Chapter 69

744 54 8
                                    


Kaye's  P.O.V.

Mabagal ang kilos ko habang nagiimpake ng ilang mga damit sa bag ko.Kinuha ko ang diary ni Yassi,at picture frame nya at inilagay din sa bag.Bawat hawak ko sa mga iyon ay naiyak ako.Ngayong araw na ang operasyon.Hindi ko kayang tanggapin ang mangyayari kaya naman sa halip ma magpunta ng ospital ay tutuloy nalang ako magbakasyong ng Tagaytay.Ito ang gusto ni Yassi na gawin ko.

Natigilan lang ako nang magring ang phone ko.Si Sheena ang tumatawag.
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga bago ko sinagot ang tawag.

"Hello,Sheena?"

"Hello Kaye,we're on our way sa hospital,pupunta ka ba?"

"I can't Sheena..hindi ko talaga kaya,I'm sorry..."

Dinig ko ang pagbuntung-hininga nya sa kabilang linya.

"It's okay..Kaye,naiintindihan ko,saan ka naman pupunta..?"

"Like what Yassi said,pupunta ako ng Tagaytay.."

"Im sorry Kaye,I know how hard it is for you,sobrang sakit alam ko..ako na bahala sa kanya...ingat ka"

Ibinaba na nya ang tawag.Nakatuon naman ang paningin ko sa bintanang basag.Ngumiti ako.

Bumaba ako ng kusina at naghanap ng kahit packing tape lang para matakpan ko ang butas bago ako umalis.At nang mahanap ko ang hinahanap ko ay mabilis akong umakyat ulit at mabilis kong tinakpan ang butas.Nang matapos ko na ay napahinga ako ng maluwag.

It's about time to move on.Hindi magiging madali ang pag-akyat ni Yassi sa langit kung nakikita nya ako  na malungkot.Ayaw ko na syang mahirapan pa.At mag-alala.Pipilitin kong maging masaya tulad ng sinabi nya sa sulat.Bitbit ko na ang bag ko nang bumaba na ako ng salas at nagtungo sa kotse ko.Napatingin ako sa bike na nakasandal sa pader.Kung saan ito madalas isandal ni Yassi.Kinuha ko at inilagay sa likuran ng kotse saka ako nagdrive.


Sa kalagitnaan ng pagdadrive ko ay nahagip  ng paningin ko ang isang bata.Nakatingin sya sa harapan ng  tindahan ng mga bisikleta.Napangiti ako at inihinto ang kotse sa tapat nya.Umikot ako patungo sa likuran ng sasakyan at kinuha ang bisekleta.Nagulat sya nang lapitan ko at iniaabot ang bike.

"Ha?sa kin nalang po ito?" Aniya.

"Oo,sayo na yan,ingatan mo yan,gamitin mo palagi..." Nakangiting sabi ko.Ginulo ko pa buhok nya saka ako sumakay muli sa kotse ko.

Life goes on.Mamahalin ko si Yassi,ngayon at kailanman.Hindi ko na kailangan ang mga bagay na makakapagpapa-alala sa kanya.Dahil ang mga alaala nya,lahat ay nasa puso't isip ko na.Pipilitin kong iwaksi sa isip ang operasyon ngayong araw,pipilitin kong maging ok lang kahit alam ko namang hindi.Nagshades ako dahil sobrang maga ng mga mata ko kakaiyak.At ang puso ko naman ay parang sasabog sa sobrang sakit.Yung pakiramdam na gusto kong isigaw ng malakas.Yung sigaw na parang lalagutan na rin ako ng hininga.Hindi ako sigurado kung ano na ang mangyayari sa akin pagkatapos ng araw na to.Kung makakanta pa ba ako at makakapagpasaya ng ibang tao kung ako mismo sa sarili ko ay hindi ko na makakaya.Pero pipilitin ko para sa ikatatahimik ni Yassi.






Sheena's  P.O.V.


Naibaba ko na ang tawag ko kay Kaye.Napabuntong-hininga ako sabay tingin kay Andrei na nasa driver seat.Napatingin din sya sa akin.Hindi ko na naman napigilan ang luhang naguunahang pumatak sa mga mata ko.Sobrang sakit ng pakiramdam kong mawawala na ang bestfriend ko.Pagkatapos lahat ng sakripisyo namin para sa kanya.Sya din pala ang susuko sa huli.Ginagap ni Andrei ang kamay ko.Habang nagdadrive sya.



FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon