V. First day

5 0 0
                                    

Tinitigan ko ang mga Lalaking lumalapastangan sa kusina ko, Oo kusina ko dahil sa akin ipinaubaya ni Tatang ang Parte ng bahay na ito. Hindi ko na nga lang siya naabutan ng umalis siya kahapon dahil nakatulog na kami ng anak ko.

"Huy Bro!  Ano niluluto mo?" Tanong nung may asul na mata. Kung hindi ako nagkakamali Foxx ang pangalan niya.

"Sopas to bro!  Hoy Maxx! Asan na yung gatas dito?! " Siya yung kulot ang buhok na humalik sa kamay ko kahapon.

"Anong gatas?! Wait nagluluto ako ng Hotdog!  Hoy Brick!  Asan na yung plato?! Akin na!  Baka masunog to! " So Maxx pala pangalan nung Lalaking mahaba ang buhok at asul na asul ang mata.

"Asan na ba yung Gatas!  Ah- James akin na yung Kape!  Yun na lang, bilis!  Siguradong masasarapan kayo nito!!" Wth?!  Sopas na may Kape?  Ugh!  James  anong nasa isip mo!

May nagbato naman sa kanya na sa tingin ko ay kape, hindi ko na maatim ang ginagawa nilang kalapastanganan kaya nilapitan ko na sila na nakapagpatigil sa mga ginagawa nila, Basag na pinggan dahil sa naghuhugas na hindi naman marunong at dumulas lang mula sa kamay,mga nagkalat na ingredients na mula sa Sopas 'kuno' na niluluto, mga harinang nagkalat sa bawat parte ng kusina, Kawaling sunog, mga Lalaking nakasuot ng Pang-super hero'ng apron at may madudungis na mukha. Great. Pinilit kong pakalmahin ang sarili,  Kalma tasya Kalma-

"Yo!  Gusto mo tikman yung sopas ko? " Tinignan ko siya at inilipat ang tingin sa niluluto niya, Dun niya pala nilagay ang kape at harina?

may naglapag ng Hotdog sa lamesa na katabi ko lamang at ng tignan ko ito at halos hindi mo na makilala kung hotdog nga ba ito. Itim na itim at halata sa kanya ang hirap na pinagdaanan. Sumalangit nawa ang iyong totoong kulay.

Tinitigan ko ng masama at Halata namang nagulat sila kaya napaatras.

"Linisin niyo ang kalat niyo kung gusto niyong makatikim ng maayos na pagkain" yun lang at tinungo ko na ang daan paakyat sa aking silid.

--

"So what's your name again?" Seriously Nakalimutan na nila?  Umirap lang ako at tinuon ang atensiyon sa pagpapakain sa anak ko.

"Is she deaf? Bakit hindi siya sumasagot?" hoy kulot manahimik ka diyan ah.

"Maybe" sagot naman ni maxx. At dahil mukhang hindi sila matatahimik ay sinagot ko na sila.

"Tasya"

"Huh?  Ano?" hindi nila nainitindihan? Nag-angat ako ng tingin at tinitigan sila

"Itatak niyo to sa mga kokote niyo, I Am Tasya and i will be the new Queen here,  Bare that in your minds" pagkasabi ko nun ay Tumayo na ako at binuhat ang anak ko.

"So you're acting like a new queen?  Huh!  We don't need you here! " It's Maxx, That shitty mouth of his. Kalma Tasya. Pinapabalik ng mga to ang dating kong ugali. Huh! 

Ibinaba ko ang anak ko at inutusang pumunta muna sa sala, makikipagtuos pa ako sa mga to. Nang mawala na sa paningin ko ang anak ko ay hinarap ko sila.

"Oo nga!  Hindi ka namin kailangan dito!  Kaya namin mga sarili namin! " kaya pala ha?  Eh simpleng pagluluto nga lang hindi nila magawang mabuti. Tinaasan ko sila ng kilay at humalukipkip.

"Don't worry the feeling is mutual, hindi ko kayo Gusto at Hindi ko din kayo kailangan" Go tasya!

"So bakit ka pa nandito?! " Sigawan ba naman ako?

"Hindi ako nandito para sa inyo" bakit ang Childish nila?! 

"So?  Umalis ka na dito!" idiot hindi ako aalis dito kahit gusto ko. Una marunong akong tumupad sa pinagusapan, pangalawa para sa anak ko.

"Lolo niyo ang naghire sakin kaya siya lang ang may karapatang Magtanggal sakin" tama naman diba?

"Huh! If i know, you're just like those Gold-digger bitches out there who only wants our wealth" Maxx. Nasaktan ako dun sa sinabi niya, alam ko naman na may pagka-bastos ang bunganga pero hindi ko alam na aabot pa sa puntong mangmamaliit siya ng tao.

"Look I-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya, Baka may masabi na naman siyang mas makasasakit pa sakin at bigla ko na lang siyang masampal.

Ibinalik ko sa dati ang mukha ko at pilit itinago ang sakit na naramdaman ko, "look i don't care kung ano ang tingin niyo sakin, I am just here to work as your cook nothing more nothing less" at Lumakad palayo papunta sa anak ko.

Pumunta ako sa hardin kung saan Pinipilit kong iwaksi ang sakit ngunit mukhang taksil talaga ang mga luha ko at tuloy-tuloy itong umaagos, Sa apat na taon kong pakikipagsapalaran at pakikipaglaban bilang isang Dalagang ina madami na akong narinig na iba't ibang panliliit na isinawalang bahala ko lamang ngunit bakit ang isang to ay iba ang epekto sakin?  Bakit iba ang epekto nito?

"Haha, Bakit ganito?  Hindi ka nga dapat nasasaktan tasya eh, marami pa ngang mas Masasakit na salita ang ibinato sayo ngayon ka pa masasaktan? " tumawa lang ako ng pagak at pinunasan ang mga takas kong luha.

Tumayo na ako at tumungo sa sala upang kuhain ang anak ko.

-

"anak tara" kinuha ko ang anak ko at dinala sa Kwarto namin.

Nakasalubong ko si Foxx, mukhang may sasabihi siya ngunit wala ako sa mood makinig kaya nilagpasan ko lamang siya at pumasok sa look.

"Nanay antot na to" binuhat ko siya at inihiga sa kama.

"Sige na anak, matulog ka muna" hinalikan ko siya sa noo at tumabi sa kanya.

-

"dad, why are you treating me like this? " i curiously asked my dad.

"Treating like?"

"Treating like a princess"

"Baby of course you're our princess, you're the only one girl on our family, you're the heiress  of our Businesses"

"i don't understand dad"

"Baby" he held my face and looked directly on my eyes

"you're our only princess that's why you  deserve to be treated like one"

I nodded my head and smiled

"Being a princess and a warrior will be a perfect combination "

I looked at him,

"Be strong baby, be strong"

--

"yes dad, Magpapakatatag ako"

Nakakatawa dahil isang araw pa lang ay mukhang pagod na pagod nako, Pero hindi. Si Anastasya to na hindi marunong sumuko ng ganun kadali.

"idiots, be ready. This is just the beginning. Beginning of our own battle with  each other. You like to play?  Then I'll be your playmate.  Hate me all you want but I'll work here and no one can stop me"

Hindi ko namalayang hinila na pala ako ng antok at nakatulog na iniisip ang mga Lalaking iyon.

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon