(Radio Plays)
Although its been said many times,many ways, Merry Christmas to you... 🎶🎶May pasok nanaman, malamig ang panahon at tatamarin na nanaman pumasok si Arl.
"Nak gising na, 6 na malalate ka nanaman" ika ng mama ni Arl.
"Uhmm ayoko pumasok ma" sabi ni Arl habang naka talukbong ng kumot.
"Anong ayaw gumising kana dyan! Mamaya pala pag uwi mo may bisita tayo umuwi ka kaagad!" Sagot ng mama nito.
Bumangon na si Arl dahil napansin nyang 6:15 na ng umaga. Ngunit hindi nito maiwasang mang usisa.
"Sinong bisita mamaya?" Sabi ni Arl habang nag lalakad papuntang CR.
"Si Ate Marites mo, yung ka nanay ko sa school yung nanay ni Grace! May kasama din sya mamaya" paliwanag ng ina.
"Sino naman kasama nya?" Sagot ni Arl.
"Basta wag umuwi ka ng maaga! Kumilos kana late kana! Tong batang to oo!" Pag rereklamo ng ina ni Arl.September 2013, ang ginaw. Ber months na kase. Alas sais na pero parang alas kwatro pa din ng madaling araw. Papasok na si Arl sa school, habang nag lalakad sya nakasalubong nya si Grace.
"Grace!" Sigaw nito.
"Oh? Balita?" Tanong ni Grace
"Pupunta daw si Mama mo sa bahay mamaya?anong meron" Sagot ni Arl.
"Ahh di mo pa ba alam! May nirereto si Mama sa Mama mo! Hahaha" ika ni Grace.
"Nirereto?! Mag aasawa ulit si Mama?! Mag boboypren? Ganun?" Tanong ni Arl na may pag tataka.
"Oo pero wag ka mag alala mabait naman si Tito Eddie, pag humihingi ka ng chocolate dun bibigyan ka nun!" Sabi ni Grace.
"Eh di magiging pinsan na kita?!" Sabi ni Arl.
"Ayaw mo ba! Pwede kana magpunta samin at ako sa inyo kahit kelan girl!!!" Excited na sagot ni Grace.
"Geh kita nalang tayo mamaya pag uwi, late na ko" Paalam ni Arl.Habang nag lalakad si Arl papunta sa klase, hindi nya malaman kung ano ang mararamdaman, kung matutuwa ba sya or malulungkot sa balitang narinig. Pero naiisip nya matagal na din naman namatay ang tatay nito at siguro naman panahon na para mag karoon ng katuwang sa buhay ang kanyang ina.
(Cellphone rings)
Riiiiiiiinnnmnng!"Hello Ma? Oo pauwi na ako, mag papaprint lang ako sa shop" sabi ni Arl.
Umuwi si Arl sa kanila at doon nga ay nakilala nito ang nireto ni Ate Marites na si Tito Eddie. Pinakilala ni Ate Marites ang bisita kay Arl, sya may dalang pasalubong, at medyo nag kwentuhan ng kaunti. Lumipas ang oras at umuwi din ang mga bisita.
"Mabait sya Ma, saka mukhang wala syang kabisyo bisyo sa katawan" sabi ni Arl.
"sa totoo lang nak matagal ko ng kilala yun" sagot ng ina.
"Ganun? So ano kamusta naman? Mayaman ba sila? Hehehe" biro nito.
"Hindi! Saka di naman yun habol ko sa lalaki nak! Basta alam kong mabait at hindi tayo aabusuhin, ok na sakin yun. " wika ng ina.
"Alam mo Ma hindi ako papayag na may umapi satin. Mag hahalo ang balat sa tinalupan!hahaha" Pang aasar ni Arl sa ina.Lumipas ang mga taon at naka graduate na din si Arl sa highschool, hindi sya nag sisi sa pag payag nyang mag asawa ulit ang ina, naging katuwang ito ng ina sa kanyang pag papa aral, Ngunit ang Lola ni Arl ay pumanaw bago pa ito grumaduate ng highschool. ;(

BINABASA MO ANG
Alone meets forever
Ficção GeralPag sinabing forever alone? Anong nasa isip mo? Walang jowa? Walang soulmate? Ano ba sa tingin nyo? Lets find out. :)