganun pa man, nagawa niya pa ring ngumiti.

"Miss na miss kita, kung alam mo lang." Mahinang sabi ni Samuel.

Samuel Carter, the former drummer of Hangover.

Walang masyadong nagbago sa itsura niya, mas tumangkad lang siya lalo at lumaki rin ang katawan niya.

"Edi maganda." Sagot ko at umalis sa harap niya.

Tahimik lang sila Kuya nang dumaan ako sa harap nila. Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa pool side namin.

Bakit ba bumalik pa siya? Its been 3 years. Tatlong taon na ang nakalipas simula nang mang iwan siya sa ere. Tatlong taon na walang ni ha ni ho sa kanya.

Tatlong taon na naghintay ako sa wala.

Grade 6 pa lang ako noon at nasaksihan ko na ang passion ni Kuya sa pagdadrums. Tapos isang araw ay nagdala siya ng mga kaibigan niya doon sa bahay, sasali daw sila sa Battle of the Bands ng school namin. Tatlong taon ang tanda ni Kuya Karlo sa akin, third year sila noon nang mabuo ang Hangover.

Si kuya Lyndon ang pinakapaborito ko sa kanilang lima. Bukod kasi sa napakaganda ng boses niya ay gwapo rin siya. Ang iba pang miyembro ay sina kuya Nate; ang bassist, kuya Joshua; lead guitarist. Lahat sila ay ang turing sa akin ay little sister.

Except Samuel.

Simula nang tumuntong si Samuel sa bahay namin noon ay alam ko na agad ang ibig sabihin ng mga tingin niya sa akin. Bata pa ako noon pero alam ko na ang mga bagay bagay.

"Hello." Sabi nito at lumapit sa akin.

"Hi." Sabi ko at ngumiti.

"Ikaw yung bunso, hindi ba? Ako pala si Samuel." Pakilala niya.

Tumango ako. "Hi kuya Samuel! Ako po si Kara."

Kumunot ang noo niya nang tawagin ko siyang 'Kuya'. Parang nagalit siya. Sa tingin ko naman, walang masama doon dahil third year na siya.

"Wag mo akong tawagin na Kuya." Mariing sabi nito kaya napatango ulit ako.

Naging malapit kami sa isa't isa ni Samuel. Sa tuwing pumupunta sila sa bahay para magpractice, lagi siyang may dala para sa akin. Alam ni Kuya Karlo lahat ng ginagawa ni Samuel para sakin. Sa tingin ko ay okay lang naman sa kanya iyon, sabagay kaibigan niya eh.

Lumipas ang isang taon. Grade 7 na ako at oo, inaamin ko, nakakagusto na talaga ako kay Samuel. Grade 10 naman sila Kuya.

"Mahal kita." Seryosong sabi sa akin ni Samuel.

Tapos na silang magpractice 'nong araw na iyon. Kaya nasa labas lang kami at nagpapahangin.

"Alam mong hindi pa pwede, di ba?" Ngumiti ako sa kanya.

Oo, pinapayagan siya ni Kuya sa mga ginagawa niya. Pero, he knows his limitations. At tsaka, bata pa ako at talagang magagalit sa akin sina Mama.

Tumango siya at ngumiti ng malungkot.

"Oo pero hihintayin kita." Sabi niya. "Kahit anong mangyari, hihintayin kita. Pangako yun."

Napapikit ako at napahinto sa paglakad.

Hihintayin niya daw ako, pero siya mismo yung nangiwan.

"Baby..."

Dumilat ako at humarap sa kanya. Alam kong susundan niya ako. Mariin ko siyang tinignan.

"I'm not your baby." Malamig na sabi ko.

Iyon ang tawag niya sa akin dati. Dahil nga sa mas matanda siya sa akin, lagi niya akong bine-baby.

"You're still my baby." Sabi niya at hinuhuli ang tingin ko.

Matapang ko siyang tinignan sa mga mata niya.

"Why did you come back?"

"Kasi may babalikan pa ako." Mahinang sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Babalikan? Pagkatapos mong mangiwan sa ere, sa tingin mo ba, may babalikan ka pa?!" Humakbang ako papalapit sa kanya. "Sabi mo, hihintayin mo ako! Sabi mo!"

"Pero isang araw, nagising na lang ako na wala ka na! Na kahit isang email, text, tawag o kahit ano, wala! Kahit isa lang, wala akong natanggap." Tinulak ko siya. Hindi siya umimik.

"Hinintay kita, alam mo ba yun? Bawat araw na lumipas, hinihintay ko na magmemessage ka. Pero, wala eh. Alam mo yung masakit pa dun? Nagawa mong imessage yung mga kaibigan mo. Pero ako, wala! Wala, Samuel! Tapos ay pagkatapos ng dalawang taon, mababalitaan ko kila kuya Lyndon na may girlfriend ka na. Ang galing no? Hindi ka lang nangiwan sa ere, e. Sinira mo pa iyong pangako mo na hihintayin mo ko!

"Sinira mo lahat, Samuel. Pati ako, sinira mo! I was so young back then! So young but you chose to break my heart."

Tinignan ko siya mga mata niya. Bakas na bakas doon ang panghihinayang. But I don't care.

"Kara." Paos na sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Tinabig ko ang kamay niya.

Nakita kong may lumandas na luha sa mga mata niya. Napaismid na lang ako. Cry all you want but I won't cry for you.

"Kara, patawarin mo ako.." Hinang hina na sabi niya.

Mariin akong umiling at tinabig siya sa daan.

"Get lost, Samuel."

Hindi ako dumiretso sa loob ng bagay. Nandoon pa ang mga kabanda nila Kuya at alam ko na ang mga sasabihin nila sa akin. Naglakad ako papuntang gate at agad akong pinagbuksan ng guard.

Ganon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko si Jace sa loob ng kotse niya at parang may tinitignan sa bahay namin.

Nagkunwari akong umubo para makuha ang atensyon niya.

Nanlaki ang mata niya at nagpanic siya. Parang may hinahanap siya na kung ano.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Parang natauhan siya sa sinabi ko. Tumigil siya sa ginagawa niya at umupo ng tuwid. Tumingin siya sa akin na nakapoker face. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Binibisita ka." Sabi niya.

"Talaga?" Hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Kasi kung bibisita siya sa amin ay kanina niya pa ako tinawagan. Pero mukhang kanina pa siya diyan sa labas at nakatingin sa kawalan.

Narinig ko ang pagbukas ng gate namin. Narinig ko agad ang ingay nila kuya Lyndon. Umirap ako. No choice.

Mabuti na lang at maayos ayos iyong suot ko. Naka-white tshirt, maong shorts at tsinelas lang ako, pero okay naman na siguro to. Bahala na kung saan ako dalhin nitong si Jace.

Lumapit ako sa kotse ni Jace at hinawakan ang pinto. Hindi nakalock huh? Agad akong sumakay sa passenger seat at nilagay ang seatbelt ko. Tumingin ako sa kanya at nakanga nga pa siya.

"Ano pa tinutunganga mo diyan? Magdrive ka na." Utos ko sa kanya.

Hindi nakasara ang mga bintana ni Jace kaya nakita ako nila kuya sa loob ng kotse niya. Nakita ko pa si Samuel na matalim ang tingin kay Jace. Umirap na lang ako.

Nagsimula na paandarin ni Jace ang sasakyan niya ngunit narinig ko pa ang sigaw ni kuya Karlo bago magsara ang mga bintana ng kotse ni Jace.

"Kara! Saan ka pupunta?!" I sighed. Wala din naman kayong pakielam kung saan man ako pumunta.

Tumingin ako kay Jace na walang kaimik imik. Sinulyapan niya ako sandali at umigting ang panga niya.

"Damn, girl." Bulong niya.

The Back-up PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon