♕(12-8-13) Dream.. ♕

246 9 5
                                    

Nanaginip ako tungkol sa EXO. FIRST TIME. :)

Ano ilalagay ko? Gabi ng December 7 or madaling araw ng December 8. I don't know which to choose dahil nalimutan ko. Pero feeling ko December 8 dahil nagising ako ng madaling araw mga 3:00+ yata or 4:00+. Tapos tsaka yata ako nanaginip.

Ang ganda lang nung panaginip ko! ^^,

May concert daw ang EXO dito sa Pilipinas. Nakapunta kami ng pinsan ko at ni Mama.

Hindi ko alam kung paano ako pinayagan pumunta eh medyo malayo kami sa Manila (Mga 4 hours na byahe lang) tapos mahal pa ang ticket. Idagdag mo pa na si Mama ay hindi sanay sa byahe.

Basta nalaman ko lang na may Concert at bigla na lang nagskip na nandun na kami sa Concert.

Hindi kami VIP pero ang lapit namin sa kanila.

Hindi pinakita na nagko-concert sila. Basta ang nakikita ko sa panaginip ko na irit ako ng irit at nasigaw ng "I love you, Luhaaaaan!" Walang halong biro. Promise.

Yung pinsan ko natili lang dahil sinamahan lang niya ako ni hindi nga niya kilala isa-isa e. Basta alam niya EXO yun. Si Mama naman nakaupo lang.

And matapos yung concert, hindi ko na alam kung anong nangyari. Basta bilang nagskip na nasa kwarto ko ako at ang EXO! *O*

Nakaupo sa kama si Luhan at si D.O. Si Chanyeol yata yung nakaupo sa bintana ng kwarto ko. Hindi ko na alam kung saan ang pwesto nung iba pero ang alam ko andun din sila.

Na andun naman din ang pinsan ko. Siya ay naka-upo doon sa upuan sa may table ko tapos ako ay nakatayo lang sa pinto ng kwarto ko.

Pero mamaya, naupo na lang din ako sa kabilang edge doon kay Luhan.

Kinausap ko siya. English pa nga imik ko e, hindi ko tanda yung exact na sinabi ko pero ito, "Can I take this as a remembrance? Because you guys were so often to visit us."

Yung sinasabi kong pangremembrance ay yung para panlagay sa likod ng upuan ng kotse. Di ko alam kung paano nagkaroon nun dun basta yun yung nasabi ko at nasa panaginip ko.

Tinignan nila ako at nagngiti. Hindi ko alam pero ang saya. :)

Maya-maya nasabi ko sa sarili ko na, 'Ayos na ang FC, minsan lang 'to.' Binulong ko yun pero kumomtra agad yung pinsan ko at sinabing 'Feelingera mo bes'. Pero no one can stop me.

Hiniram ko yung cellphone ni Luhan tapos nagpayag naman siya. Tinamong ko siya, "Can I get your number?" Sabi niya naman, "Sure!" Tapos nakangiti ng wagas. Kinuha ko yung number niya. Minemorize ko yun pero hindi ko na tanda ngayong gising na ako. Sayang, gusto ko pa man din itext. :(

Nilagay ko rin yung number ko sa phone niya. Ang contact name pa nga ay 'Your biggest fan, Aubrey'. Tapos binalik ko na.

Nagkwekwentuhan kaming dalawa pero hindi ko alam kung ano. Naasar ako sa panaginip ko, kung ano yung magandang part yun ang wala.

Tapos nung aalis na sila, naiiyak ako. Aalis na sila ng kwarto ko tapos aalis na rin ng bahay. Tapos na ang concert, di natin alam kung babalik sila o kailan pa babalik. Aalis na sila ulit ng Pilipinas.

Nagskip nanaman ang panaginip ko. Nagbaba ako nun sa salas. Sabi ni Mama, "Kanino 'tong panlagay sa kotse?" Tanong niya sa'min. Puro ewan ang sagot pero nung tinignan ko yun.. Sabi ko ng pasigaw at excited ay, "Sa EXO yaaaan!"

Pero ang sabi ng Mama ko.. "Hala! Naiwan!" Ihahabol pa sana ni Mama at mapapaface palm ako.

"Remembrance yan sa'kin! Pumayag sila!" Tsaka lang kumalma si Mama.

Tapos BOOM.

Nagising na ako. :( Hinahanap ko pa yung panlagay sa kotse tapos ini-scan ko yung contacts ko. Wala pala. :( 5:00 ako nagising.

Akalain niyo yun, ang bilis nung oras. Mga half hour yung tulog ko tapos ang dami ng masayang nangyari. :)

Promise ko sa inyo! Tunay itong panaginip na ito. Hindi gawa-gawa. Promise.

Sayang nga, akala ko totoo yung panaginip ko. Dahil base sa nangyari, hindi ako makapaniwala pero feel ko.

Shet, ang drama ko lang. :)

Nanaginip na rin ba kayo? Share niyo dyan! Lagi na lang ako nag-sheshare eh! Nagmumukha akong madaldal. Hahahaha! Which is true naman. Haha. :)

AATG's Graphic Junks { CLOSE }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon