II. Meet Tatang

7 0 0
                                    

You may not always have a comfortable life and you will not always be able to solve all of the world's problems at once but don't ever underestimate the importance you can have because history has shown us that courage can be contagious and hope can take on a life of its own.-Michelle Obama

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone, ito na lang ang tanging mahalagang bagay na nagpapaalala sakin na malapit lang ako sa kanila. Sa aking pamilya.

Pinindot ko ang answer button at ni- Loud speaker, Baka kapag hindi ko ginawa mabingi na lang ako, kawawa naman yung anak ko.

"Hel-"

"Late ka na naman?!  Asan ka na ba?  Kanina pa kami naghihintay dito!  Andami ng costumer,  Labinlimang minuto kapag wala ka pa dito!  Tatanggalin na kita" Sabi sakin ng aking butihing amo. Teka butihin nga ba? Haha.  Magtigil ka nga Tasya! Saway ko sa aking sarili, kasi naman umiiral na naman pagiging pilya ko.

Tumayo na ako at tinignan ang anghel na natutulog sa tabi ko at hinalikan ang kanyang pisngi.

Naligo na ako at mabilis na Nag-ayos.  Tinignan ko ang sarili ko,  isang simpleng babaeng nakasuot ng itim na Kupas na pantalon at Maluwag na Puting damit, na pinarisan ng Puting converse na galing pa sa dati kong gamit at nakalugay ang mahaba at kulot kong  buhok, ibang-iba sa dating ako.

"Nanay bata malet ta pwo" agaw pansin sakin ng aking anak, tsaka ko lang naalala, may oras nga pala akong hinahabol. Binuhat ko ang aking anak at lumabas ng aming apartment, maliit lamang ito. Sapat na para sa aming dalawa.

Kinatok ko ang katabing pinto ng aming apartment, 

"Trina! Pagbuksan mo ako! " Walang habas kong sigaw habang kumakatok ng malakas na halos ikasira na ng kanilang pinto.

Ibinaba ko ang aking anak at Binilinan ng  iilang dapat at hindi dapat gawin.

"Kumain ka ng maayos wag magpapagutom anak ha?  Alam mo naman baka magalit yang ahas mo sa tiyan" sabi ko sa kanya habang inaayos ang aking sarili.

"Opo nanay" Pumantay ako sa kanya upang mahalikan siya sa noo

"Inat ta nanay,  Mahal tita" Sabi niya habang yakap ako, Pinunasan ko naman ang Luha ko at ngumiti sa kanya.

"Oo naman anak!  Sus!  Takot lang nila sakin, Haha" Nakitawa din naman ang aking anak.

"Trinaaaaa!!" Sigaw ko dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako pinagbubuksan, busit na babaeng to. Pinagod atang sobra.

" ano ba?  Ang aga aga ha?! " bungad niya  sa akin. Tinulak ko ng bahagya paloob ang aking anak at nginitian ng matamis ang aking kaibigan. Weird, kasi ngayon lang ako nagkaroon ng totoong kaibigan. Dati naman madami pero hindi totoo, ngayon isa nga lang pero sigurado naman akong maaasahan ko.

"Ikaw na bahala sa anak ko ha?  Wag mong pababayaan yan!  Pakainin mo ng maayos!  Love you girl" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

Hindi ko na siya hinintay magsalita dahil nagmamadali na akong bumaba ng hagdan, wala na akong pake kung sino ang mababangga ko. Basta makarating ako sa oras at hindi matanggal sa trabaho, yun ang importante.

Tinignan ko ang oras sa aking cellphone, anim na minuto na lang. Kaya yan tasya. Patuloy lang ako sa pagtakbo, pwede namang mag jeep pero mas pinili kong tumakbo para exercise na din, pero ang totoo nagtitipid talaga ako. Malapit na kasi ang kaarawan ng anak ko gusto ko siyang dalhin sa gusto niyang puntahan,

Bigla akong may narinig na sumusigaw, Normal na sakin ang sigawan dahil ano bang aasahan mo sa Ganitong lugar?  Hindi naman sa minamaliit ko, madami din namang mababait na tao dito yun nga lang hindi talaga maiiwasan yung ibang ugali.

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon