Chapter 3

3.6K 130 21
                                    

Chapter 3

Realidad

“Princess? Still there?” Natauhan ako ng magsalita si Kuya.

“Uh, yes kuya. May nangyari lang. Ano nga ulit yung sinasabi mo?” Sagot ko.

Napagpasyahan kong dumiretso na sa cafeteria. Nagugutom na rin ako, eh. Dapat ay magpasama ako kela Stella sa paglibot at gusto ko rin sana pumunta doon sa building nila kuya.

“Yayain ka sana namin maglunch. I'm with Karina right now. Break mo rin ngayon, tama ba?”

“May kasabay na kasi ako kuya...” Mahinang sabi ko.

“Ah! Really? Good thing at may bago ka na agad na kaibigan. Kaso sayang lang at hindi ka namin makakasabay.” Halata sa boses ni kuya ang lungkot.

Kahit naman hindi nila ako makasabay, eh magiging masaya pa rin ang lunch nila. They don’t need me.

“Yup. Uhm, next time kuya.” Sabi ko ngunit wala talagang next time na mangyayari.

Inayos ko muna ang salamin ko bago ko binuksan ang pinto sa cafeteria. May mga ilan na tumitig sa akin pagkapasok ko. Hindi ko na lang pinansin.

Inikot ko ang tingin ko at agad kong nakita si Lizzy na kumakaway sakin.

“Sige kuya, ibaba ko na. Nagugutom na rin kasi ako. Ingat kayo, bye.” Mabilis kong binaba iyong tawag dahil alam kong, mangungulit lang iyon si kuya at tatanungin kung nasaan ako.

“Hi!” Bati ko kela Stella nang makalapit ako sa table nila. Hinila naman ako paupo ni Lizzy sa tabi niya.

Lumapit siya sa akin at bumulong. “Nakikita mo ba yang mga lalaki sa kabilang table?” Tumingin ako doon sa tinuro niya at napansin kong nakatingin samin yung mga lalaki na nakaupo doon.

Tumango ako.

“Kanina ka pa nila pinaguusapan! At alam mo ba nong pumasok ka ng cafeteria?” Umiling ako sa tanong niya. "Pinagtitinginan at pinaguusapan ka ng nga students! Haba ng hair mo, girl!" Pinalo niya iyong braso ko at tumawa siya.

Napailing na lang ako. “Baka fan din sila ng Hangover at alam nilang kuya ko iyong drummer doon.”

Tinaasan niya ako ng kilay.

“Ang humble mo naman!” Naningkit ang mga mata ni Lizzy na parang sinusuri ako.  “Ang ganda ganda mo kaya! Kahit may eyeglasses ka pang suot, hindi ka nagmumukhang nerd. Ang smooth pa ng long brown hair mo at ang kinis ng kutis mo!”

Mahina akong tumawa sa sinabi niya. Baka pag makita niya ang ate ko ay makalimutan niya ‘yang mga sinabi niya tungkol sakin.

Nagpaalam ako sa kanila na bibili muna ako ng pagkain ko. Sinamahan ako ni Stella at pumila kami. Nang malapit na kami sa counter ay may biglang sumingit na babae sa harap namin. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Ewan ko kung bulag ka, pero miss, nakapila kami.” Sabi ko at tinuro ang iba pang nakapila. Hindi naman ako maldita pero kasi, mali ang ginawa niya. At gutom na ako kaya wag niya ako iniinis.

Narinig ko ang mga bulungan ng ibang estudyante dahil doon sa sinabi ko. Si Stella naman ay hinawakan ako sa braso.

“Wag mo ng patulan...” Bulong niya sakin. Hindi ko siya pinansin.

Tumingin sa amin yung babae at nagtaas din siya ng kilay sa akin. “Hindi mo ata ako kilala, miss?”

Napa-cross arms ako at sumimangot.

“Ay, alam ko na to eh. Hmm... Ikaw yung may ari ng school?” Sabi ko.

Mukhang nainis siya sa sinabi ko at pinanlakihan niya ako ng mata.

The Back-up PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon