Chapter 3

3 0 0
                                    

Nag entrance exam si Arl sa isa sa pinaka mahal at exclusive na school at hindi naman nya akalaing papasa sya. Dahil kapos sa buhay, pinilit nyang maging scholar upang makatulong sa kanyang ina. At upang hindi naman masyadong mahirapan mag taguyod ang amain nito. Ibinalita ito agad ni Arl sa kanyang mga magulang.

"Nay! Nay! Tatay Eddie! Omgeeee tingnan nyo kung sino nag padala ng sulat sakin!!!" Excited na bungad ng dalaga.

"Nak yan ba yung confirmation ng school!! Ano nakapasa kaba?!!" Tanong ng ina.

"Opo Nay! Nakapasa ako!!!! Makakapag kolehiyo na ako Nay!" Wika ni Arl.

"Aba tingnan mo nga naman ang galing talaga nitong bunso ko!" Pag bati ng Amain.

Agad namang lumabas ang nanay ni Arl sa kanilang bahay upang ipamalita ang magandang nangyare sa anak.

"Mga kapitbahay! Ang anak ko! Nakapasa sa Frunze! Ang galing galing mo talaga nak!!! Pag mamayabang ng ina.

"Nay naman! Pumasok ka nga dito! Oa mo! Dapat secret lang yun!" Sabi ni arl.

"Eto naman! Minsan lang mag yabang ang nanay mo pag bigyan mo na! "Sagot ng ina.

Kinabukasan excited na nag tungo si Arl sa school upang mag pasa ng requirements at mag pa register. Minabuti nitong pumunta ng maaga para malaman kung ano ang sched nya at ng sa ganon makapag apply naman ito ng part time job. Ang nanay ni Arl ay nag titinda lang ng yelo at paminsang nag titinda ng tocino longganisa sa kanilang lugar, ayaw naman ni Arl na dumepende sa kinikita ng kanyang amain sa planta at gusto nitong makapag tapos sa sariling pag sisikap nais din nitong makatulong sa ina kaya naman mag hahanap ito ng part time job.

Nakarating na si Arl sa school at nakapag enroll na. Nakita na din nya ang schedule nya at umayon naman ito sa kanyang kagustuhan. Nag lakad lakad si Arl sa school upang maging pamilyar sa lugar pag katapos ay umuwi na ito.

-Arl-
"Hay pota nakakapagod, si grace kaya nakapag enroll na din? Text ko nga"

Arl:oi Sas ano nakapag enroll kanaba?! Kakagaling ko lang sa Frunze wala ka naman dun.

Grace: oo nakapag enroll na ako! Anong course ba kinuha mo?

Arl: bs in computer engineering ikaw ba?

Grace: wow! Pero bakit hindi ka nag communications? Para mag ka block section tayo!

Arl: ayoko eto talaga gusto ko, si nanay nga gusto ko mag nursing eh. Eh alam naman nyang takot ako sa dugo tapos yun pa ipapakuha sakin, Meryenda tayo nasa bahay kaba?

Grace: wala pero pauwi na ako, wait mo ko dyan sa inyo kain tayo sa may labasan.

Arl: geh geh

After 10mins...

"Sassy! Yoohoo" tawag ni grace

"Taenang to maka yoohoo wagas! Tara sa labas tayo mag meryenda sa may isawan sa pag asa" aya ni arl.

"Nga pala kelan ba start ng klase? Tanong ni Arl.

"Sabi sa June 11 daw eh, pero sure akong wala pang masyadong papasok nun first day eh!" Sagot ni Grace

"Pumasok ka tangek sayang tuition na pinambabayad sayo gago di ka nanaman mag papapasok! Ibang level na to college na to mag tino ka na!" Panenermon ng dalaga.

"Oo alam ko! Kelangan manermon ha? Nanay kita ha? Bayaran mo na nga!" Sabi ni grace.

"Gago ikaw mag bayad ng matuwa ako sayo! Hahaha"sabi ni Arl.

Masayang nagmeryenda ang magkaibagan na ngayon ay mag pinsan na akalain mo yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alone meets foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon