Chapter 1

2.7K 78 13
                                    

😊😊😊

Nanggigil ako na bumalikwas ng bangon, sabay inihagis ko ang unang nakatakip sa muka ko. Tiningnan ko ang orasan, alas sais palang ng umaga! Lalong naginit ang ulo ko. Kaw kaya magkaroon ng bwisit na kapitbahay!!!.

Linggong-linggo ngayon dapat makakapagpahinga pa ako ng maayos,pagkatapos ng isang linggong pagtatrabaho deserve ko naman siguro ang maayos na tulog 'no. Pero sa kasawiang palad, mukang hindi na mangyayari 'yon! Dahil tinamaan na naman ng magaling ang sira ulo kong kapitbahay na sa halos araw-araw nalang naghahanap palagi ng away. !

Ipinusod ko ang buhok ko pagkalabas ko ng kwarto. Wala na akong pakialam kung nakapantulog pa ako na lumabas ng bahay ni hindi ko na nga din sinipat ang sarili ko sa salamin basta naiinis ako!

Malakas na tunog ng drums ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa bahay ng kapit- bahay kong sira-ulo.Sunod-sunod ang pagpindot ko sa doorbell ng loko! Medyo matagal din akong nagantay bago niya ako napagbuksan ng pintuan.

Napanganga ako ng konti ng bumungad na siya sa pinto.Kasi naman aaminin ko napakagwapo naman talaga nitong kapit-bahay ko.Kahit sabihin pa natin na hindi naman talaga ito tunay na lalaki. Yeesss!Lesbian po siya.

Napaka-fresh niya tingnan sa suot nyang white t-shirt at red shorts na ang designs ay mga elepante. Sa hula ko sa thailand niya nabili ang short na yon. Kaya naman kahit na lesbian ito ay hindi maitatanggi na napakaraming babae ang nagkakagusto dito.Marami rin itong fans at talagang pinagkakaguluhan.

Ooopps muntik ko nang makalimutan ang totoong pakay ko kung bakit ako nagpunta dito. Nakaka-hynotize kasi ang kagwapuhan nitong si Kaye.

Oh Yassi, hindi ko inaasahan ang pagdaan mo dito. Anong meron.?? Ngapala, magandang umaga sayo.

Pilyo ang mga ngiti niyang sabi sa akin. Pakiramdam ko namula ang muka ko.

At ano naman ang ikinaganda ng umaga!

Angil ko kung ano ang angkin nitong kagwapuhan siya namang taglay nitong pagka-hangin at kayabangan sa katawan.

Ang isipin palang na nagpunta ka dito ng ganito kaaga eh at nakita mo ang kagwapuhan ko eh isa nang pangyayari sa umaga na pwedeng ikaganda ng umaga mo

Ha? Ano daw? Napakahangin talaga ng lokong ito.

Wow hanga naman ako sa taas ng level mo at bilib sa sarili malamang wala pang pumupuri sayo kaya ganyan ka nalang magbuhat ng sarili mong bangko!

Umiinit na talaga ang tuktok ng bumbunan ko kaya nga ayaw kong kausap ito eh, nakakaubos ng pasensya!

Alam mo Yassi baby masanay ka na ok, na may kapitbahay kang artista na gwapo pa. Ano ka ba tagal na nating magkapit bahay hindi ka pa rin sanay?

Hilaw ang ngiti na iginanti ko sa kanya. Naiirita ako dahil nabibingi na ako sa lakas ng tunog ng drums na nagmumula sa loob ng bahay niya. Nagsisigawan na nga kami habang naguusap.

Sino ba yang nagdadrums sa loob patahimikin mo nga yan!

Sumenyas siya sa loob at agad -agad tumigil ang nagpapatugtog

O ayan na po! Ngayon ano naman po ang ipaglilingkod ko sayo. Bakit ka nandito kasi ba napanaginipan mo ko kagabi at narealize mo na ngayon na mahal mo na ako?

Ha,? Napakalabo naman ng taong ito.Hindi ba niya alam na seryoso ako.

Excuse me lang ha,ikaw nabubuhay ka sa mundo ng ilusyon ako sa realidad at isa pa kahit ikaw pa ang pinakagwapo dito sa mundo never ako magkakagusto sayo no!

Nakangiti lang siya sa akin at para bang hindi siya apektado sa mga sinabi ko.Nakakaubos talaga siya ng pasensya. At nakakagigil. Tapos ngingitian pa niya ako ng ganyan! Ang gwapo niya kasi lalo kapag ngumingiti. Tsk.

Oh eh bakit ka nga nandito?

Pilyo na naman ang ngiti na sabi niya.

Nandito ako kasi ipapabarangay kita.!Excessive noise and disturbance in the neighborhood is a violation of the village rules!

Namilog ang mga mata ni Kaye sa sinabi ko.Lihim namang nagdiwang ang kalooban ko. Malamang hindi niya masasagot ang sinabi ko. Well atleast makabawi man lang sa kanya no!

Disturbance? Ako?

Oh yess, my genius Kaye kasi para sa kaalaman mo na ginising lang naman ako ng lintik na drums mo!

O bakit ako ba yon? Mga kabanda ko yon hindi ako yon

O eh ano? Eh nandito sila sa bahay mo at dito ka sa village na ito nakatira at may kapit-bahay ka!

Eh bahala ka dyan! Wala akong alam dyan! Sila ang ipabarangay mo! Sila ang nagiingay, o!

Grrrr.. Talagang inaasar ako ng taong ito.Idagdag pa ang pigil na tawanan sa loob ng bahay ni Kaye malamang ako ang pinagtatawanan ng mga ito.

Sobrang badtrip na ako. Tama na hindi ko na ito kaya! Nakakuyom ang mga palad ko na tinalikuran ko siya.

O saan ka pupunta??

Sa barangay ipapabarangay nga kita diba

Ngumisi ulit si Kaye.

Ganyan ang suot mo??

Letse talaga nakapantulog nga pala ako. Tiningnan ko nalang siya ng masama. Kailan kaya matatahimik ang buhay ko? Lumipat kaya ako ng bahay? O di naman kaya gawa akong paraan para siya ang mapaalis dito sa village. Patalilis na akong bumalik ng bahay ko Bwisit talaga.!!

============================

Well, well....

bayo_toopsie

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon