Chapter 65

736 53 10
                                    

Kaye's  P.O.V.


Dahan-dahan akong nagmulat nang maramdaman ko ang mga pino at dahan-dahang paghalik ni Yassi sa pisngi ko.Napabangon ako sa pagkabigla.

Tiningnan ko sya,nakangiti sya na para bang naaalala nya ako.Napatingin ako sa taas ng kama,maayos na itong nakaligpit.

"Yass,gising ka na pala?" natatarantang sabi ko.

Tumayo ako at mabilis na niligpit ang latag ko sa sahig.Nakatingin lang sya sa akin.Maya-maya ay hinawakan nya ang braso ko.Natigilan ako.

"Ang amoy ng balat mo,madalas napapanaginipan ko..hindi ko lang alam kung saan..." sabi nya.

Napangiti ako.Nakakatuwa na kahit papaano naaalala nya ang amoy ko.Hinawakan nya ang pisngi ko.Hinawakan nya kahit ang mga mata ko,kilay ko,buhok ko,at mga labi ko habang nakapikit ang mga mata nya at bahagyang sumilay ang mga ngiti sa makipot nyang mga labi.Habang ako ay napapatda lang sa kinatatayuan ko.Malakas ang kabog ng puso ko.Sa ginagawa nya natotorete ang puso at isip ko.

"Nahalikan mo na ba ako ng minsan?" inosenteng tanong nya habang nakatingin sa mga labi ko.Ako man ay napatingin din sa mga labi nya.Napangiti tuloy ako nang maaalala ko ang unang pagkakataong nahalikan ko sya.Ang first kisa nya.

"Oo" nahihiya kong sabi.

"Pwede mo ba akong halikan?"

Napatitig ako sa kanya.Mga matang mapupungay at nagsusumamo ang mga tingin.Napabuntong-hininga ako.

Dahan-dahan akong yumuko at dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya.Napapikit sya.Kaunting distansya nalang ang pagitan namin.Dinig ko na halos ang tibok ng puso ko.Napapikit na din ako,hanggang sa maglapat na ang mga labi namin.Masuyong halik lang yon.Dampi lang kung ituring pero para sa akin ay napakatagal na non.Maya-maya lang ay naramdaman ko ang mainit na likidong malayang umagos sa pisngi nya.

Luha.

Umiiyak sya.Natigilan ako at napatingin ako sa kanya.

"Yass?.."


"Nararamdaman ko ang halik mo dito.." aniya.Sabay turo sa gawi ng puso nya."Nasasaktan ako na hindi ko maalala kahit anong pilit ko..."umiiyak na turan nya.


Naiyak din ako,at hinapit ko ang ulo nya sabay niyakap ko sya ng mahigpit.

"Tama na,Yass..ako na ang bahala.Ako na ang magpapa-alala para sayo..."

Nagtangis sya sa mga balikat ko.Napakasakit din para sa akin na hindi man lang nya ako narerecognize.Pero mas masakit pa rin ang makita syang sinusubukang alalahanin ang lahat kahit nahihirapan na sya.



Binuhat ko sya pababa ng hagdan patungong sala.Habang pababa kami ng hagdan ay nakatitig lang sya sa kin.Sa kusina ay iniupo ko sya sa silyang naroon.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon