Chapter 29

877 47 6
                                    

😊😊😊😊

Wala pa si Sheena nang dumating ako. Mukhang nagenjoy siya sa date nila ni Andrei, ah! Naupo nalang ako sa pang-isahang sofa paharap sa tv na hindi nakabukas. Mula roon ay nakikita ko ang sarili kong replika. Nakakalungkot naman na nawalan na naman ako ng pagkakataong magsabi sana kay Kaye, ng tunay kong nararamdaman. Kailan kaya ako magkakaroon ng pagkakataon? O lakas ng loob kaya? Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya na mahal ko siya? Haynaku, sakit sa ulo.

Isinandal ko ang sarili ko sa sofa at dinukot ang cellphone sa bulsa ko. Inopen ko ito at bumungad ang nakangiting mukha ni Kaye, stolen shot niya habang siyang-siyang pinagmasdan ang makukulay na fireworks. Clinick ko ang call button, pero binack to home ko rin. Ano naman ang sasabihin ko kung tatawagan ko siya.? Sabagay wala namang masama, bakit hindi subukan.? Inopen ko ulit ang cellphone at nagsimulang magrecord sa voice message.

Hi Kaye,

Si Yassi to, ang weird ba? Haha, oo weird nga. Ang totoo hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para sabihin sayo na... para sa akin isa kang prinsipe na umahon sa dagat.. at kung paahon ka pakiramdam ko palubog naman ako, kapag hindi ko pa nasabi sayo ang nararamdaman ko, baka malunod na ako.. Kaye... masaya akong kasama ka.. alam mo gusto kita.. gustong-gusto talaga kita... Kaye...

Napapitlag ako nang may kumatok sa pinto. Dahil sa gulat ko ay naisend ko ang voice message sa mismong number ni Kaye. Napasinghap ako, at pilit na nireretrieve ang pagkakasend niya..send successful!

Ha? Oh my..Hindi! sigaw ko. Nang makitang send successful na nga ang voice message. Saka ko naalala ang kumakatok, nagmadali akong makalapit sa pinto sa pagaakalang si Sheena na ang dumating, magpapatulong ako sa kanya kung paano ireretrieve ang message. Bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng aksidente bakit itong wrong sent pa!

Sheena mabuti at dumat-----Kaye???!!!! Bulalas ko nang mapagbuksan ng pinto si Kaye. Hawak ang cellphone niya na nakalagay sa tenga niya. Akala ko si Sheena na, si Kaye pala. Mataman siyang nakatingin sa akin at bahagyang sumilay ang ngiti niya sa labi. Pakiramdam ko namumula ako sa kahihiyan. Parang gusto kong maglaho o di naman kaya maging singliit ng duwende sa harap niya. Ibinaba na niya ang phone niya at pilyo ang ngiti na nakatingin sa akin.

Sino yon? Tanong ko. Ang tinutukoy ko ay ang tawag. Gusto kong malaman kung nareceive na niya.

Ikaw. Nakangiting sabi niya. Napahawak ako sa dibdib ko. Bigla para akong nabuhusan nang malamig na tubig.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon