Chapter 63

718 71 21
                                    

😊😊😊😊

Hi guys, sorry ngayon lang nakapag-update. Nilagnat kasi ang lola nyo, haha. Panahon kasi natin pabago-bago. Minsan uulan. Minsan aaraw. Tapos grabe ang traffic. Nakakastress! O sya tama na to, haha. Dami ko ng tsika nakalimutan kong maguupdate nga pala ako. Haha. Enjoy!

Yasmin's  P. O. V.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nasa isang maaliwalas na kwarto ako. Chineck ko ang sarili ko. May mga nakakabit na mga aparato sa katawan ko. Inilinga ko ang paningin ko sa paligid. Walang tao. Saka ko napagtantong nasa isang silid ako ng hospital. Aktong babangon ako nang magbukas ang pintuan at pumasok mula roon  si  Nykieh. May dala itong basket ng prutas at pagkain.

"Gising ka na pala? Kumusta pakiramdam mo? "

Nag-aalalang tanong nya habang papalapit sa akin. Inalalayan nya akong makasandal sa head board ng kama. Inilagay naman nya ang unan sa likod ko ng maayos.

"Salamat. " tipid na sagot ko. Napatingin ako sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ba ang nangyari at bakit ako nandito? Magsasalita na sana ako nang mauna na syang nagsalita.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo ng apple? O etong mangga? O gusto mong magsoup.? Ano?" sunod-sunod na tanong nya. Napangiti nalang ako. Bakit parang natataranta sya? At iba ang concern nya.

"Nykieh.. Ok lang kahit ano, salamat"natatawang sabi ko. Nakita ko namang pumayapa sya. Nakapamulsa syang lumapit sa kama ko. "Ano bang nangyari? Bakit nandito ako? " tanong ko.

"Nakita kita kagabi.. bitbit mo yon!.."inginuso nya ang rice cooker na dala ko kagabi. Nasa sulok ito. "Nagtataka ako kung bakit ka naglalakad ?at kung saan ka galing? Nang malapit na kitang maabutan, natumba ka nalang bigla. Bumaba ako ng sasakyan, para tingnan ka. Kaso nawalan ka na pala ng malay at bukod don, namumutla ka pa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kaya dito nalang kita dinala at nalaman ko na.... "mahabang kwento nya tapos bigla nyang itinigil. Parang alam ko na ang kasunod. Lumungkot ang mukha ko. Hindi na nya kailangan pang sabihin. Masakit na katotohanan yon. Tumungo nalang ako para hindi ko na makita pa ang mga mata nyang nagtatanong.

"...tinawagan ko na pala ang pamilya mo.. naisip ko kasi kailangan mo sila ngayon.. " sabi nya.

Napatingin ako sa kanya. Napahugot ako ng malalim na paghinga. Akala ko sasabihin nya talaga. Mabuti nalang. Katahimikan ang namagitan sa amin. Nang biglang bumukas ang pinto at mga natataranta ang mga mukha nila tatay na palapit sa kinaroroonan ko.Si Jhema naman hindi pa nga eh naiyak na.

"Anak,ano ok ka lang ba?yan na nga bang sinasabi ko sayo na hindi nga pwede sayo ang normal na buhay!tingnan mo,inatake ka na naman?pinagod ka ba sa trabaho kaya nagkaganyan ka na naman...!" nag-aalalang sabi nya."nagfile na ako ng leave mo sa trabaho,alam ko kasing hindi mo gagawin yon kahit sabihin pa sayo ng doktor mo!"

FALL FOR YOU ( KAYE CAL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon