Chapter 2

4.5K 132 13
                                    

First of all, iniba ko yung pangalan ng mga bida dito. Kaya wag na kayo magtataka, hehe. :) Check niyo na lang yung Chapter 1 para di kayo malito. Thank you! :)

Enjoy! 

---

 Chapter 2 

New friends? 

Tahimik akong naglalakad sa corridor ng bagong school namin. Ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta. Paano ba to? Bakit pa kasi kailangan lumipat ng school, eh? Sana iniwan na lang nila ako sa dati naming bahay. Tutal wala naman silang paki sa akin. 

Nilabas ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Kuya. Habang hinihintay kong sumagot si kuya, biglang may bumangga sa akin kaya nabitawan ko yung mga papel na hawak ko. Naramdaman ko naman na napatingin samin yung mga tao na nakatambay sa corridor. I sighed. Ganito ba talaga sila dito? 

Pinatay ko muna iyong tawag at yumuko ako para kuhanin ang mga papel na iyon, ganon din ang ginawa nung nakabangga sa akin.

Inayos ko muna iyong salamin ko at napatingala ako sa bumangga sa akin. Isang maputing babae na may kulot kulot sa dulo ang buhok. Hindi siya mapayat at di rin siya mataba, tama lang. Tumingin siya sa akin at nagsmile bago siya lumuhod para kuhanin ang mga papel na kumalat. I did the same thing. 

Binigay niya sa akin ang mga nakuha niyang papel at tinanggap ko naman ito. Inayos ko ulit ang salamin ko bago ngumiti ako ng pilit sa kanya. Alright, hindi ako friendly. Mas gusto ko pang magisa kesa mapalibutan ng mga pekeng kaibigan. 

"Thanks." Mahinang sabi ko at nagsimula ng maglakad palayo. 

Nagulat ako ng bigla siyang tumabi sa akin at sumabay sa paglakad.

"Bago ka dito no?" Sabi niya habang nakangiti pa rin. Hindi ba siya napapagod ngumiti?

Tumango lang ako bilang sagot. Ayoko makipagusap sa ibang tao. Lalong lalo na sa hindi ko naman kakilala.

Napansin kong tumitingin sa amin yung mga estudyante pag nadadaanan namin sila. Napa-irap na lang ako sa isip ko. Alam ko namang hindi ako yung tinitignan nila eh. Yung katabi ko. Maganda kasi siya at bagay na bagay sa kanya iyong mahabang kulot na buhok niya.

"Hmm, kaya pala. Teka, alam mo na ba kung saan yung section mo?" Tanong niya ulit. Umiling lang ako. Sana naman malaman niya na ayaw ko ng kausap. 

"Edi kung ganun! Sasamahan kita!" Masayang sabi niya at hinawakan ang braso ko. Napabuntong hininga na lang ako. Magtitiis na lang muna ako..

Tinanong niya sa akin kung anong room ko. Hindi ko siya sinagot dahil tinatamad ako magsalita. Binigay ko na lang yung schedule ko sa kanya. At kung minamalas ka nga naman.. Kaklase ko siya.

Siguro naman hindi makakasama sa akin kung magkaron ako ng isang kaibigan dito? 

Nang makarating kami sa classroom na sinasabi niya kanina, nauna siyang pumasok sa akin.  Agad naman siyang pinagtinginan ng mga tao sa loob, na sa tingin ko ay mga kaklase namin.

Lumapit siya doon sa isang lalaki at babae na magkaakbay.

“Hi Stella!” Bati ‘nong lalaki. Ngumiti naman sa kanya iyong babae at tumayo ito para makipagbeso sa kanya.

“Oh! Sino itong magandang dilag na kasama mo?” Ngumisi iyong lalaki. Tinignan ako nung kasama niyang babae mula ulo hanggang paa. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit hindi niya iyon napansin.

Bumaling sa akin si Stella.

“Oo nga pala, may bago akong kaibigan!” Masayang saad niya. “Ay, ano nga ulit pangalan mo?”

Napailing na lang ako. Ipapakilala niya ako pero hindi niya pa alam iyong pangalan ko. At magkaibigan daw kami?

“Kara Evans.”

Parang nagulat sila sa sinabi ko. Nagtinginan silang tatlo. Ah, alam ko na kung anong nasa isip nila..

Nanlaki ang mata ni Stella at hinawakan ako sa balikat. “Hala! Ikaw ba iyong kapatid ni Karlo Evans?! Iyong sikat na drummer ng bandang Hangover!”

Napatango na lang ako. Ang sinasabi niya ay iyong banda na kasali si kuya. Sikat na sikat sila sa dati naming school at hindi ko naman alam na pati dito sa Red River University. Well, oo nga at nag-guest na sila sa isang sikat na morning show pero… Ah, basta isang beses lang naman yun eh. At bakit parang sikat na sikat na sila?

“OMG! Talaga?! Ako nga pala si Lizzy! Fan na fan ako ng Hangover!” Agad na lumapit sa akin iyong kaibigang babae ni Stella. Kuminang ang mga mata niya ng sabihin niya ang salitang Hangover.

Lumapit rin sa akin iyong lalaki at nahihiya kumamot siya sa batok niya. Naglahad siya ng kamay sakin.

“Ah, ako nga pala si Zachary Lennon. Zach na lang.” Ngumisi siya at pinasadahan ang buhok gamit ang kanyang kamay.

Nakipag-kamay ako sa kanya at tumango. “Kara.”

Pagtapos non ay umupo kami ni Stella sa likod nila Zach. Hindi pa dumadating iyong teacher namin kaya panay ang daldal ni Lizzy. Kwento siya ng kwento tungkol sa Hangover. Kung gaano daw kagwapo ni Lyndon, iyong vocalist ng Hangover. Wala naman akong pakielam, at isa pa, lagi ko silang nakikita dahil na rin doon sila sa bahay namin nagpapractice.

Si Stella naman ay nagkekwento tungkol kay Ayden, iyong isa pang drummer ng Hangover.

“Eh, ikaw ba? Sino sa kanila iyong gusto mo?” Umirap ako sa tanong ni Lizzy.

“Wala.”

Napasinghap sila sa sinabi ko. “Ha?! Wala?! Bulag ka ba, teh?! Eh ang gagwapo nung mga yun!” Sabi ni Stella.

Hindi na lang ako umimik. Hindi naman ako mahilig sa mga banda banda na yan, eh. Lalo namang hindi ako magkakagusto sa mga yun, ang turing ko sa mga yon ay parang kuya ko na.

Dumating iyong teacher namin kaya natahimik na rin sina Stella. Naging mabilis lang iyong oras lalo na’t wala naman kaming masyadong ginawa dahil unang araw pa lang naman ng klase. Lunch namin ng mapagpasyahan ko na humiwalay muna kela Stella. Sinabi ko na gusto ko munang maglibot magisa para naman maging pamilyar ako sa Red River University.

“So, paano? Kita na lang tayo sa cafeteria?” Tanong ni Zach. Umoo ako at nagpaalam na sa kanila. Alam ko naman na kung saan iyong cafeteria dahil dinala nila ako doon nung recess namin.

Tinignan ko ang bawat building na madaanan ko. Alam ko namang hindi pa ako umaabot doon sa mga building ng mga college students dahil ang mga nakikita kong estudyante ay kapareha ng suot kong uniform.

Sa totoo lang, mas maganda ang bago naming school kesa sa dati. Mas malaki at mas malinis. Nabasa ko rin sa isang article na sikat na sikat ang Red River University at may mga artistang nageenroll dito.

Napatalon ako sa gulat nang biglang magring ang phone ko. Kinuha ko ito at agad inaccept ang tawag.

“Hello princess!” Maligayang sabi ni Kuya sa kabilang linya.

“Kuya… Bakit?”

“Gusto sana kitang yayain na—” Hindi ko natapos pakinggan iyong sinabi ni kuya dahil sa pangalawang pagkakataon, nakabunggo nanaman ako.

Napahawak ako sa ilong ko. Tumama kasi iyong ilong ko sa likod ng isang tao. “Aw…” Mahinang bulong ko.

Napaharap sa akin iyong nabunggo ko. Unti unti akong tumingala. Nakasuot siya ng uniform na katulad ng suot nila kuya. Sigurado ay college student siya. Mukhang nagulat siya nang makita niya ako.

Kumunot iyong noo ko. Base sa mukha niya ay parang kilala niya ako, pero hindi ko siya kilala.

“A—ahmm…” Nauutal na sabi niya.

“Ay, sorry po.” Sabi ko at tumalikod na sa kanya. Nagsimula ako maglakad palayo nang marinig ko ulit iyong boses niya.

“Te—teka lang!” Sigaw niya.

Nagkibit-balikat na lang ako at hindi ko siya pinansin.

Malamang ay isa iyon sa mga nagkakagusto kay ate Karina. Syempre ay model iyon si ate kaya paniguradong marami ang nakakilala sa kanya dito. At alam ko naman ang intensyon ng mga ganung lalaki, siguradong gagamitin lang nila ako para mapalapit sa ate ko.

The Back-up PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon