Chapter 4
Stranger
Hindi kami agad bumaba nang makarating kami sa Shangrila Hotel, kung saan gaganapin ang party.
“Hindi mo ba tatanggalin iyang salamin mo?” Napalingon ako kay Mama nang magsalita siya.
Diretso siyang nakatingin sa harap ng kotse.
“Hindi na po siguro.” Sabi ko at umiwas ng tingin.
“Bahala ka.” Sabi ni Mama at lumabas ng kotse.
Huminga ako ng malalim at sumunod sa kanya. Inilibot ko ang tingin ko. Napansin ko si Zach doon sa table na medyo malayo sa amin. Nakatagilid siya at seryosong nakikipagusap doon sa lalaki na katabi niya. Kung nandito siya ay siguro nandito rin si Stella? O kaya si Lizzy?
Nagpaalam ako kay Mama na aalis muna, hindi naman niya ako pinansin dahil busy siyang makipagusap doon sa kasosyoso namin sa negosyo.
Kuminang ang mata ko ng makakita ako ng chocolate fountain. Lalapit na sana ako nang biglang may humarang sa harap ko. Naramdaman niya sigurong may nakatingin na masama sa kanya kaya humarap siya sa akin.
Nagulat ako nang makita ang mukha niya, pero hindi ko iyon pinahalata. Ang gwapo niya. Nakasuot siya ng black leather jacket at sa loob nito ay puting polo.
Pero mukhang mayabang. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang ngisi sa labi niya.
“Excuse me.” Sabi ko at hinawi siya sa daan.
Nawala iyong ngisi niya sa labi dahil sa ginawa ko. Hindi ko na lang siya pinansin at binaling ko na ang atensyon ko sa pagkain.
Napahawak ako sa baba ko. I bit my lower lip. Ano kaya dito ang masarap kainin? Ang hirap naman pumili. May nagabot sa akin ng plate kaya kinuha ko ito. Ibibigay ko sana iyong plate doon sa waiter na nagbibigay ng pagkain ngunit napahinto ako nang may tumikhim sa gilid ko.
“Hindi ka man lang ba magte-thank you?” Sabi nito. Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
Siya iyong humarang sa akin kanina. Bakit ba hindi pa siya umaalis?
“Para saan?” Masungit kong sagot.
Bakit ba lagi na lang may humahadlang pag kakain na ako? Nakakainis lang ha.
“Ako kaya iyong nagbigay sa iyo ng plate.” Sumimangot pa siya lalo.
“Edi thank you.” Sarkastikong sabi ko.
Binaling ko iyong atensyon ko doon sa waiter at tuluyan ko nang ibinigay iyong plate ko. Tinuro ko iyong mga pagkain na gusto ko. Ngumiti ako nang ibalik niya na ‘to sakin, ngumiti din iyong waiter.
Nakakita ako ng bakanteng table kaya doon ako umupo. Ayoko namang makipagplastikan doon sa mga kausap ni Mama. At mas magiging masaya pa ako kung magisa lang ako. Walang iistorbo sa pagkain ko.
“Talagang kakainin mo yan lahat?” Tinignan ko ng masama iyong nagsalita. Siya nanaman.
Bakit niya ba ako sinundan dito? Ano bang gusto niya?
Inirapan ko siya at nagpatuloy ako sa pagkain. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Wag mo na lang pansinin, Kara. Malamang ay aalis na yan mamaya.
“Ganyan ka ba talaga kumain?” Tanong ulit nito.
Salita siya ng salita pero hindi ko siya sinasagot. Sinabi pa niya na dapat wag akong kumain masyado dahil baka tumaba daw ako.
“Ayaw mo ba makipagusap sa akin?” Nakita ko sa gilid ng mata ko na kumunot ang noo niya at mukhang inis na inis na.
Tama yan. Mainis ka sakin para tantanan mo na ako.
“I don’t talk to strangers.” Alam kong gasgas na iyong linya na ‘yon pero iyon naman talaga ang totoo.
Mas lumapit siya sa akin at naglahad siya ng kamay.
“I’m Jace.” Walang emosyon na sabi niya.
Tinignan ko siya. Hindi na siya ngumisi ngayon at hindi pa rin ako umiimik.
“Nagpakilala na ako! Ano pa bang gusto mo?” Iritang irita na sabi niya. Napahawak siya sa buhok niya at ginulo ito.
Napatingin ako sa mga mata niya at naramdaman ko ang bigat ng titig niya sakin. Napalunok ako at binaling ko ulit iyong atensyon ko sa pagkain.
Ilang sandali ay tumayo na siya. Mabuti naman at aalis na siya. Akala ko ay matatahimik na ang buhay ko pero nagkamali ako. Nanlaki ang mata ko nang hinawakan niya iyong kamay ko at hinila ako patayo.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakakainis naman ‘tong lalaking to! Sinubukan kong pumiglas sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo lang humihigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko.
“Let me go!” Mariing sabi ko. Tumingin lang siya sa akin ng masama.
Bakit niya ba ‘to ginagawa? Sigurado ako na wala akong atraso sa kanya! Ngayon ko pa nga lang nakita ang itsura niya, eh.
Napahinto kami nang biglang mag-dim ang lights. Biglang nagkaron ng slow music. May nagsalita na oras na daw para sa main event, ang pagsayaw. Napairap ako. Uso pa ba yung mga ganito?
Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong higitin papunta doon sa dance floor! Huminto kami sa mismong gitna. Shit. Kami pa lang iyong tao doon kaya pinagtinginan kami ng mga tao. Mabuti na lang at nakita kong busy sa pakikipagusap si Mama kaya hindi niya kami napansin.
Nilagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya. Hinawakan niya ang magbilang bewang ko at mas lalong hinapit papalapit sa kanya. Napakagat labi ako. Hindi ako pwedeng mag-walk out dahil ako lang din ang mapapahiya.
“I can’t dance…” Mahinang sabi ko. Pinigilan ko ang pagkainis sa kanya.
“Oh, I know you can.” Tumingala ako sa kanya at nakataas ang kanyang kilay. “I’m Jace and you are?” Pagpapakilala niya ulit.
“Hindi mo na kailangan malaman ang pangalan ko.” Mariin kong sabi.
“But I want to.” Nakasimangot pa rin na sabi niya. Nagsimula siyang gumalaw kaya ginaya ko na lang siya.
“Ano bang gusto mo? Bakit ba ako ang ginugulo mo?” Nagtama ang mga mata namin pero umiwas agad ako ng tingin. Binaling ko ang atensyon ko sa ibang mga sumasayaw.
“Your beauty caught my attention.”
Napanganga ako sa sinabi niya. Hinawakan niya iyong salamin ko. Hinihintay niya atang pigilan ko siya pero hindi ko yun ginawa.
Tatanggalin na sana niya iyon ng biglang may humila sa akin. Susundan niya sana ako pero may babaeng lumapit sa kanya.
Humarap ako don sa humila sa akin. “Zach!”
__
Twitter: @hdibwattpad
BINABASA MO ANG
The Back-up Plan
Teen FictionLahat ng tao, may kanya kanyang kwento. Yung iba, mga patapon na ang buhay. Yung iba naman, happy-go-lucky lang. May mga emo at broken hearted. Pero ibahin niyo ang akin. Isa akong back-up plan. Isang second choice. Never magiging una, laging pangal...