Chapter 45

779 59 24
                                    

😊😊😊😊

Kaye's P. o. v

Dumaan ang ilang buwan bago ako naging handa sa pagkakataong mabasa na ang diary ni Yassi. Gamit ang bike niya, narating ko ang Manila Bay. Isa rin ako sa nagaabang sa paglubog ng araw. Alas-kwatro na,kaunting oras nalang masisilayan ko na ang paglubog ng araw. Isa sa mga paboritong gawin ni Yassi. Napangiti ako. Naupo sa isang bench na naroon na nakaharap sa dagat. Ngumiti akong nilingon ang isang matandang lalaki na nakaupo sa kabilang bench. Bahagya akong tumango sa kanya bilang pagbati at ganoon din siya sa akin. Napakasarap sa pakiramdam na binabati mo ang mga taong kahit hindi mo kakilala.

Humugot ako ng isang malalim na paghinga,bago ko umpisahang buksan ang diary ni Yassi. Sobra ang pagtibok ng puso ko. Magkahalong kaba, lungkot,saya at excitement. Hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.

Hi Kaye!!

Fasten your seatbelt!You are entering the world of Yassi's diary! Ngiti ka naman!

Paunang bungad sa unang pahina. Para bang si Yassi ang nagsasalita sa isip ko kahit na binabasa ko lang naman siya.Napangiti din ako ng mabasa ko ang huling salitang nakasulat. Nakakadala.

Kaye, kagagaling ko lang ng ospital.. malungkot ang balita 😔 akalain mong may pambura daw ako sa utak ko. Ang galing no? Nakakatuwa, may kakayahan ang isip ko na magbura! Ang galing ko talaga!..

Nalungkot ulit ako. Bumalong na naman ang luha ko na akala ko ay tapos na. Pero hindi pa pala. Narito pa rin sa puso ko ang sakit. Ang kirot. At hapdi.

Kaye, may nakilala akong matanda, tinatanong niya ako kung ano ang hugis ng ulan.. nakakalungkot na wala akong naisagot. Kaw alam mo ba? Pabilog o parihaba? Ano nga ba?

Napangiti ako, malamang nasagot ko na nga ang tanong niya na yon. Sumagi sa isip ko ang matanda, kumusta na kaya siya? Binuklat ko nalang ulit ang mga pahina ng diary. Marami akong nabasa na masaya. Masasayang alaala na kasama ako. Haha. Kinikilig naman ako sa mga nababasa ko lalo na ang panonood namin ng fireworks at pagbabike na madalas na sumesemplang siya. Nang mga panahon na yon,wala akong kamalay-malay na may pinagdadaanan na pala siyang sakit. Hindi ko napansin. Kung sana nalaman ko ng mas maaga. Baka mas marami pa kaming alaala na nabuo. Ibinigay ko na sana lahat ng atensyon ko. Kaso huli na. Napabuntong-hininga nalang ulit ako.

Kaye, alam mo ba? naninibago ako lately di ko alam kung paano ako magkakaroon ng lakas ng loob na sabihin sayo ang mga bagay na gusto kong sabihin. Masaya ako kapag kasama kita. Kung sana lagi kitang kasama. Para kang isang prinsipe na umahon sa dagat. Kung paahon ka, palubog naman ako. Kung hindi ko pa sasabihin sayo ang nararamdaman ko, baka malunod na ako.. haha!ang seryoso ba? Iyon talaga ang gusto kong sabihin.. pasensya na.

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon